Chapter 7

2.6K 116 0
                                    

Chapter 7

Hinanap ko kung saan ang aking room.Tumingin ulit ako sa I.D. para masiguradong hindi ako nagkakamali sa paghahanap.Natagpuan ko ito sa may 6th floor.Nang buksan ko ang room tumambad sa akin ang malawak na living room.Merong malawak at mamahaling sofa habang may TV.

Tatlong pinto ang nakita ko at kulay puti ang mga ito.Lumapit ako sa isang pinto at kumatok.Walang sumagot.Sinubukan kong buksan ngunit hindi ko mabuksan.Sa gitnang pinto naman ako kumatok wala ring sumagot.

Rinig kong bumukas ang katabi nitong kwarto.Nilingon ko ito at nakita ko ang babaeng nakasilip sa pinto habang humihikab.

"Walang nagmamay-ari sa gitna.I think sayo yan."Humikab ulit ito kasabay ng pag irap sakin.She had black hair na may highlights na kulay dilaw.She is from Copers Tribes.Ang gulo ng kanyang buhok at mukhang kagigising lang nito.

"Hmm.Salamat."Sabi ko nalang.Umirap muna siya bago sinarado ang pinto.I thought walang estudyante dito dahil bakasyon nila meron na palang nauna samin.Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ang kwarto.

Pumasok na ako at isang malawak na kama ang tumambad sakin.Ang ganda.Kulay puti ito.May nakita akong papel sa ibabaw ng kama at susi.Mukhang schedule ko at susi ng room ko.Hila ang bagahe ay lumakad ako sa isang pinto at I opened it.It's a walking closet.Wow ang lawak at ang daming nakahanger ng uniforms.Grabeh ang yaman ng school.Lumapit ako sa nakahilarang mga black shoes,doll shoes,rubber shoes,sandals,wedge at stiletto. Nasa ibabaw ito ng glass at gawa din ng glass ang sliding door nito.Wow.Paano nakakasiguro ang school na kasya ko mga ito? But what I expect nasa mundo ako ng puno ng mahika.

Halos lahat ng cabinet ay nabuksan ko na at isa lang ang masasabi ko.Wow.Kompleto lahat.May uniforms for P.E,dresses,pangtulog at pangbahay.May mga shorts at skirts ding nakatupi.Inihanger ko nalang ang mga dala kong damit at tinabi sa mga dresses.Lumabas ako sa walking closet at pumunta sa table na may salamin at may cosmetic things.Ang dami.May nakita din akong mini table malapit sa bintana habang may maliit na flower vase,maliit na clock,lampshade at books sa ibabaw.

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang puting kurtina.Gawa sa glass ang bintana at sliding window ito.I slide the window to the left side.Napahawak ako sa bakal nito at pumikit upang lumanghap ng hangin.Nakakarelax.Ang gaan sa pakiramdam.Hindi ako nagkamali sa desisyon ko na pumasok dito.Sa wakas I felt calmed and hindi ko maiisip ang mga taong humabol sakin.I opened my eyes and mini forest welcomed me.Mukhang nasa bahaging likuran ang aking room.

Ibinaling ang aking tingin sa buong kwarto at doon ko napansing walang CR.Napakamot ako sa leeg at sinara ang bintana.Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang babae kanina bihis na bihis na ito ngayon. She's wearing fitted yellow dress and stiletto.Hapit na hapit ito sa katawan niya kaya nakikita ko kung gaano ito kasexy.Maayos na din ang buhok nito.Napatingin ito sakin na maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya.Kinunutan niya ako ng noo while looking at me head to toe.Parang sinusuri niya ako.

"Do you want to go with me?"She asked.Napakurap-kurap ako kaya umirap ulit siya.

