Chapter 4

18 1 0
                                    

Swear to God, iniwan niyang maimis na nakaipit sa kanyang libro ang isang sheet ng bond paper kung saan naka type written ang assignment nilang essay. Subalit hindi na iyon mahagilap ni Zein matapos nilang manggaling na magkakaklase sa gymnasium kung saan sila nag P.E.

"I told you to put it in your locker," sermon ni Portia habang nakikitulong sa kanya sa paghahanap sina Briana at Jecelle.

"Pwede bang tulungan mo na lang kami?" Nagpa-pani na siya dahil malapit nang magsimula ang kanilang English class. Hindi niya gugustuhing hindi makapagpasa ng assignment.

"We've already tossed and turned all of your things kaso wala pa rin," sagot nito.

Nahalughog na nga rin nila kahit ang mga gamit ng mga ito, subalit wala talaga ang assignment niya. Imposible namang hanginin iyon dahil maayos iyong nakaipit sa makapal na libro.

"Someone might've intentionally picked it up from your book," wika ni Jecelle.

Sabay-sabay silang napatingin kay Lauren. Ngumiti ito na parang nakakaloko, kumpirmasyon lang ng hinala ni Jecelle.

Malaki ang mga hakbang na nilapitan niya si Lauren.

"Give it back to me, bitch," galit na saad niya rito.

"Ang alin?"

"Give me back my assignment or you'll regret it."

Nagsimula silang umagaw ng atensyon. Nakatingin na sa kanila ang kanilang mga kaklase.

"Assignment? Wala akong kinukuha sayo," maang-maangan pa nito.

Tonong santa na naman ang magaling, palibhasa ay gustong gusto nitong magmukhang mabait sa harap ng maraming tao.

"Really?" Hiniklat ni Zein ang bag nito at ibinuhos ang laman niyon, wala ang kanyang assignment.

"Zein, baka naman na-misplace mo lang?" Sabad ng isang tinig.

Nag-umpisa nang magdilim ang kanyang paningin. She's more than sure that Lauren stole her assignment. Sa likod ng pagpapainosente nito ay alam niya ang totoo nitong kulay. Nagpantig pa ang kanyang tainga nang marinig niya ang bulungan ng mga kaklase nila, talking about how mean she is when it comes to Lauren.

"Shut it up!" Sigaw niya. "Alam kong siya ang kumuha ng assignment ko." Muli niyang itong binalingan. "For the nth time, give it back to me or you'll regret it."

"And will you please elaborate how Ms. Alfonso would regret it, Ms. Zoleta?"

Napamaang siya nang malingunan si Ms. Azarcon, ang kanilang English teacher. Bakit tila walang nakarinig sa kanila sa pagtunog ng bell at sa pagdating nito?

"Miss, she stole my assignment and I'm more than sure about it," sumbong niya.

May kung ano itong hinugot mula sa kipkip nitong libro. "Are you talking about this short bond paper in single spaced, justified, Times New Romans and a hundred-word essay? Pakalat-kalat ito sa hallway kanina."

Napanganga siya. Iyon nga ang assignment niya!

Inayos ni Ms. Azarcon ang pagkakasuot ng salamin nito. "The two of you, get to the principal's office. Now."

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now