Chapter 27

1.7K 61 5
                                    


Chapter 27



Nagising akong komportable, kaya humaba ang tulog ko. Kaso lang medyo matigas yung unan na yakap ko.

Unti unti kong dinilat ang mata ko. At halos mapatalon ako nang makita ko kung sino 'yong katabi ko.

"Hala!!! Bakit ka nandito!!" Sigaw ko, naalimpungatan ata si Calvin at nagising.

Kunot noo siyang tumingin sa'kin. I missed his morning face. Umiling iling ako. Bakit 'yan ang iniisip ko??

"Hala! Calvin! Anong ginagawa mo dito?!" Halos maiyak na sabi ko.

"For your information, Miss Drunkass. You're in my unit." nanlaki ang mata ko, inirapan niya ako. "You look like a fucking mess. Fix your self." Nahiga ulit siya. Luh parang line ko 'yon.

Inabot ko ang salamin sa side table ng kama niya at tinignan ang mukha ko. Yeah, I look like a fucking mess. At nakita niya! Nakita niya!!

Pero wala na akong make up, kung meron siguro mas lalo pang kumalat. Gulo lang ang buhok ko, at medyo namumula ang mukha.

Padabog akong umalis sa kama niya, at pumasok sa bathroom. 'Eto pa rin yung condo niya.

Nagtataka lang ako kasi nandito pa rin yung iba kong gamit, like my towel and so on. Sigurado akong gingamit 'yon ni Nalia. Sana magingat siya kasi kung ginagamit niya yung PH care ko dati, expire na ata 'yon ngayon. Nandito pa rin sa cr ni Calvin.

Naghilamos ako at nag toothbrush gamit ang extra na toothbrush do'n na halatang hindi pa nagagamit.

Nagpupunas ako ng mukha ko nang lumabas ako ng cr. Nakaupo na si Calvin sa kama niya at nakatulala.

Lumapit ako sakanya, at ngayon ko lang napansin na suot pala niya yung Hoodie ko.

"H-hey, nandito pa yung sasakyan ko?" I stopped when he looked at me. "A-ah uuwi na kasi ako." Awkward akong ngumiti.

"Wala, naiwan sa bar. Hatid na lang kita do'n tas kunin mo na lang." akmang tatayo na siya, nang mapigilan ko. Nahinto siyang tumayo sa harap ko.

Lalo ata siyang tumangkad, at mas lalo siyang pumuti. Mas lalo din nadefine yung muscles niya at yung jaw niya.

Umiling iling ako. "H-hey! No, wag na mag g-grab na lang a—"

He interrupt me rightaway. "Nasa sofa yung gamit mo, hintayin na lang kita sa parking." Sabi niya at umalis na. Na naka pajama pa rin at suot yung hoodie ko.

Ano ba 'yong lalaking 'yon parang hindi artista? May girlfriend 'yon e!

Lumabas na ako nang kwarto niya at kinuha ang gamit ko sa sofa niya, phone lang 'yon at purse. Sinuot ko na ang heels ko. At hinayaang ilugay ang buhok.

May nakita akong wayfayer at mask sa lamesa kaya kinuha ko na at sinuot.

May dalawang guard na nakabantay sa labas ng unit ni Calv. Kinausap niya na ata kaya hindi ako pinansin.

Habang papasakay sa elevator. Nagbobook na ako ng grab, The hell I would ride with Calvin!

Sakto naman na may malapit sa loc ko kaya mabilis siyang makakarating.

Nang makababa ako, mabuti at wala masyadong tao. Kaya hindi ako nahirapan na baka may makakita sa'kin.

Wala pang isang minuto nando'n na yung grab na binook ko.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