Chapter 29: A Series of Unfortunate Events (Murder or Suicide?)

95.9K 5.8K 3.4K
                                    

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.

Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

MABUTI'T MAY mga pulis na naka-istasyon sa campus plaza kaya agad silang nakaresponde. Pagdating sa Room 606, kinordonan muna nila ang kuwarto bago kumuha ng mga retrato. Sunod nilang ibinaba ang katawan ni Vessy, ipinasok sa body bag, at inilagay sa stretcher para mailabas.

When reality finally sank in, I could not help but feel regret. Nakalulungkot na hindi ko man siya nakausap mula nang lumipat ako sa Pampanga. I should not have ignored her messages. I should have tried to reconnect with her. Ngayo'y wala nang pagkakataon para makapagkumustahan kami.

The police presence in the dormitory caught the attention of some students. Nagpaalam sa amin si Lionel at bumaba para i-divert ang atensiyon ng mga estudyanteng nagsasaya sa campus plaza. He did not want to ruin the festive mood outside because of what happened here.

"Ang saya-saya sa labas 'tapos biglang may mangyayaring ganito?" komento ng isang middle-aged na lalaking magulo ang buhok na parang bagong gising at gusot-gusto ang suot na police uniform. Halata sa malalalim niyang eyebags at maingay na paghikab na lagi siyang late natutulog. Matangkad siya pero payat ang katawan.

It had been months since I last saw the face of Senior Inspector Stanley Hermosa. Wala pa rin siyang pinagbago sa asta at pananamit. An ordinary citizen would have mistaken him for being a lousy police officer. Wala sa itsura niya ang pagiging inspector.

Napabuntonghininga siya habang pinanonood ang paglabas ng stretcher mula sa kuwarto. "Ang mga kabataan talaga ngayon, basta-basta itinatapon ang kanilang buhay. Kung hindi nalululong sa bisyo, nagpapakamatay."

Dahil hindi gano'n kadalas magkaroon ng insidente sa St. Bart's—compared sa Clark High, thanks to Moriarty—paminsan-minsan namin nakikita si Inspector Hermosa at ang mga pulis dito noon. They were only present in events that needed additional security.

"Alistair? Ikaw ba 'yan?" kunot-noong tanong niya, sabay lapit sa kasama ko. Naningkit ang kaniyang mga mata bago nagliwanag ang mukha. "Ikaw nga! Ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita! Kumusta ka na?"

My childhood friend awkwardly smiled as Inspector Hermosa patted his head. "It's good to see you again, sir. Lumipat na ako ng school kaya hindi n'yo na ako nakikita rito."

"Kayo ba ang nakakita sa katawan ng nagpakamatay na estudyante?" Lumipat ang tingin ng inspector mula sa kasama ko patungo sa akin. Dahil siguro sa disguise kaya nahirapan siyang maalala ang itsura ko. "At sino 'tong kasama mo? Girlfriend mo ba?"

Project LOKI ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon