Chapter 31

9 1 0
                                    

Sa ganda ng mga tanawin sa Baguio ay hindi maiwasan ni Echizen na makaramdam ng pagkamangha. Subalit alam niyang si Zein ang dahilan kung bakit siya ngayon masaya. Being with her felt wonderful because she herself was wonderful.

Tama ang desisyon niyang isama ito. Kahapon natapos ang one-day summit na dinaluhan niya kaya maaari na nilang libutin ang Baguio. Ngayon ay nasa isang strawberry farm sila at kitang-kita sa mukha nito ang pagkawili habang namimitas sila ng strawberry. Sa kanina pa nilang pamamasyal ay marami na siyang nakunang stolen shots nito. Pero parang kulang pa ang mga iyon para sa kanya, gusto niyang makita ang bawat anggulo nito, ang bawat ekspresyon na gagawin nito at higit sa lahat, ang napakaganda nitong ngiti.

"Hey," sabi nito na pinanlakihan siya ng mata at sumenyas na ayusin niya ang pamimitas ng mga strawberry.

Dahil hindi nito napansing nakatitig lang siya dito ay pasimple siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Mayamaya lang ay napuno na ang kanilang basket.

"Great! Let's go and pay for these berries. I'm so excited to watch you make some short cake, jam, marmalade and... what else?"

"Strawberry tart."

Namilog ang mga mata nito. "I really love you."

Wala itong idea kung paano nito ginulo ang tibok ng puso niya. At hindi niya rin naman alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya sa sinabi nito.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila, wala siyang maisip na tamang sabihin.

He needed a heck of air.

"Ako na lang ang magbabayad. Dito ka lang." Kinuha niya rito ang basket at saka siya lumapit sa ale na siyang nagbabantay sa farm. Tinimbang nito ang mga strawberries na nakuha nila at nagbigay ito ng presyo. Matapos magbayad ay binalikan niya si Zein sa pwesto kung saan niya ito iniwan.

Subalit wala na ito.

Where is she?

Napalinga-linga siya subalit hindi niya na ito makita. Naglakad siya upang hanapin ito ngunit tumatagal na ay wala pa rin ito. Panic hit him. Kung bakit kasi ang tigas ng ulo nito? Sinabihan niya na itong huwag aalis subalit hayun, ni anino nito ay hindi niya makita.

Now he was pissed off. He couldn't stand it that she was out of his sight. Nakakalayo na siya sa paghahanap dito nang may masalubong siyang isang batang lalaki.

"Bata, may nakita ka bang babae na naka-grey sweater?"

Luminga ito. "Ayun po?"

Tumingin siya sa itinuro nito subalit hindi iyon si Zein.

"No. May suot siyang bonnet..." pero lahat yata ng tao sa paligid ay may suot na bonnet. Turista din ang mga iyon. Napabuntong-hininga siya. "She's small." Iminuwestra niya pa sa bata ang height ni Zein na hanggang balikat niya. "She's got this round marble eyes, pointed nose and her lips aren't that full and... she's beautiful." He lost his mind. "She's good in rolling her eyes but lately I find it... cute." He smiled absently. "And she's wonderful."

Nang ibalik niya ang kanyang tingin sa kausap niyang bata ay nakakunot-noo na ito at halatang naguguluhan. Napakamot siya ng ulo. "Sorry, so may nakita ka bang babae na naka-grey sweater bukod sa itinuro mo kanina?"

He really felt stupid in front of the kid.

"Wala po eh." At saka ito tumakbo paalis.

Wala siyang choice kundi sundan na lang ito ng tingin at ipagpatuloy ang paghahanap kay Zein.

"Echizen!"

Paglingon niya ay nakita niyang tumatakbo palapit sa kanya si Zein. Na-relieve siya. But he had to give her piece of his mind.

"Saan ka ba nanggaling?" Inis na tanong niya rito.

"Bakit ka nagagalit?" Tila nawiwili pa ito.

"I'm just annoyed at the idea that you're not listening to me. I told you to stay where you are, right?"

Subalit ngumiti ito nang ubod ng tamis at biglang natunaw na ang inis niya dito. "Huwag ka nang magalit." Kinuha nito ang isang kamay niya. "Look."

Ipinatong nito sa kamay niya ang isang keychain na hugis tsinelas, nakasulat doon ang pangalan niya.

"May mamang naglalako kanina. Sayang nga eh, limited yung budget natin kaya hindi tayo makakabili ng madaming souvenir. But then, cute naman yang keychain, di ba?"

Mataman niyang tinitigan ang ibinigay nito. "Yes, I liked it. Thanks."

Then, his gaze shifted to her lovely face.

"Don't be so happy, napulot ko lang yan no!"

"Really?"

Humagikhik ito. "JK."

"JK?"

"Just kidding."

Then she laughed carelessly. He was left in awe staring at her. This woman has a magical power, she can turn his world upside down. Make him happy, pissed off, annoyed, wonderful and everything, all at the same time. It was terrifying.

Zein... my Zein.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now