Chapter 20

8 1 0
                                    

"Akin ang TV!" Sigaw ni Zein sabay takbo palapit sa television set sa salas ng bahay na tinitirahan nila ni Echizen.

"Sa akin ang lahat ng electric fan at aircon kaya mamaya, patayin mo na yung aircon sa kwarto mo," sabi nito habang nakatayo sa di-kalayuan.

"What? You're impossible! I can't live without the aircon-"

"Akin din itong dalawang sofa at isang one seater."

Hinahamon siya nito. "Fine! Sa akin ang cabinet at filters. Maghanap ka na ng paglalagyan mo ng mga gamit mo." Luminga pa siya sa paligid. "The bookshelf is also mine."

Dahil inumpisahan nito ang pagiging territorial nang pagbawalan siya nitong pumasok sa bathroom, ngayon ay mga gamit naman sa bahay ang pinag-aagawan nila. And so far, the game was played fair.

Naalarma siya nang maglakad ito patungong kitchen. Mabilis niya itong sinundan.

"The coffeemaker is mine," sabi nito.

"Blender is mine," sagot naman niya.

Hanggang sa pareho silang mapatingin sa refrigerator.

"Akin ang ref!" Sabay nilang sigaw.

"Ako ang nauna dito sa kitchen so the ref is mine," sabi nito sabay lapit sa refrigerator.

Mabilis naman niyang iniharang ang sarili upang pigilan ito.

"No way," mariin niyang pahayag.

Hindi ito natinag at sa halip ay balewala siyang inalis sa dinaraanan nito. Saka ito sumandal sa pinto ng refrigerator. "Now, this is mine." Tatawa-tawa ito.

She gritted her teeth. "O sige. Pero sa akin ang lahat ng laman ng ref."

Tila napantastikuhan ito. "What?"

"Ang sabi mo sayo yang ref, hindi mo sinabing pati yung laman. So, isaksak mo sa baga mo yang ref pero sa akin ang lahat ng laman."

Subalit mukhang wala itong balak magpatalo. "Then fine, ilabas mo sa ref ko ang lahat ng pinagmamalaki mong laman. Maghanap ka ng malalagyan."

"Sure, kaya nga ako may cabinet, diba? I suggest na sa ref mo na lang ilagay ang mga damit mo since kukunin ko naman ang lahat ng laman niyan at wala kang cabinet." Binirahan niya ito ng halakhak.

Nagdikit ang dalawang makapal nitong kilay. "Just take everything outside my ref and stop that annoying laugh."

Nagkibit-balikat siya. "Sure." Pagbukas ni Zein ng ref ay napangiti siya nang makita niya ang napakarami nitong laman. Nilingon pa niya si Echizen upang ngisian. Kitang-kita ang panghihinayang sa mukha nito.

Matapos niyang ilabas ang mga dry goods at gulay ay bigla siyang natigilan. Paano na nga pala ang mga frozen goods? Hindi iyon maaari sa cabinet lang. May ice cream din sa freezer. Matutunaw at matutunaw iyon.

Hindi siya nangahas na muling lingunin si Echizen. Tiyak niyang nakangisi ito, sa halip ay inilabas niya pa rin ang mga nasa freezer.

"Stop it, Zein," pigil ni Echizen sa kanya. "Para tayong tanga. Ibalik mo na lahat yan sa ref."

"You mean sa akin na pati yung ref?"

"No. What I mean is let's not make things complicated. Let's just share everything in this house. TV, sofa, blender, coffee maker and the ref."

Oo nga naman. Para silang mga bata sa ginagawa nila. Mabuti at naisip nito iyon.

"Okay. But the room is still mine alone."

"Sure. And the bathroom will still be my property. No tresspassers."

Napasimangot siya. Pakiramdam niya ay lugi pa rin siya.

I really love that bathroom... Nakakainis!

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now