Third Person's View
Agad na silang naglakad ng mabilis pag kababa nila ng motor at dumiretso sa gym. Saktong sakto kase ang pagdating nila.
Agad silang pinagbulungan dahil ba naman sa itsura nilang para silang pumunta ng giyera. May daplis pa ng dugo ang mga pisngi nila at may mga punit ang damit nila. Mas lalong pinagtitinginan ang braso ni Mirae na nagddugo pero parang wala lang sa kanya ito. Sabi nga niya.
Hindi siya mamamatay sa daplis lang.
Hindi nalang nila ito pinansin dahil mas nakakatakot magsalita ang instructor nilang bakla dahil malate kalang ikakabawas na agad sa grade mo yun.
Agad silang pinagtinginan sa loob ng gym dahil sa itsura nilang dalawa. Agad na lumapit ang grupo nila Arthur at agad silang tinanong na may halong pag aalala.
"Anong nangyari? Bakit nagdudugo yang braso mo?!" Habang sinusuri ni Arthur ang muka nila. Inirapan lang sila ni Mirae.
"Ano yan new style?" Sabi naman ni
Philipp ngunit siniko lang siya ni Clyde.
"May mga lalaki kaseng---" Magsusumbong sana si Jerah sa kanila ngunit tinakpan ni Mirae ang bibig niya at sinamaan siya ng tingin at nagpeace sign nalang ito sa kanya.
"Nothing. We're fine" Sabi ni Mirae at naglakad na papunta sa mga kaklase niya. Wala siyang balak magpalit dahil siguradong ano mang oras dadating na ang baklang instructor nila.
Malapit na sana ito sa mga kaklase niya ng biglang may naglagay sa ulo niya ng uniform nila pang P.E. Inangat niya ang ulo niya at nakita niya si Kiyoshi na naka-pokerface lang.
"Wear it. You look like you killed someone and uhmm pardon me but... that..." Sabi ni Kiyoshi sabay baba ng tingin sa dibdib niya. Hindi kase gaanong makapal ang tela ng damit nila sa P.E at pawisan pa siya kaya ayun halata.
Agad na nakatikim ng suntok sa pisngi si Kiyoshi ng suntok na nakapag padugo ng gilid ng bibig niya. Natawa nalang siya ito sa ginawa ng dalaga sa kanya.
"Jódete!" Sabi nito sabay alis at dumiretso ng comfort room ng gym para magpalit. Sumunod nadin sa kanya si Jerah dahil binigyan din siya ng boys ng pamalit.
"Yun eh! Ganda ng ngiti natin ngayon ah" Pang-aasar sa kanya ni Clyde. Hindi niya nalang ito pinansin.
Sabay na dumating ang intstructor nila at pabalik naman na sila Mirae. Buti nalang ay di sila napansin.
"OKAY CLASS! HURRY UP AND WARM UP, IN 5 MINUTES MAGLALARO TAYO NG BASKETBALL!" Hindi na niya kailangan ng megaphone dahil para na siyang speaker.
Agad na nagsiangalan ang mga babae nilang kaklase at maya maya pa ay nagsimula na silang mag warm up dahil pinanlisikan na sila ng mata ng instructor nila.
Pagkatapos ng warm up ay agad na lumapit si Arthur kay at hinawakan ang braso nito.
"Tara, dadalin kita sa clinic baka mapano pa yang daplis mo na yan. Ako na bahala kay sir at wag kang makulit" Hihilahin na niya sana si Mirae ng biglang may tumabig ng kamay niya at nakita niya si Kiyoshi na may dala dalang first aid kit.
Agad silang nakakuha ng atensyon sa mga kaklase nila. Agad na lumapit ang instructor sa kanila at pinagtaasan sila ng kilay.
"Anong nangyari Ms. Clevon?" Mataray na tanong sa kanya nito.
Sa halip na sumagot si Mirae ay si Kiyoshi nalang ang sumagot para sa kanya.
"Nothing sir, it's just a minor injury that's all" Agad na umusok ang ilong ng intructor nila ng marinig ang tinawag sa kanya ni Kiyoshi na SIR.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...
