Third Person's View
They want you dead...
Ito ang apat na letra na paikot ikot ngayon sa isipan ni Mirae bago makauwi. Matapos niyang makapunta sa kwarto niya ay agad siyang naglock ng pintuan at inilabas ang notebook niya.
Kinuha niya din ang shuriken na nasa drawer niya na kamakailan lang ay muntik ng tumama sa kaniya.
Binuksan niya ang lampshade niya sa gilid ng table niya at itinapat niya ang shuriken sa ilaw. Agad niyang nakita ang nakaukit na mga numero dito.
'31545 2121311 495'
Binuksan niya ang laptop niya at sinearch ang conversion table. Hindi naman siya nabigo ng makita niya ito.
"Code... Black..." Dahan dahan niyang basa sa mga numero na nakalagay sa shuriken. Halos hindi siya makahinga sa nalaman niya ngayon.
"Die..." Huling basa niya sa tatlong numero na nakalagay. Nabitawan niya ang hawak niya shuriken sa bigla.
They want you dead...
Agad niyang naalala ang sinabi sa kanya nung Nanny niya bago ito mawalan ng buhay.
"Y-your Tita Brenda... Pero hindi lang siya nag iisa. Madami silang gustong patayin ang magulang mo. Gusto nilang kuhanin ang Code--"
Naiyukom niya ang kamao niya ng mapag dugtong dugtong niya ang mga pangyayari. Totoo nga ang sinasabi sa kanya kanina ni Kiyoshi.
Kutob niya na isa ang tita Brenda niya sa mga taong nagplanong pagpatay sa pamilya niya.
Hating gabi na ng mapag pasyahan niyang umalis. Tatapusin niya na ang kahibangan ng tita niya.
Agad siyang nagsuot ng leather jacket at jeans at naglagay ng mga weapons sa secret pocket niya. Kahit masakit ang nakabenda niyang hita ay tiniis niya.
Nabuhayan siya ng dugo ng malaman niya ang sinasabi ng Nanny niya sa kanya.
Maingat siyang lumabas ng kwarto at agad siyang bumaba. Habang pababa ay nakasalubong niya ang ama ni Jerah.
"Saan ang punta mo Mirae? Gabi na ah" Nakangiting bati nito sa kanya nito.
"Have some important business tito..." Sabi niya at sinimulan niya na ulit maglakad.
"Ingat ka." Buti nalang ay hindi na siya nito tinanong kaya nagmadali siyang sumakay sa bagong motorbike niya na pinalitan ng mga elders at agad niya itong pinaharurot.
Halos mag-iisang oras na din bago siya nakapunta sa mansion nila. Agad niyang pinark sa malayo ang motorbike niya. Binuksan niya ang laptop at agad niyang hinack ang lahat ng cctv na nakapalibot sa mansyon.
Nasa dulong bahagi siya ng mansyon at gamit ang lubid ay hinook niya ang mataas na pader na nakapalibot sa buong mansyon. Agad siyang umakyat sa pader at hindi ininda ang sakit na nararamdaman niya sa hita niya.
Pagka akyat niya ay nakita niya ang mga armadong lalaki na naggagala sa buong mansyon.
Isa lang ang nasa isip niya ngayon. Ang patayin lahat ng nasa loob ng mansyon. Wala na siyang pake kung sino ang madadamay, basta ang nasa isip niya ngayon ang tapusin ang kahibangan ng tita Brenda niya.
Gamit ang puno ay bumaba siya ngunit may nakakita sa kanya kaya't agad niya itong binaril ng wala man lang ginagawang ingay. Maingat ang lakad niya upang walang makakita sa kanya. Agad niyang binuksan ang hidden door ng mansyon nila at pumasok sa loob.
YOU ARE READING
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...
