Chapter 8

18 2 0
                                    

"Alam kong ikaw ang naglagay ng kodigo sa ilalim ng desk ko."

Nilingon siya ni Lauren, sa inis niya ay ngumiti pa ito.

Bitch! Sobra-sobrang galit ang nararamdaman niya dito ngayon.

Kanina sa principal's office ay hindi niya nagawang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil kahit anong paliwanag ang gawin niya, buo  na ang isip ni Ms. Tan na nandaraya siya sa exam. At ngayon, isang malaking problema ang kinakaharap niya dahil ipinapatawag ng kanilang principal ang kanyang mga magulang. Ni hindi niya alam kung paano haharapin ang mga ito mamaya pag-uwi niya.

"Yes, ako nga ang naglagay non sa ilalim ng desk mo. And guess what, kalat na sa buong campus na cheater ka."

"How dare you! I never cheated on any exams ever!"

Dahil dalawa na lang sila ngayon sa kanilang classroom ay walang nakakarinig sa kanyang sigaw. Gaya din ng walang ibang nakarinig sa ginawang pag-amin ni Lauren kanina.

Nagkibit-balikat ito. "Bye."

"You're not going anywhere." Nakakailang hakbang pa lang ito nang hilain niya ito sa buhok. "Tell everyone about the truth!"

"I'll never do that!" Pilit nitong tinanggal ang kanyang kamay sa buhok nito. Subalit ganoon kahigpit ang pagkakahawak niya roon. She really, really hated her. Bakit kailangan nitong paabutin sa ganoon ang kanilang away? She wanted to hurt her.

"Zein, stop!"

Hindi niya alam kung saan nagmula si Echizen, ang alam niya lang ay kung paano siya nito itinulak upang saklolohan si Lauren.

She almost fumbled.

Marahas siyang napabuntong-hininga. "That bitch! Siya ang naglagay ng kodigo sa-"

"Bakit ba kailangang sa kanya mo ibintang ang lahat?" Galit ang tinig ni Echizen. His eyes were even fiery.

At bakit hindi man lang ito makinig sa kanya bago bumuo ng konklusyon na siya ang laging may kasalanan?

Nang mga sandaling iyon ay nakaramdam si Zein ng sakit, dahil sa katotohanang wala siyang ginawang masama subalit ngayon ay siya pa ang kinagagalitan. On the other side, Lauren was crying as if there would be no tomorrow.

Hinila siya ni Echizen sa braso. "Lay your hands on her next time and you'll regret it," banta nito.

Nasasaktan siya sa paraan ng paghawak nito sa kanya. And dammit, she hated the scene. Siya dapat ang magalit sa mga ito subalit sa mata ng lahat, siya ang laging masama.

Marahas niyang tinanggal ang kamay nito sa kanyang braso. Kay daming salita ang gustong lumabas mula sa kanya. Ngunit parang may napakalaking bikig na bumara sa kanyang lalamunan.

Gusto niyang maiyak subalit hinding-hindi niya gagawin iyon sa harap ng mga ito. Timakbo siyang paalis, walang lingon-lingon.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now