Chapter 40

2K 80 0
                                    

Chapter 40

Eleitheia's POV

Hawak kamay ni Vonn nakasunod sa ibang councilors at mga kasamahan namin palabas ng meeting hall. Napatingin ako sa gawi nila Sparkle at halatang kinakabahan sila. Sino bang hindi? This is our first war ever since. Hindi ko alam kung bakit ngayon sila nagparamdam bukod sa mga taong naghahabol sakin ibang kwento naman sila. But I don't know. Or maybe, they are part of them. Pero kung tama ako paano ito nangyari? Ang dami kong tanong pero alam kung niisa walang sasagot dito. Di ko alam kung ano ang mga sagot nito. Isang nilalang lang naman ang pwedeng sumagot sa tanong ko kundi ang hari ng kadiliman.

Paglabas namin ay agad sumalubong samin ang nagtatakbuhang mga kawal. Nagkagulo na nag lahat at ang langit ay binalot ng kadiliman. Nakakatakot ito tignan.

" I'm scared." Rinig kong bulong ni Eureylie. Pinakalma naman siya ni Damon. Rinig ko rin ang pag-uusap nina Ezaree at Vionix. Ganun din sina Kaharah at Zurich. Napakunot naman ang noo ko ng makitang hinawakan ni Hendrix ang kamay ni Glezie. Si Sparkle naman ay napakamot sa ulo habang nakatanaw sa mga lalaking tumatakbo palapit samin. Nang dumating ito sa kinaroroonan namin ay agad ko itong makilala. Sina Draven. Seryoso ang mga mukha nito pero ng makita nila ako ay agad itong ngumiti at nakuha pang kumaway sakin.

Kakaway sana ako sa kanila nang biglang umulan ng apoy. Nagulat naman kami dun pero agad kumilos. Nakita kong nagsimulang harangan ito nina Ezaree. Maraming nasugutan dahil sa biglaang pag-ulan ng mga apoy. Di ko akalaing malalakas rin pala sila.

"Damn." Rinig ko mula kay Vonn.

" Vionix and Hendrix. Evacuate the people. Bring them to the safe place." Rinig ko mula sa head ng council. Agad namang sumunod ang dalawa. They bring some of guards. Napayuko naman kami nang biglang yumanig ang lupa. Napapikit ako dahil sa lakas nito. Sa pagdilat ko ay napaawang ang labi ko ng isang iglap ay nasira ang mga instracktura. Maraming biyak at gumuho ang lupa. Bumitaw ako kay Vonn na kinalingon niya sakin.

"What the fuck?" Mura niya. Umikot ang mata ko.

"Tumahimik ka dyan! Lead them. I'll help Draven. " Utos ko sa kanya. Nagdadalawang-isip naman siya sabay buntong hininga. Hinalikan niya ako sa labi at masuyong hinaplos ang pisngi ko.

"Be safe, okay?"

" Ikaw din."

Napabuntong hininga ako bago ko inilibot ang tingin. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. Sa loob ng dalawang taon na nabubuhay ako di ko akalaing masaksihan ko ito. Akala ko ay mas delikado ang mga nilalang na naghahabol sakin may mas malala pa pala at kaya nitong tapusin ang mundo na siyang pinoprotekhan ng aking angkan gamit ang mahiwagang bato. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit nga ba kami nabubuhay dito pero sa isang kisap lang ay nagkakagulo na. Ako ang huling tagapangalaga subalit naging trahedya. Kung hindi ko lang sinunod ang nais kong maging mamuhay ng payapa ay hindi aabot sa ganito. Bumuntong hininga ulit ako.

Sa palagay ko nabigo ko ang aking angkan. Nabigo ko sila sa taglay kong maging malaya.  Hindi ko man naisin maisip ito pero di ko mapigilang magsisi.

Dumako ang tingin ko kay Vonn na nikapaglaban kasama ang mga kaibigan niya ganun din ang ibang kunseho. Napatingin ako sa kalangitan ng mapansing dumami ang mga nilalang na nagsisiliparan dito. Bumubuga ang iba ng apoy kung saan ang mga alaga namin ay nilalabanan nito. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang pinuno nila. Kung bakit sa mundo pa namin naisip nilang sugurin.

Itinaas ko ang aking kanang kamay at ang isang pitik lamang ay naging abo ang mga ito. Naibaba ko ang aking kamay ng yumanig ulit at napatingin sa ere. Naningkit ang mga mata kong makita ang isang maliit na bilog na kulay itim habang unti-unti itong lumalaki. Nanlaki ang mga mata kong lumabas galing doon ang mga dambuhalang nilalang na hindi ko lubos akalaing makikita ko sa buong buhay ko. Mg halimaw ito na di ko mawari ang mga wangis nito. Nakakatakot ito lalo na't may mga mapupulang mata ang mga ito.

The Stone KeeperWhere stories live. Discover now