Chapter 23

9 1 0
                                    

"I finally have the solution at this mess. I have been thinking about this and I'm more than sure that this will work," proud na pahayag ni Zein kay Echizen.

Inalis nito ang atensyon nito sa laptop at hinarap siya habang magkasalubong ang mga kilay.

"What is it?" Tanong nito.

Ngumiti siya. "My idea is not crappy as what you've had, so you should say that I'm so great."

"Fine. Zein, you're so great. Now, what is it?"

"Okay, brace yourself for my brilliant-"

Tila naubusan ito ng pasensya. "Zein, ano ba? Just say it."

"Bumubuwelo lang, baka kasi magulat ka, eh."

Hindi ito sumagot. Sa halip ay l3141alo lang siyang pinagkunutan ng noo.

She took a deep breath. "Sabihin na lang natin sa parents natin na bakla ka. That way-"

"What!" Bulalas nito.

She rolled her eyes. "I told you to brace yourself. But admit it, I make sense. Hindi nila tayo pwedeng pilitin na magpakasal kung yun ang sasabihin mo na hindi ka pala bakla. You just got confused."

Ngiting-ngiti siya. Alam niya kasing brilliant idea ang naisip niya. At hindi nito maaaring itanggi iyon. Sa halip na sagutin siya ay tumayo ito at dumiretso sa kitchen, sinundan niya ito. Doon ay uminom ito ng maraming tubig.

"You are nuts. Sa tingin mo ba, hindi nila uli tayo ipapakasal pagkatapos non?" Sabi nito matapos uminom.

"By that time dapat may girlfriend ka na or even fiancée. And I'll be in Paris, free as a bird." Muntik niya pang ikampay ang dalawa niyang kamay.

"Nice script." Muli itong uminom. "Pero bakit hindi na lang ikaw ang maging lesbian?"

Nangasim ang kanyang mukha. "What? Do I look like I can be a lesbo?"

"And do I look like I can be a gay?"

Ang tanong nito ay nagbigay ng pahintulot sa kanya upang suriin ito mula ulo hanggang paa. He's wearing his house uniform, a crisp white shirt over a trouser. He was lean in built and sleek in his moves. At kahit nakapangbahay lang ito ay hindi maitatago ang dating nito, iyong tipong swooner. Most of all, it was his scent that could tickle the hell out of any woman. The smell of his aftershave combined with his natural scent was simply... ah, she didn't even know.

So there, hatred aside, Echizen is a sexy and hot specie. It's hard to picture him as a gay.

Napakurap si Zein. What the hell was happening?

"This conversation is nonsense," sabi nito nang hindi siya sumagot.

Bumalik ito sa salas at muling itinuon ang atensyon sa laptop nito. Iyon ang pagkakataon niya upang siya naman ang uminom ng napakamaraming tubig.

"Sexy and hot? Where did that even come from?" She cleared her throat and took a really deep sigh.

Muli niyang sinundan si Echizen. Hindi maaaring hindi ito pumayag. Wala na silang ibang pag-asa kundi ang napakaganda niyang idea.

"This conversation is no nonsense," sabi niya nang makarating sa tapat nito. "All you have to say is a single word with three letters. Say 'Yes' to my idea, Echizen."

"Two letters, one word. 'No'," sabi nito nang hindi nag-aangat ng tingin.

"Alam mo, okay lang sana yung ganito kung magkasundo tayo. Ang kaso hindi. We hated each other." Hinawi niya ang kanyang buhok. "But I think I hate you more dahil pakialamero ka."

Hindi ito sumagot, sa halip ay nagtipa pa sa laptop nito.

"Hoy! Makinig ka nga. Madali lang naman na magpanggap na gay ah. Just think of the reward that we can get-"

"Hindi ako papayag. Period."

Inuubos nito ang pasensya niya. "Bakit? With a big question mark and, oh, an exclamation point." She crossed her arms on her chest.

Hindi naman por que may pagka-hot at sexy ito ay hindi na nito mapag-aaralan kung paano magiging kapani-paniwalang bakla. Bakit kasi ayaw nitong aminin na maganda ang ideyang naisip niya?

Bumuntong-hininga ito at mataman siyang tiningnan. "Zein, this isn't high school where in you terminate your problems with your destructive lies and scandals."

Saglit siyang natigilan at bumalik ang kanyang pag-iisip sa panahon noong high school pa sila.

"Are you talking about Lauren's sex video?"

"Di ba't ikaw naman ang nagpakalat non?" Nang-uuyam ang tono nito na para bang nagsasabing wala siyang ibang alam na gawin kundi ang magsinungaling at manira. "You've ruined Lauren just because of your insecurities."

And just like the old days, ipinagtatanggol pa rin nito ang babaeng iyon. Hinuhusgahan siya nito samantalang hindi nito alam ang buong kwento.

"You know what? I am Zein Antoinette Zoleta, the one, the only. I just don't grow on any tree and there's no reason for me to feel insecure to Lauren or to anyone."

"Then, good. I can't imagine this world na maraming kagaya mo. It would be a total disaster."

"You mean a beautiful disaster." Nagkibit balikat siya nang umiling lang ito sa sinabi niya. "Believe it or not, hindi ako ang nagpakalat ng sex video."

"Yeah, right."

"Listen," nakakapagod ang magpaliwanag subalit gusto niyang marinig nito ang totoo, "nakita ko lang yung phone na naglalaman ng video sa bag ko. I don't know kung saan yon nanggaling. The phone seemed to be so cheap kaya binigay ko yon kay..." sandali siyang nag-isip. "Basta, kung sino yung una kong nasalubong nung araw na yon. The next day, kalat na yung sex video ni Lauren at sa phone daw na binigay ko nanggaling."

"Which is true."

"Yeah, sa akin nanggaling yung phone but originally it's not mine. Nakita ko nga lang sa bag ko eh."

Ilang sandaling hindi ito nagsalita at tiningnan lang siya. Hanggang sa bumalik ito sa pagta-type sa laptop nito. "I'm having a hard time to believing you."

"Come on..." holy crap. Ano bang saysay kung magpaliwanag pa siya dito? Nakakapagod itong kausap at higit sa lahat, nakakainis. "Fine."

Binuksan niya ang TV at nilakasan ang volume niyon saka siya nahiga sa sofa.

"Hinaan mo nga yan! Wala naman akong maintindihan diyan ang sakit lang sa ulo puro chingchong!" Inis na inis ito, palibhasa ay napakaingay at hindi ito makapag-concentrate sa ginagawa nito.

Nagkunwari siyang hindi ito narinig. "Ha?"

"Wala!" Sigaw nito at saka umalis.

Tatawa-tawa siya. Kung ayaw nitong magpakabakla, bahala itong pagtiisan siya.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now