Chapter 26: Twinkle, Twinkle Murders (Second Murder)

137K 6.4K 3.5K
                                    

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.

Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

KINABUKASAN, NAGKITA-KITA kaming apat sa clubroom para pag-usapan ang bagong White Hostel murder case. May inutusan si Inspector Estrada para ihatid sa amin ang mga report mula sa kanilang imbestigasyon kagabi. Sinimulan nina Alistair at Jamie ang pagre-review sa mga detalye—ang time at cause of death, ang murder weapon, ang naka-discover sa katawan, at iba pa.

Kumusta na si Loki? Hayun, nakaupo sa swivel chair habang nakatulala sa bintana. Parang lumulutang ang kaniyang isip mula nang nakita niya ang duguang biktima sa White Hostel. Kagabi, agad kaming ipinahatid pauwi ng inspector. Hanggang sa apartment, tulala siya habang nakaupo sa couch at nakatitig sa spider's web of conspiracy ni Moriarty.

Apparently, the crime scene reminded my roommate of how he discovered Rhea's body more than six months ago. 'Yon ang kuwento ng inspector sa akin bago niya kami pinauwi. Kung magkapareho nga ang crime scene, this was a hundred percent connected to Moriarty. That criminal mastermind probably grew tried of playing with Loki's mind, he decided to attack his heart.

"What if I do something to make him feel happy?" bulong ni Jamie bago ilipat ang binabasang document sa susunod na page. Kung may dapat iwasang makita si Loki ngayon, walang iba kundi siya. Dahil kahawig niya si Rhea, baka ma-trigger na naman ang masamang alaalang pilit kinalilimutan ng club president namin.

Anyway, we needed Loki at his best so we could close this case as soon as possible. Sa ngayon, may delay sa transmission sa utak niya kaya mabagal ang kaniyang response. We needed him to be focused.

"I reviewed the front desk footage in the White Hostel and compared it with the logbook." Iniharap ni Alistair ang laptop niya sa amin kung saan nagpe-play ang isang video. "Ayon sa findings ng pulis, may alibi ang lahat ng mga bumisita, mula sa mga estudyante hanggang sa fast food delivery guy. Pero may isang hindi tumugma."

Isang lalaking nakatalikod sa video ang kumausap sa guard bago sumakay ng elevator. May suot siyang baseball cap kaya hindi namin nakita nang malinaw ang buong mukha niya. The time stamp on the video was at 5:55 p.m.

"He said he was going to pick up some dirty laundry on the fourth floor. Meron ngang nagpapa-pick up ng damit, taga-Room 402, pero hindi siya pinuntahan ng nagpakilalang lalaki mula sa laundry shop."

Ibig sabihi'y nagpanggap na may business sa ikaapat na palapag ang salarin para makapasok sa hostel. He probably wore a disguise para hindi siya agad makilala ng mga nakasalubong niya.

Project LOKI ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon