Chapter 6

1.8K 71 3
                                    


Chapter 6



Nang maglunes, agad akong nagbihis, wala pa ako sa mood dahil late na ako natulog kagabi kaka movie marathon.

Nag leggings lang ako and some random halter top and dinala ko din ang hoodie ko.



"Hoy!" Rinig kong sigaw sa likod ko. Alam ko na agad na si Calvin 'to kaya hindi ko na nilingon. "Ansunget." Sabi niya sakin nang makalapit siya. Pero inirapan ko lang siya.

"Wao! Di ako pinapansin." Kunwareng malungkot na sabi niya. Pero 'di ko pa rin siya pinansin. "Diandra Kim!" Inis na tawag niya sakin. Alam kong galit na siya, kasi buong pangalan ko na ang sinabi niya. Pero wala parin akong pake. Masama gising ko.

"Ano ba kase!" Sigaw ko na lang din sakanya. Pinagtitinginan na kami ng ibang students dito.

"Di mo ako pinapansin eh! Di naman tayo nag away ah-"

"Kulang ako sa tulog." Paliwanag ko.

"Okay!" Inis na sabi niya at iniwanan ako.

Nagulat ako pero binalewala ko na lang din.



Nang makarating sa room. Nakita ko na siya don sa upuan niya na katabi ng upuan ko.

"Hey, I'm sorry," Sabi ko nang malapitan siya, good thing wala pa si Keyn at Jillia.

Hindi niya ako pinansin at yumuko lang sa lamesa niya.

Sinuot ko yung hoodie ko nang makaupo sa upuan, it's cold eh.

"Calv, sorry na nga eh." Pagsusuyo ko pa.

"Bahala ka dyan." Bulong niya.

"Para kang jowa ko na nagtatampo dahil late kong na replyan, seryoso." Irap ko pa.

"Eh ano?" Inangat niya na yung tingin niya sakin.

"Parang baliw, sorry na nga eh." Pagsuyo ko ulit.

"Ha! Nang lait pa siya. Napakagaling Andra, napakagaling." Sarkastikong sabi niya ulit.

"Sorry na nga e." Try ko ulit.

"Okay." Sabi niya na lang, but I'm not satisfied. Alam kong galit pa rin siya. Kaya sinuyo ko ulit. Pero wala pa rin siyang sinasabi.

Hanggang nagsi datingan na yung iba naming blockmates, kasama si Keyn and Jillia.

"Ano LQ?" Bungad agad ni Keyn. Tinignan ko naman si Calv na seryoso parin.

"Nah." Irap ko.

"Sino ba kasi, yung hinintay ko sa labas ng condo niya kanina. Kasi sabi kagabi sunduin ko daw siya." Bulong ni Calv.

And it hit me! Oo nga pala sinabi ko 'yon! And naghintay siya! I forgot!

"Awwww." Sabay na sabi ni Keyn and Jill kaya inirap ko sila.

"Sorry, nawala sa isip ko." Sincere ulit na sabi ko.

"Tapos, naghintay na nga ako ng isang oras, sinusungitan pa ako." Pangongonsensya niya pa.

"Hala ka ghorl! Pinaghintay mo." Pangiinis ni Keyn.

"Sorry na." I softly said. I hope this one work. Tawa tawa namang tumingin samin si Keyn at Jill.

"Okay." He shrugged. Hindi pa rin ako satisfied.

"From the world record breaker first time nag sorry si Diandra Kim!" Pangaasar ni Keyn.

Tinignan ko naman si Calv na napapangiti.

Hanggang mag second subject, hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Ms. Hermos?" Ako nanaman ang tinawag, malas 'di ako nakikinig.

Dahan dahan akong tumayo. "Yes, Sir?" Eto nanamang panot na 'to.

"Explain this.." sabay turo niya sa projector, tamad magsulat.

Sandali akong nablangko, pero medyo may mga naalala naman ako sa inaral ko.

Hindi man maganda ang sagot ko, atleast nakasagot ako.

Pagkaupo ko, I thought Calvin would tease me, but he remained serious.

I'm scared, ganito pala siya magalit, nakakatakot. Hindi naman sobrang lala yung ginawa ko ah.

Nang mag lunch, nauna siyang tumayo kaya hinabol ko siya.

"Calv! Calv!" Tawag ko sakanya sa hallway habang mabilis pa rin ang lakad niya.

Nabunggo ako ng isang estudyante na akala mo nag d-dribble dribble pa.

Seriously, am I in a college building?

Sa sobrang lakas ng impact nang pag ka bangga niya kaya napaupo ako, medyo malakas yung kalampog. Kaya naagaw ko yung tingin ng ibang estudyante, pati na rin si Calv.

Muntik na akong mapaiyak nang makita nabasag yung salamin ko, dahil humagis 'yon.

Agad agad lumapit sakin si Calv. At pinulot ang nasira kong eyeglass. Sinuri niya muna at 'yon, bago siya tuluyang makalapit sakin.

"Hoy! Bakit mo 'ko binubuhat?!." Angal ko nang buhatin niya ako. Medyo nangininginig boses ko, pero 'di ko pinahalata. "Kaya kong maglakad!" Pagpoprotesta ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Agad naman akong napaiwas kasi nagtama yung mga mata namin.

Kaya ko naman talaga maglakad, medyo masakit lang sa pwet. Masama din sa loob, kasi nasira na yung eyeglass ko.

Tho, hindi na malabo ang mata ko, but I need to use it, to protect my eyes. And that's my favorite eyeglass, my grandfather gave it to me.

"Anong ginagawa mo?" Angal ni Calv sa lalaking nakabangga sakin. Nanlaki ang mata ko at agad siyang inawat.

"Hey, it's okay." sabi ko.

Inirapan niya lang yung lalaki at nilagpasan.

"Anong okay? Eh maiiyak ka na nga." bulong ni Calvin habang buhat niya ako. 'Di na lang ako sumagot, dahil sa pagka gulat sa pag tataray niya.

"Angas." Bulong ko. Narinig niya naman ata 'yon kasi narinig kong napatawa siya. "Ay gagi! Ibaba mo na ako kaya kong maglakad." Angal ko ulit. Tinignan niya lang ako ulit ng masama. "Baka mabigatan ka." Bulong ko pa.

"Shut up." He softly said. I pursed my lips and followed what he said. Baka lalo akong hindi patawarin nito.

He chuckled when he noticed what I did. Seriously whats funny? Does he like making fun of me?

"Calv, bati na tayo." Nag pout pout pa ako. Natawa siya sa itsura ko. "Calv." Tawag ko sakanya. Anlapit lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Hoy! Ma guidance kayo!" Rinig kong sigaw ni Keyn. Naka sunod lang pala siya.

Nagtama nanaman yung mata namin, agad din akong nagiwas, kasi kumakalampog yung puso ko, baka mapansin niya.

His eyes... his eyes makes me wanna just look at it, and let my soul drown with it.

I fake a cough when it started to be awkward na, because we're both silent.

"Calv bati na kasi tayo." Pimimilit ko pa. Halos isubsob ko na nga yung mukha ko sa leeg niya eh.

"Mamaya, paguusapan natin." Then narinig ko nanaman ang tawa niya nang makarating kami sa clinic.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Where stories live. Discover now