Chapter 24

1.6K 68 21
                                    


Chapter 24

Play: Malay Mo Tayo Sa Dulo by Tj Monterde, till the end of the chapter :)))



Pagdating ko d'on, nand'on na agad siya, nauna pa sakin.

Agad niya akong sinalubong.

"H-hey!" Tawag niya, nang mamataan ako, namumula ang mata niya, pero gwapo pa rin. Lihim akong napangiti.

"Calv, una ka na sa taas, sunod na lang ako, may kukunin lang ako sa sasakyan ko, una ka na." Ngiti ko sakanya, tumango siya, at akmang tatalikod na nang pigilan ko siya. I handed a mask. "Wear this, I don't want anyone to ruin this." Ngiti ko, napaawang lang ang labi niya, at dali daling sinuot ang mask, at umalis na.

'Eto palang nanghihina na ako. Pano na 'to?

"You can do this, Andra." I said to myself.



"Happy Birthday, to you!" Agad napalingon si Calvin na nakatingin sa view, at napalingon agad saakin. "Happy Birthday, to you." Tumulo ang luha sa mata ko, agad ko 'yong naagapan. "Happy Birthday, to you." Nginig na kanta ko. Agad akong nakalapit sakanya, at tinapat sa mukha niya ang cake, na pina bake ko kay Mommy sa bahay kaninang umaga, medyo matagal din ito ginawa, kasi marami pa akong nirequest na design.

It's a chocolate cake, his favorite. Ang nakasulat d'on ay 'Happy Birthday!' Hindi ko na pinalagyan ng kasunod. May mga design din 'yon na borders na animoy film ng instax, at may naka drawing sa loob mga ginaya ni mommy, na picture naming dalawa.

"Make a wish," naluluhang sambit ko. Tinignan niya ako, gamit ang namumulang mata, na may namumuong luha. Agad siyang pumikit, at sandaling natahimik. Pumatak na ang luha niya sa kanyang pisngi. Agad ko 'yong pinunasan, at suminghot para maiwasan ang pag patak ng mga luha. "Happy Birthday," ngiti ko.

Agad kong binaba ang cake sa malapit na upuan. At hinila si Calvin sa may nakalatag na tela at pinilit siyang pinaupo d'on.

"Let's take a picture," aya niya at agad nilabas ang cellphone niya. Nag selfie kami r'on, Nakangiti. Inairdrop ko 'yon sa phone ko.

"Let's take a picture here too." Sabi ko at nilabas ang instax ko.

Siya ang humawak ng camera at itinaas 'yon. Lumapit ako sakanya, at ipinahinga ang ulo ko sa balikat niya, at ipinulupot ang dalawang braso ko sa beywang niya, ipinalupot niya rin ang kaliwang braso niya sa beywang ko.

Sa pangalawang kuha naman ay, nag wacky kami, siya nasa likod ko at nakayakap d'on, habang ako naman ang may hawak ng camera, I tilted my head, and he rested his face there. Agad kong pinress ang shot button. Para kaming couple na walang iniisip na problema.

"What's your wish?" I asked, without looking at him. Nasa likod ko pa rin siya, nakayakap pa rin, hinayaan ko siya.

I felt on my shoulder that he slightly smiled. "For you to stay," nanginginig ang boses niya.

Hindi na mapigilan ang mga luha ko, kusa lang 'yong tumulo. Ramdam ko din ang nga patak sa balikat ko.

Your wish that I can't give to you.. I'm sorry..

"Sana ganito na lang lagi, wala tayong iniisip. Walang hadlang. Pero hindi talaga 'yon ang itinakda. Fairytales are not exemptions, walang exemption sa sakit. Because in every fairytales, there are conflicts, there are villain. Sadly we have too." Ngumiti ako. At tinanaw ang magandang tanawin. Nanlalamig rin dahil sa malakas na simoy ng hangin.

Kinalas ko ang yakap niya sakin. Yumuko siya, hindi ako magawang tignan.

"I think you expected this, kung anong sadya ko." Sunod sunod ang patakan ng mga luha ko, gan'on rin ang kanya. "Calv ayoko na." Agad niya akong hinarap.

"Mahal na mahal kita eh, sobra. Yung tipong kaya kong talikuran ang lahat para manatili ka." Pumiyok ang boses niya.

"Calv mahirap, hirap na hirap na ako. No, tayong dalawa, alam kong hirap na rin sa ganito. Alam mong wala nang patutunguhan 'to." Napapikit ako. Meron Calvin.. Pagsubok lang 'yon. Gusto kong sabihin pero ayokong maging selfish. I know he will suffer more kapag nasa tabi niya ako.

"Gagawin ko naman lahat diba? Gusto mo umalis ako ng showbiz, wag lang 'to andra. I want you to stay." Hirap na hirap na sabi niya. "Ikaw lang kasi yung lakas ko e. Ikaw lang sa lahat." Humagulgol na ako.

"Calv, gusto ko matupad mo yung pangarap mo." Nakayanan ko pa rin magsalita.

"Mas matutupad ko yun ng kasama ka. Mas masaya ako ng kasama ka hanggang dulo." Hindi niya ang magawang tignan. Sunod sunod lang ang pagpatak ng luha niya.

"Pero matutupad mo yan ng wala ako, don't depend on me, chase your dreams." I held his cheeks, at pilit hinanap ang mata niya, kalaunan tumingin din siya ng deretso saakin. Lalo akong nanghina nang makita ko ang sakit d'on.

"You are my dream." He whispered, pumikit ako ng mariin.

Nginitian ko siya nang makabawi ako. Hindi na siya ulit nakatingin sa'kin. "Happy Birthday," mahinang sabi ko. "Last," Niyakap ko siya at hinalikan sa labi ng mariin bago binitawan. "I love you," Pinilit kong pinunta sakin yung mata niya bago ko ulit sabihin ang gusto kong sabihin.

"I love you, wag mo iisipin na hindi na kita mahal kaya ako nakikipag break. Mahal na mahal kita Calv. But for now, the right thing to do for the sake of the both of us, is to let go. We can't just depend on each other." I caressed his face. At inalis ang luha d'on.

"Chase your dreams, if we're meant for each other. Tadhana na ang gagawa ng paraan para satin. I love you so much baby. Happy Birthday! Someday, you'll be more successful than you are now. Do that, atleast for the both of us, promise me. Para naman mapansin pa rin kita." I smiled, pero nanatili ang malungkot niyang mata. "Goodbye," sambit ko. Bago siya bitawan, at umalis d'on.

Iniwanan ko na lang sa likod niya ang regalo ko, kasi hindi ko na kakayanin pa kung ibibigay ko 'yon sakanya at panoorin siyang buksan 'yon. Baka bumigay ako at bawiin lahat ng sinabi ko.

Ang regalo ko ay photo album, favorite hoodie ko, at favorite eyeglass ko at pabango ko. Sana lang hindi niya itapon. Ang laman ng photo album na 'yon. Ang pictures namin.

Para siyang diary, I wrote all the things we've been together, our achievements. Our moments, I even wrote our first together. I tried to make it light.

Ang cover n'on ay malaking picture agad naming dalawa. Ang unang pahina, ay ang sulat ko para sakanya, at may ilang litrato din.

Hindi ko mapigilan hindi alalahanin ang mga ginawa namin, ang lahat lahat. Nakakalungkot lang isipin na may katapusan rin pala ang lahat. Love sucks, mahirap magmahal talaga, dahil sa sakit.


Calvin,

I'll admit, before I knew you. I really don't believe in love. Sa fairytales lang. All I know back then is love suck. And heart is deceitful, that's why, I don't trust my heart. Pero binago mo 'yon. Syempre gago ka e. I've guarded my heart for so long, pero ikaw sinira mo lang 'yon. I only believe Mom and Dad's love, HAHAHA.

Masaya tayo, yes. But eveything happens for a reason. And maybe the reason why I let go. Is to let you chase your dream. Tanga ka kala mo 'di ko malalaman. Na bata pa lang ako kilala mo na 'ko? Na kaya ka nag take ng tourism course is because of me? Pisti ka alam ko na 'yon.

And maybe that's the sign, for you to chase your dreams naman. Alam kong una pa lang gusto mo na ang pag aartista. Wala ka naman hilig sa mag seserve sa eroplano, diba? Nauulol ka lang.

And Calvin, sana hanapin mo muna yung gusto mong gawin, and I'll find mine too. If there's any chance of us meeting again, then thank you Lord. But if not, then maybe, God thinks the time we spent together was enough, and that is to let's do our own seperatedly now.

Every stories has conflicts, and our story is not an exemption.


Take 1 Lights, Camera, Action!

I love you Always and Forever my Baby,


Love Diandra,

Your Idol Is My Boyfriend ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora