Chapter 26

2.3K 125 2
                                    

Chapter 26

Napakurap-kurap akong tinitigan ang mga kapwa ko estudyante.They are wearing jackets and pants.May sumbrero din silang suot at may dalang backpack.

Ako naman I wear black jeans ,fitted white t-shirts,denim jacket and black rubber shoes.May suot din akong bonnet at sweater.May dala din akong backpack at syempre bottled water.

Inayos ko ang salamin ko at tumungo sa kanila.

Pagdating ko ay may mag guro na din.Nag-uusap sila.Luminga-linga ako to find my classmates at nakita ko sila sa unahan.

Dumiretso ako sa kanila at tumabi kay Draven.Napalingon naman sakin si Draven habang nanlaki ang mga mata.Naningkit naman ang mga mata ko sa reaksiyon niya.

"Ang cute mo,Theia.Sayang wala ang asawa mo dito.Di niya makikita ang kacutetan mo."Tukso niya.Kinurot ko naman ang tagiliran niya kaya napadaing.

"Ang hilig mo talagang mangurot noh?Tsk."Naiinis niyang sabi.Tumawa nalang ako at iginilid ang ulo para makita ang limang lalaking katabi niya.

May kanya-kanya itong ginawa.Si Brokk ay kumakain.Si Riggs ay may hawak na mapa at sinusuri niya ito.Si Theo ay sumipsip sa hawak niyang milk tea.Si Gaylord naman ay tinitigan ang mass niya at si Xenon naman ay inaayos ang sumbrero niya.

"Okay.Aalis na tayo."Rinig ko mula sa isang guro.Nakita ko sa gilid niya ang isang guro na gumawa ng portal.Doon ata kami dadaan.

Unang pumasok ang ibang faculties at sunod ang mga estudyante.Halos kalahati din ng oras nang kami na ang susunod na papasok sa portal.

Napapikit ako pagpasok dahil nakakahilo siya.

Sa pagdilat ko ay isang napakagandang kagubatan ang bumungad sakin.

"Wow."Tanging bigkas ko.

Nilibot ko ang tingin sa gubat.Ang ganda.Halatang alagang-alaga ng Middle City.Ano kayang gagawin namin dito?

Nung nandito na ang lahat ay nagsimulang maglakad ang ibang faculties na unang pumasok sa portal.Sinundan namin sila habang napalinga-linga sa paligid.Nang nasa loob na kami ng kagubatan ay napanganga akong makita ang nagliliparang mga ibon na ibat-iba ang kulay.They are humming birds.May nakita din akong maliit na mga nilalang.

Fairies.

Ang ganda dito.Wow.

Kumikinang ang kagubatan dahil sa silver dust and gold dust nilang kumakalat sa buong paligid.

Gosh.Ang ganda.

Huminto kami sa isang malawak na damuhan.

"Dito tayo magtatayo ng tent.Sampu sa isang tent at kayo na ang pipili kung sino ang makakasama niyo."

Nagsitalunan naman ang mga kababaihan habang umiiling-iling lang kalalakihan.

Nagsimulang mag tayo ng tent ang boys while kami ay naghahanap ng mga  panggatong para gawing burn fire mamaya.Para din magluto.Ang ibang kababaihan ay kumuha ng tubig malapit samin.Sabi kasi ng isang guro may talon daw malapit sa venue namin.Doon din daw kami kukuha ng isda.

Pagdating namin sa venue ay naitayo na lahat.Inilagay namin ang napulot na tuyong kahoy sa gitna at pumili ng tent.

Napakamot nalang ako sa noong wala akong mapili dahil hindi ko rin naman kilala ang magiging kasama ko sa tent.

"Eleitheia.Come here.Kulang kami ng isa."Mabilis akong napalingon sa gilid and I saw my girl classmates while gazed at me.

Nagdadalawang isip akong lumapit sa kanila at mukhang napansin nila yun dahil lumapit ang isa para hilahin ako.

The Stone KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon