♕CODE 39♕

21 3 0
                                        

Third Person's View

Nagising sa pagkakaidlip si Mirae ng may marinig siyang pagkatok sa kaniyang pintuan. Agad siyang tumayi at itinali ang nakalugay niyang buhok saka na ito binuksan. gad tumambad sa kanya ang butler na si Aegus na masasabing may katandaan na din sa itsura.

"Milady, the dinner is served, please follow me." Anito.

Tumango nalang siya bilang pagsang ayon saka na siya sumunod dito. Gutom na din naman siya kaya hindi na siya umangal. Habang naglalakad sila ay ramdam niyang may nakaingin sa kanya sa malayo.

Huminto siya sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid. Siguradong may nagmamatyag sa kanya mula sa malayo. Inihilig niya nalang ang ulo niya upang hindi niya na iyon isipin. Siguro ay hindi pa masyadong gising ang diwa niya at baka illusyon niya lamang iyon.

Tahimik silang nakapunta sa dining room. Nginitian niya nalang ang butler na si Aegus matapos siyang ipag tulak ng upuan nito. Nabusog ang mga mata niya sa daming nakahanda na pagkain sa hapagkainan na pawang may gaganapin na kasiyahan.

Ngunit ang pumukaw ng kaniyang paningin ang isang plato sa pinakadulo ng long table na iyon. Agad na kumunot ang kaniyang noo ng makita niya iyon saka hinarap si Aegus.

"What's with the extra plate? Is there any guest here? Or kinda relatives to me?" Pagtatanong niya ngunut ngiti lang ang sinagot nito sa kanya.

"I'm sorry milady for the extra plate. I assure it will never happen..." Yumuko ito sa kanya bilang paggalang ngunit mabilis siyang umiling sa sinabi nito.

"Ah-- No, it's fine. I'm just asking if there's any visitor than me." Aniya saka sinimulan niya ng kumain. Kahit hindi niya alam ang tawag sa kinakain niya ngayon ngunit masarap ang pagkakaluto nito na parang mala 5 star hotel ang datingan.

Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa liwanag ng buwan na tumatama ngayon sa mukha niya na unti unting nababalutan ng ulap.

Napakatahimik at mala paraiso ang ganda ng Clevon Grand Mansion. Lalong gumanda dahil nakalagay ito sa tuktok ng bundok at kita ang city lights sa babang tanawin.

Nandito siya ngayon sa terrace ng kaniyang kwarto at nakatingin sa ganda ng mga ilaw na nagmumula sa ibaba ng bundok.

Napag desisyunan niyang pumasok na ulut sa kwarto niya para makapag pahinga na siya ngunit may narinig na naman siyang mga yabag galing sa labas ng pintuan niya.

Hindi niya maintindihan dahil sa sobrang hina ng pag uusap na iyon. Rinig niya na may kausap si Aegus ngunit hindi niya marinig ang pinag uusapan nito.

May itinatago ba ang mga ito?

Napataas ang kanang kilay niya sa isip niya. Hindi siya sumama papuntang greece para mag vaccation trip kundi nandito siya para mag imbestiga at makahanap ng mga impormasyon patungkol sa nangyaring krimen sa nakalipas na dekada.

Hindi na siya makapag intay at nangangati na din ang dila niya magtanong kay Aegus at baka may alam ito sa nangyari.

Marahas niyang binuksan ang pintuan at nakita niya si Aegus na nakatalikod sa direksyon niya ngunit ng narinig siya nito kaya humarap ito sa kanya at yumuko.

"Aren't you tired, milady?" Hindi niya na alam kung pang ilang ngiti na nito sa kanya iyon ngunit alam niyang sa bawat ngiti na iyon ay may mga nakatagong lihim na hindi pa niya nalalaman.

"What are you doing here?" Tanong niya ngunit nginitian lang ulut siya nito. Naiinis na siya sa matandang ito ngunit may respeto siya sa mga matatanda at kanang kamay ito ng kanyang lolo simula binata pa ito.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon