Chapter 3

2.2K 79 12
                                    


Chapter 3



Ganun pa rin ang gawain naming tatlo nila Jillia at Keyn.

After Class pupunta nang coffee shop para magaral, saglit. Tapos mag papaalam agad sila.

Pero hindi gaya dati, na ako lagi natitira. Ngayon kasama ko na si Calvin. Kasi sumasama siya sa group study.

Habang nagka-klase nakikinig naman ako kaso, alam ko na naman na yung diniduscuss. Kaya nag drawing na lang ako.

"Ms. Hermos," Tawag sakin ng Prof. Medyo nagulat ako ng slight. Kasi 'di naman ako madalas tawagin nang Prof na 'to. Pero tumayo pa rin ako.

"Yes, Sir?" Tayo ko.

"1 + 1" dinig ko.

"2." Sagot ko. At agad tumingin sakin mga blockmates ko at nagtawanan.

I spaced out.

Pero narinig kong may nagsabi talaga ng
1 + 1.

Agad kong tinignan si Calvin na tawa lang tawa sa upuan niya, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko na agad na siya 'yon.

"Ano? Miss Hermos?" Naiiritang tanong ng Prof.

"Sorry Sir, I spaced out." Inirapan niya lang ako.

Ang sungit talaga netong Prof na 'to e, galit na galit, talaga sa'kin.

Kasalanan mo 'to kuya Dame.

"Here's the question. Could you elaborate what is this?" Taas kilay na tanong niya, confident na hindi ko masasagot.

Asa ka, ako lang to. Kahit anong itanong mo kayang kayang ko, duh!

Pasimple ko munang inayos ang eyeglass ko at saka sinagot ang gusto niyang sagutin ko.

"Okay, thankyou." Medyo hanga na sabi ng prof namin, nang masagot ko siya ng tama. "You may take your seat. And Focus." He eyed me.

"Thanks Sir." Yumuko ako at pasimpleng umirap.

'Di ko kasi mapigilan.

"Galing ah," Bulong sakin ni Calvin. Tinignan ko siya ng masama.

"Lagot ka sakin mamaya." Bulong ko rin sakanya.

"Wala naman akong ginagawa," Painosenteng sagot niya. I smirked and eyed him fiercely. "I made someone's head hot," umakto pa siyang nagpapaypay ng sarili niya.

Inirapan ko siya at tinuloy na lang yung drawing ko.



Kasama ko lang si Calvin sa lunch. May ka meet up daw sila kaya hindi sila dito mag lulunch.

Ang lalandi.



Wala kaming group study ngayon, kaya umalis na agad yung dalawa. Kami nanaman ni Calvin natira.

"Where are we going?" Tanong ni Calvin ng mapansin niyang medyo malayo na kami sa parking.

"Uwi kana," taboy ko sakanya.

Kanina ko pa kasi siya pinapauwi eh, ayaw niyang sumunod sakin.

"San ka nga pupunta?" Habol niya pa din.

"Sa may park lang," sagot ko.

"Sama ako," sabi niya, hinayaan ko na lang.



Nang makarating kami sa may park, may nakita agad akong Cotton Candy. 'eto talaga yung sinadya ko dito eh.

"There!" Turo ko sa cotton candy. "Cotton Candy." I softly said.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora