Chapter 23

1.5K 53 7
                                    


Chapter 23

Play: Kahit Kunwari by Tj Monterde
A/N: end nyo na lang d'on sa part na tapos na sila magusap :))


Agad akong napabalikwas ng gising dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Agad kong hinawakan ang ulo ko, at minasahe 'yon, pero hindi pa rin nawawala ang sakit.

"Ah!" Daing ko, dahil sa sobrang sakit. Naramdaman ko naman agad ang galaw ng katabi ko.

Si Calvin, wait? Calvin? As far as I remember nilipat ko na ang mga gamit ko sa unit ni ate.

"Are you okay—" he tried to hold my shoulder, pero agad kong iniwas 'yon nang hindi siya tinitignan.

"Anong ginagawa ko dito?" Tumayo na ako at nagsimula nang magayos ng sarili, kahit sobrang sakit pa rin ng ulo ko.

"You can rest he—"

"I said, bakit ako nandito? Lumipat na ako sa unit ni Ate. At sinabi kong wag mo na akong kakausapin diba?!" Sigaw ko, at hindi na mapigilang harapin siya.

Ngayon kitang kita ko ang mga mata niya, sakit, galit, at takot ang nakikita ko d'on. "Baby—"

"Wag mo nga akong tawagin nyan!" Sigaw ko ulit.

Naalarma siya sa pagsigaw ko, kaya agad agad siyang tumayo at lumapit sakin. Umatras ako, dumaan ulit ang sakit at takot sa mga mata niya.

"Let's talk." He tried to hold my hand, but he failed. Dahil agad ko iyong iniwas. "Come on, baby." He is frustrated.

"Calvin, we can still talk. Nang hindi mo ako hinhawakan." Tinitigan ko siya. Umiwas siya ng tingin at ginulo ang buhok niya.

"Fine," nanginginig ang boses niya. Parang nanghihina akong makita siya ng ganito.

"About the love team." Tumingin ulit siya sa mga mata ko. Na pinipilit maging matapang. "H-hindi sila nagsabi sa'kin. Pagkadating ko d'on, nagulat na lang ako niyakap ako ni Nalia. Nakilala ko siya, kasi isang manager lang ang maghahandle sa'min." He looked at me, pero umiwas din agad.

"Talaga? Hindi 'yan ang sinabi mo sa text." Pagak akong tumawa kahit sobrang nanghihina na ako, dahil sa mga mata niyang unti unting nawawalan ng pag asa, pero pinipilit maging matapang.

Naalarma siya, at agad tumingin ng deretso sa'kin.  "And about that—" Pumikit siya ng mariin. "A-about the text. It wasn't me." He tried to look at me, pero umiwas agad siya. "It wasn't me, I promise, baby." He tried to hold my hand again, pero inwas ko agad 'yon, katulad ng ginawa ko.

"Tito Roi had my phone that time, He didn't let me bring my phone. Nabasa ko na lang 'yon nang matapos ang ang conference. Tapos kumalat agad yung balita na hinalikan ako ni Nalia."

"I pushed her, pero syempre hindi nila 'yon sinama. Tapos nagulat ako nang mahawakan ko ang phone ko, andaming calls nila ate, nila Jai, nila Mom. Kaya agad kong tinignan ang messege mo, dahil huling text mo na wag na kitang kausapin. Nagulat ako d'on. Tas bigla ulit tumawag si Ate nasa bar ka daw." Paliwanag niya, sisingsisi.

"Yeah?" Tinignan ko siya. I knew it.

Nanlaki ang mata niya, at hindi na napigilang lumapit sa'kin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong umatras dahil nahawakan niya na ang kamay ko. At agad akong niyakap.

"Baby, I can't lose you.." bulong niya sa tenga ko.

"You're losing me." Mahinang sabi ko, lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa'kin. "Calvin, let go," tinutulak ko na siya, pero 'di siya nagpapatinag.

Your Idol Is My Boyfriend ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें