Prologue

57 3 0
                                    

"You have got to be kidding me!" Sa lakas ng boses ni Briana ay napalingon sa kanilang apat na magkakaibigan ang lahat ng tao sa coffee shop. But then, the hell she cared. May mas malaking problema si Zein para pagtuunan pa ng pansin ang mga taong iyon. At bilang tugon sa sinabing iyon ni Briana, bumuntong-hininga siya.

Hindi siya nagbibiro, totoo ang balitang pinasabog niya na balak siyang ipakasal ng mga magulang niya kay Echizen. Ang kanyang most hated enemy ever.

"How did that happen?" Tanong ni Jecelle.

"I don't know how." Sumimsim siya ng frappe. "The only thing I know is that I freaking hate this."

Ni wala pa siyang dalawang araw na nakakauwi sa Pilipinas mula sa matagal niyang pagkakatapon sa Amerika, bakit kailangang problema kaagad ang sumalubong sa kanya? It was hardly a warm welcome.

Excited na excited pa ang mommy niya sa pagsasabi sa kanyang napagkasunduan nito at ng Daddy niya kasama ng mga magulang ni Echizen na ipakasal silang dalawa. It was as if she would be happy about it. Ni hindi nga siya makapaniwala na isa ang Daddy niya sa mga pioneers ng kalokohang iyon. Ngunit base sa nakita niya, mukhang desidido itong ipagpilitan sa kanya ang kasal.

Ipinagdidiinan nitong hindi niya kayang patakbuhin ang pinakamamahal nitong negosyo, ang Stalwart Mart Corporation. Ang sabi nito ay kailangan niyang makapangasawa ng isang taong magiging dedicated sa pamamahala ng Stalwart Mart. And Echizen was his greatest bet.

Nakakainis ang ideyang ang magiging dahilan ng kanyang pagpapakasal ay dahil lang sa takot ng Daddy niya na hindi mapamahalaan nang maayos ang korporasyon nito. Higit sa lahat, bakit si Echizen pa ang napili nito? Truth is, baka pumayag pa siyang magpakasal kahit kanino ngunit hindi kailanman dito.

"And what did Echizen say?" Natatawang tanong ni Portia.

She rolled her eyes. "This is a no laughing matter, Portia."

Sa pagkakaalam niya, hindi pa alam ni Echizen ang masamang balakin ng kanilang mga magulang. Sa totoo lang, aksidente lang na nalaman niya kanina ang lahat. Masyado kasing excited ang kanyang Mommy kaya nadulas ito at nasabi sa kanya. Supposedly, ia-announce iyon over a scheduled dinner.

Naghisterya ang buong sistema ni Zein nang malaman ang balitang iyon. Ginawa niya ang lahat upang kumbinsihin ang mga magulang na itigil ng mga ito ang kalokohang iyon. Hindi siya nanalo kaya nag-walk out siya at heto, kasama niya ngayon sa coffee shop ang mga kaibigan niya.

"It's funny. I can't even imagine the two of you being civil with each other kapag nakatalikod ang parents niyo. So..." Pilyang ngumiti ni Portia. "If you two would get married, how would you do S-E-X?"

Tumawa sina Briana at Jecelle. And for the second time, she rolled her eyes.

"But come to think of it, your Mom is bestfriends with Echizen's Mom. Plus your Dad adores him so much. Bata pa lang kayo, gusto ka na rin ng parents niya. Dapat noon pa lang, nagkaroon ka na ng clue na pwedeng mangyari ito." Seryosong wika ni Portia.

Bakit niya naman iisiping ikakasal siya sa taong kinaiinisan niya? Ni sa hinagap ay hindi iyon sumagi sa isip niya. Subalit totoo ang lahat ng sinabi ni Portia, malaki ang kaugnayan ng mundo niya at ni Echizen. In fact, sabay silang lumaki. Gayunpaman ay hindi sila naging magkaibigan ni minsan. They grew up hating each other.

At ngayon, mukhang naglalaro ang tadhana...

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now