7

7.3K 480 24
                                    

Hindi ko alam ang mararamdaman ko matapos basahin ang liham niya— fuck, is this even a letter?

She was breaking off the engagement through a letter! Tama ba 'yon? Hindi niya man lang sinabi sa akin personally, at talagang tatakasan pa ako, huh?

At sino ba naman ang may sabi sa kaniya na napilitan lang ako? And what's this? Malaya na raw ako? Sa tingin niya talaga ay magiging malaya ako sa ganitong paraan?

Napapikit ako nang mariin. Of course, ako ang may kasalanan. I was too afraid that I will fall for her, habang may ibang babae sa mga panaginip ko.

Kung sakali nga na naging attached kami sa isa't isa, what would she do if she knew that I have someone else in my dreams? Magagalit siya, syempre! Kaya minabuti kong ikimkim ang atraksyon na nararamdaman ko para sa kaniya. I really did my best to drive her away from me, and now that she's really going away from me, ako naman 'tong ayaw siyang pakawalan!

Isa pa, may Thanatos na naman siya. Naikwento iyon sa'kin ng isang babae or lesbian, whatever. If I was not mistaken, her name was Penthesilea.

Binati niya ako noon na nauutal pa. "Lord Thanatos?!"

She was looking at me but then I wasn't Thanatos, kaya't nilagpasan ko na siya kaso lang ay bigla niya na naman akong tinawag.

"Thanatos! Are you here again for Melizabeth?" Tanong niya sa'kin. Bumaling naman ako, "Miss, I am not Thanatos."

"Hindi mo siguro ako naaalala. I am Penthesilea, remember? Kasama ko si Melizabeth noon. Hindi ko akalain na babalik ka after 18 years," sabi niya sa'kin.

"Paniguradong matutuwa si Melizabeth na bumalik na ang pinakamamahal niya. Nagtaka ako sa tsismis na ikakasal si Melizabeth, pero sa'yo rin pala, Thanatos. Sige na!" Wika niya bago ako iniwan doon na nagtataka.

That's when I realized that Melizabeth wanted to marry me because I looked like her love of her life. Tss.

Simula n'on, humarot na ako sa ibang babae, at inaamin kong sinasadya ko 'yon. Hindi naman kasi ako si Thanatos, bakit ako papa-kontrol sa kaniya?

What a jerk, Storm. I'm a bastard, I know.

But I think the title, bastard, is more suitable for that son of a bastard, Dionysus. I suddenly remembered him holding my fiancé in his arms, at talagang umiiyak pa si Melizabeth sa kaniya.

She doesn't even cry in front of me, then she's suddenly crying in front of Dionysus! Ang unfair naman n'on.

Nakikipaglandian ka nga sa ibang babae, tapos hindi mo malandi si Melizabeth. Napapikit ako nang makarinig ng boses sa utak ko. Sarili ko pang boses 'yon— heck! E'di ako na nga may kasalanan.

I groaned in frustation.

Matapos ang araw na 'yon, nagulat ako nang magpakita sa'kin si Melizabeth na may pulang buhok. I was caught off guard, and told her the red hair didn't look good at her. It reminded me of Elisse. Ibinigay niya sa'kin ang sulat, at umalis na.

Then, I realized it was Aphrodite all along. Hindi pala nagpakulay si Melizabeth. I sighed deeply.

Lumabas ako, at kaagad kong nasilayan si Dionysus na kasama na ngayon ang ibang apprentice ni Melizabeth. Una palang, hindi na kami magkasundo.

Pero sa ngayon, ibaba ko na muna ang pride ko. As long as he doesn't say anything stupid.

"Lord Dionysus," I wanted to choke by calling him Lord. I personally think he doesn't deserve it. Kidding asides, it's my ego speaking.

Mukha naman siyang namangha sa tinawag ko sa kaniya, at binitawan niya kaagad ang kaakbay niya, na kahapon ay ako ang kaakbay. Lol.

"What do you need, Underworld Prince— oops, my bad. Hindi na nga pala," wika niya at mapang-asar na tumawa.

Death and StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon