Chapter 9

19 2 0
                                    

It's been a week since her suspension. Ngayon pa lang uli papasok sa school si Zein at sa kanyang paglalakad patungo sa kanilang room ay pinagtitinginan siya ng kanyang mga schoolmate. She knew exactly what's on their mind; that she's the biggest cheater.

Maging ang Daddy niya ay ganoon ang isip sa kanya. Ginawa niya ang lahat upang magpaliwanag dito subalit tila nakabuo na ito ng konklusyon at wala na siyang magagawa upang mabago iyon.

"How can I believe that you didn't cheat when it's been your second time to the principal's office because of your mischief?"

Galit na galit ang Daddy niya sa kanya. At pupusta siyang si Echizen ang nagsumbong dito ukol sa unang beses niyang pagkakapunta sa principal's office. Hindi ito tumupad sa kanilang usapan, ganoon ito kasama.

Sina Jecelle, Portia, Briana at ang Mommy niya lang ang naniniwalang hindi sa kanya ang kodigong nakuha sa ilalim ng desk niya. Hindi niya alam kung konsolasyon ba iyong matatawag dahil hindi maalis ang bigat at sama ng kanyang loob.

"Kaya siguro lagi siyang mataas sa exams..."

Nilingon niya ang mga nagbubulungan sa kanyang likuran. How dare them!

"Shut it up, okay?" Saka niya inirapan ang mga ito.

Sa halip na dumeretso sa kanilang classroom ay pumunta muna siya sa rooftop ng kanilang building. She thanked God na walang ibang tao doon ngayon. Gusto niya munang mapag-isa. Wala siyang panahon para harapin ang mga taong huhusgahan lang siya.

Naupo lang siya doon habang nagpapalipas ng oras. The air up there was breezy. Nililipad ang kanyang buhok, dahilan upang magulo ang pink laced ribbon sa kanyang buhok. Ngunit sa unang pagkakataon ay hindi niya pinansin iyon at nanatili lang.

Maya maya ay tumunog ang message tone ng kanyang cellphone.

Where are you?

Tatlong magkakaparehong mensahe ang natanggap niya mula kina Jecelle, Portia at Briana.

Rooftop, reply niya.

Maya maya ay may narinig siyang mga yabag mula sa kanyang likuran. Subalit nang si Echizen ang makita niya sa halip na ang kanyang mga kaibigan ay nadismaya siya. He's the last person that she wanted to see right now.

"What?" Asik niya dito.

Naglakad pa ito palapit sa kanya. "Everything that happened to you is your fault, Zein. I don't understand why you always blame Lauren for it."

He was talking nonsense. Bakit, alam ba nito ang totoo? Hindi. Kaya wala itong karapatang pagsalitaan siya.

"Don't talk as if she's a saint. At ikaw, bakit kailangang isumbong mo kay Dad ang unang beses na napunta ako sa principal's office?"

"Kailangan yun malaman ni Daddy Carl."

"Then, kailangan ding malaman ni Mommy na binasag mo yung vase niya."

"You're being childish."

"Thank you, Mr. Know-It-All." Tumayo na siya. "Tell Lauren na wag siyang masyadong magpakasaya. She is yet to see what Zein Antoinette Zoleta is made of."

Saka niya ito tinalikuran. Pababa na siya nang hagdan nang masalubong niya sina Jecelle, Portia at Briana.

"We were just about to get there," ani Portia.

"Bumaba na tayo girls, masyadong mahangin sa taas."

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now