"I mean gusto mong sumama sakin?Sa cafeteria.Gosh hindi pala kayo makakaintindi ng English.Ano na?"Mataray nitong usal sakin.Gusto kong kumuntra but I kept silent.Umiling lang ako sa kanya.Nagkibit balikat lang ito at umalis sa harap ko.Bago siya lumabas ng dorm namin ay I called her 'Miss'.Lumingon naman ito sakin habang nakataas ang kilay.Tila hinihintay ang sasabihin ko.

"Hhmmm.Saan ang CR?"I asked her.Tinuro niya naman ang isang pinto sa katabi ng kwarto niya.May isang pinto rin sa gilid and I think it's the kitchen.

"Salamat."She just thumbs up and closed the door.Napailing-iling nalang ako.Bumalik ulit ako sa loob ng kwarto para ikuha ang schedules ko.Sa ilalim ng papel na may schedules ko sa klase ay may slam book.I read the cover.It's the rules and regulations of the Academy.Kinuha ko din ang susi at inilagay sa cabinet.Dali-dali akong lumabas at pumunta sa sofa.Umupo ako at inilagay ang slam book sa mini table nasa harapan ko.

"White-4B Schedule of Classes."Basa ko.White?So lahat ng kaklase ko ay puro healer at potion maker.Nice.

7:20-7:50-All Clans and Tribes Ceremony
7:50-9:50 in morning-Training(M to F)
9:21-10:00 -RECESS/SNACK time
10:00-12:00- History(M to F)
12:00-1:00- Lunch Break
1:00-3:00 - Your Tribe/Clan power training
3:00-5:00-Vacant time/Dismissal

Napangiwi ako sa schedule.Ito lang pala ang schedule dito.Akala ko mahirap.Inilagay ko ang schedule sa mini table at kinuha ang slam book.Sumandal ako sa sofa at binuksan ito.

The Rules and Regulations you must followed.If you disobey those rules you have a deadly punishment from Elites and Staffs.

"Grabeh naman toh."Bulalas ko and continued reading.

____________________________________

#1.You must attend your classes.
#2.Do not used your powers without permission from us and in nonsense situations.
#3.Obey the high.
#4.Avoid bullying.
#5.Follow the rules.

Every 5:30 in the afternoon to 7:30 in the evening is the Dinner Time at the cafeteria.

P.S. If you don't want to cook in your dorm.

7:50-9:00 in the evening is the Hunting hours.If you don't wanna get involved or you don't like it just lock your door and windows badly.

P.S. (once in a week)

7:50-9:00-curfew except the Hunting hours.You must be updated when the Hunting hours will be done.

That's all and have a wonderful day.

By: Highest Faculty membership

____________________________________

Napakurap-kurap ako.Meron palang curfew at anong hunting hours?Tumayo nalang ako at niligpit ang dalawa kong binasa.Pumasok ako sa kwarto at inilagay ito sa mini table.Pinatungan ko din ng libro.Lumapit ako sa bintana at nilock at tinakip ang puting kurtina dito. Kinabahan kasi ako dun sa Hunting hours hanggat maaga pa isasarado ko na ang bintana ng maayos.

Paglabas ko sa kwarto ay dumiretso ako sa kusina.Ang ganda naman dito.Mamahalin ang kagamitan.Tiningnan ko ang ref kung may laman ba at grabeh ang raming laman.Bakit kailangan pa niyang pumunta sa cafeteria?Eh ang dami ng namang maluluto dito?

Nagluto nalang ako at dinamihan kuna rin baka dadating yung isang kadormmate namin.Nakakahiya naman kung di ko isasali.

Napatingin ako sa wall clock nakasabit sa pader.It's around 6:00 in the evening na pala ako natapos sa pagluluto.Nasa living room kasi ako at hinihintay sila.Mukhang mamaya pa ang mga yun kaya kumain nalang ako pagtapos ay pumasok sa kwarto.Kumuha ako ng pantulog, underwear at bra.Maliligo ako.Ngayon ko ulit ito naranasan ang ganitong takbo ng buhay.I miss this.

The Stone KeeperWhere stories live. Discover now