Third Person's View
Nang matapos mag order ni Arthur ay agad na tumayo sa upuan ang mga kaibigan niya. Hindi niya nalang ito pinansin at maingat na hinawakan ang inorder niyang lunch ni Mirae.
Papalabas na sana siya ng cafeteria ng biglang harangan ng mga ito ang dinadaanan niya kaya napakunot nalang siya ng ulo.
"Uy... Parang gutom pa ko. Sakin nalang yan." Si Clyde na pilit ngumiti.
"Umorder ka nalang ng katulad nito, alis!" Sagot nito pero hinarangan ulit siya ng dalawa.
Nakita nilang nagsalubong na ang dalawang kilay ni Arthur kaya kinabahan na ang dalawa.
Kahit hindi sabihin ng dalawang kaibigan nila ang namamagitan na alitan ay ramdam nila ito. Kaya hangga't maaari ay sumingit na sila para hindi mahantong sa pagkakasira ng pagkakaibigan nila.
"Ano kase naubos na pera namin hehe. Pautang..." Kamot ulo na sabi ni Philipp. Agad namang nilabas ang wallet nito at binigyan agad sila ng pera. Nanlaki ang mata nilang dalawa.
Ano pa ba ipapalusot nila?
"Ayan na, pwede tumabi na kayo sa dinadaanan ko?" Halatang pinipigilan ni Arthur ang inis niya.
Bago pa man sumabog sa galit si Arthur ay humarang na sa gitna si Jerah at agad niyang kinuha ang pagkain na hawak hawak nito. Nginitian niya ang tatlo.
"Ako na ang bahala kay Mirae, sige na. Magsisimula na ang cheerdance, kayo na muna ang manuod, Bbye!" Hindi na sila naka angal at agad na itong umalis.
"Tsk..." Bwisit na singhal ni Arthur at agad namang binalik ng dalawa ang pera nito.
"Kay Marcus nalang pala kame mangungutang, baka kaya ka nagagalit kase mauubos na pera mo." Ani ni Philipp.
"Sabihin mo lang kung ubos na pera mo ihihingi ka namin kay Marcus." Sabat naman ni Clyde at umakbay pa ng dalawa sa kanya kaya wala na siyang takas.
"What the?" Hindi na ito nakaangal dahil agad siyang kinaladkad ng dalawa pabalik sa cafeteria.
Sa kabilang banda naman ay napabuntong hininga nalang si Mirae sa dala dala niyang pagkain. Agad siyang dumiretso sa pinakamalapit na trash bin at doon ito itinapon.
"Sorry puds..." Aniya at tinalikuran na ito.
Ayaw niya namang ibigay ito mamaya kay Rosè baka malaman ni Arthur na hindi niya naman pala binigay ang pagkain kay Mirae kaya mas mabuting itapon niya nalang ito.
Hindi man siya kumikibo pero kita niya sa dalawang binata na iba ang tingin nito sa kaibigan niyang si Mirae.
Ngayon niya lang nakita na nag seryoso sa babae si Arthur habang si Kiyoshi naman ay ngayon lang natuwa sa isang babae. Hindi nila ito nakikitang may kasamang babae except sa kanila pero madalang na madalang silang kausapin nito hindi katulad ni Mirae na halos araw araw itong kausap.
Wala siyang pinapanigan ni isa sa kanila. Ang makakapag desisyon lang nito ay si Mirae. Pareho nilang mga kaibigan ang mga ito at ayaw nilang masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa isang babae.
"Hoy Bakla! Kanina ka pa namin hinahanap g*ga ka!" Nagulat siya na may biglang nagsalita sa likod niya.
Agad siyang lumingon at nakita niya ang dalawang bakla na mag aayos sa kanya para sa gaganapin na pageant mamaya. Ang Mr. and Ms. Sportsfest.
"Ako?" Aniya sabay turo sa sarili niya.
"Hindi hindi! Yung basurahan. G*ga ka! Wala ka bang balak mag ayos ng sarili mo? Tarush na nga!" Hindi na siya nakaangal at kinaladkad na siya papuntang room nila para ayusan.
YOU ARE READING
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...
