Chapter 2

3.2K 130 0
                                    

Chapter 2

I just close my eyes while listening and humming. Kaunti lang ang nagsasalita kadalasan ay ang mga tripulanteng nanghihingi ng tanso sa mga pasahero. Anim na tanso ang kinokolekta nila. Bayad sa pagsakay dito sa barko. Hindi ko alam kung may tao bang hindi nakabayad dahil nga kapos sa pambayad. Napadilat lang akong may tumapik sa aking balikat. Iniyuko ko ang ulo at doon ko nakita ang suot nitong bota. Isang tripulante habang nakalahad ang palad nito sakin. Agad kong kinuha ang anim na tanso sa dala kong supot at binigay sa kanya. Agad siyang umalis sa aking harapan at humingi sa aking katabi. I heavily sighed dahil sa sobrang sikip. Napangiwi pa akong nakipagsiksikan talaga ang tripulante sa gilid ko.Hindi ka pa sanay Eleitheia.

I smiled nang tumunog ang barko. It's mean dudunggo na kami sa pier ng bayan. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng tribo ang mahalaga ay makatapak ako sa kanilang lugar.

'Nixon Tribes'

Pipi kong basa sa malaking mga letra sa ibabaw ng tarangkahan. Yan ang bumungad sa amin pagbaba palang ng barko at sa pier. Nasa tribo pala ako ng mga healer at potion maker. Mabuti-buti narin ito. Bitbit ang supot ay sumabay  ako sa mga tao papasok sa tarangkahan. Napaangat ang aking tingin na may dalawang tao sa magkabilang tore. May dala-dala itong sibat sa kanang kamay at may suot na baluti habang nagmamasid sa amin. Sa tarangkahan naman ay meron ding dalawang kawal na nagbabantay at ang nasa unahan namin ay kanilang sinusuri. Ganito sa ibang tribo masyado silang mahigpit hindi tulad sa Plebeu Tribes.

Napahinto ako ng hinarang ang kanilang sibat sa aking harapan paekis. Ramdam kong sinusuri nila ang kabuohan ko kahit na alam kong hindi nila makikita ang aking mukha iniyuko ko parin ito. Sinusuri nila ang dala kong supot hanggang pinapasok na nila ako. Nakahinga ako. Hanggang ngayon hindi ko parin ako sanay sa ganitong pamamaraan ng mga tribo pero alam kong para ito sa kanilang kaligtasan.

I roamed my eyes at the tribe. Ibang-iba sa Plebeu Tribes. Ang titibay ng bahay nila kahit maliit o sakto lang ito sa isang pamilya. Maraming naglalakad sa daan habang napapatigil at napapatingin samin. They are looking us like a trash. Ganyan naman sila hindi na ako magtataka. Kung ikaw ay mababa at walang antas sa buhay, they will down you. Ipapatikim nila kung sino ka talaga sa mundo at kung ano ka sa mundo. You're nothing from their eyes. A nobody and unknown. Sa kaalaman ko ito ang tribong hindi mapanakit sa physical at verbal language maybe they can stare at you like tulad ngayon pero hanggang dyan lang sila.

Nagsimula ng nagkawatak watak ang mga commoners at iba ang kanilang tinahak na daanan. Humanap din ako ng daan patungong kainan. Gutom na ako. I want to eat dahil dalawang araw na akong walang kain.

When I'm in the middle of walking marami din akong nakasalubong at titingin sa akin pagkatapos ay magbubulongan. Hindi ko nalang sila pinansin. Nakasuot din ang mga ito ng balabal na kulay puti. Symbolizes that they are the people of Nixon. Puti lahat ang kanilang balabal. While the Plebeu people lumang itim na balabal basta butas-butas yung commoners talaga ang gamit, pangmahirap.

I secretly glanced at them. Kaedad ko lang ang mga ito at they are all girls. Magaganda at maayos ang pagdala ng kanilang damit. Hindi nakatabon ang kanilang balabal sa ulo nasa likod ng leeg lang ito. They also have highlights on their hair with the color white.

Nilampasan ko na lang sila at binilisan ang lakad. Sa paglilibot ko ay marami namang kainan but I'm not welcome. Hinaharangan nila ang pintuan kapag papasok na ako. Buti nalang may nakita akong kainan at pinapasok ako. Maliit lang siya at mukhang hindi lapitan ng mga tao. Masarap naman ang hinain nila seguro nasisikipan lang sila dito dahil maliit lang ang lugar.

Mabilis akong umalis dun at nagsimula na ding maglibot sa kanilang tribo. Saan na naman ako matutulog ngayon? Hhaayyss. May nakita akong plasa na may mga bench sa gilid at palaruan sa gitna. Dumiretso nalang ako sa bench at umupo.

Inayos ko ang aking balabal at takip sa mukha. Inilagay ang aking dalang supot sa tabi at pumikit. I felt relax and calmed. Sa ganitong lagay ay feeling ko talagang nakakapahinga ako kahit panandalian lamang.

"Hija."

Napadilat ako at lumingon sa may-ari ng boses. Inangat ko ng kaunti ang balabal para makita kung sino. I saw an old lady wearing a white cloak while staring at me. Tumayo ako at yumuko sa kanya. She's smiling.

"Magandang hapon po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang kong tanong. Nakangiti pa rin siya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Kanina pa kasi kita napapansin. Paikot-ikot ka lang sa tribo namin.Wala ka bang matutulogan?" Mabilis akong napatingin sa kanya. I am shocked what she asked. Totoo ba ang narinig ko? She's asking me?

"Hmm. Opo." Kahit nahihiya ay sinagot ko siya.She gave me a sweet smiled. "Pwede kang tumuloy sa bahay ko doon ka muna pansamantalang matulog. Wala naman din akong kasama eh." Napakurap-kurap ako at napaawang ang labi. Sa loob ng ilang taon kong paglilibot at pagtatago ngayon lang ako nakatagpong kagaya niya.I smiled kahit hindi niya nakita and say 'Thank you.'

The Stone KeeperWhere stories live. Discover now