Chapter 10

17 2 0
                                    

Nang hapong iyon ay maagang natapos ang klase ni Zein absent kasi ang teacher nila para sa last subject. Nagyaya si Briana na mag-movie marathon sila sa bahay nito subalit tumanggi siya. Grounded pa kasi siya at kabilin-bilinan ng Daddy niya na pagkatapos ng school hours ay uuwi agad siya. Sa huli, hindi na rin sumama sina Jecelle at Portia kay Briana dahil hindi daw masaya kung wala siya. Saka na lang daw nila itutuloy iyon kapag hindi na siya grounded.

Her girl friends are so sweet.

Palabas na siya ng gate ng kanilang campus nang may makapa siyang kung ano sa kanyang bag. A cellphone. Napakunot-noo siya. Kanino iyon at paano iyon napunta sa bag niya?

Sinuri niya iyon, walang palatandaan kung kanino. The phonebook was empty, even the inbox. High end ang cellphone na iyon subalit mas maganda pa rin ang sa kanya. Isa pa ay aanhin niya iyon? Hindi niya na masyado pang binutingting ang cellphone.

"Hey," tawag niya sa isang babaeng estudyante na nakasalubong niya. "Sayo na lang."

Ibinigay niya rito ang cellphone na nagtataka nitong kinuha.

"Akin na lang?"

"Yes."

Naglakad na siya patungo sa parking area kung saan hinintay niya ang sasakyang susundo sa kanya.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now