Chapter 11

1.8K 65 10
                                    


Chapter 11


"I'll fetch you later." Sambit niya nang makarating kami sa room ko.

"Hmm, okay." Tango tango ko. But I didn't expect na hahalikan niya ako sa noo.

Napatingin lahat ng estudyante saamin. Agad akong lumayo at sinamaan siya ng tingin.

"Calvin!" I said while glaring at him. Nagpatay malisya lang siyang tumawa. "Umalis ka na nga." Taboy ko sakanya.

"Fine, I'll fetch you later okay? Don't forget to reply on my text, or else susugurin talaga kita Diandra Kim sinasabi ko sayo." Pangaral niya pa. Inirapan ko lang siya nang kindatan niya ako.

Hinintay niya muna ako pumasok sa room bago siya umalis.

Nang makapasok ako agad akong umupo sa bakanteng upuan.

Maya maya lang nakatanggap agad ako ng text galing kay Calvin.

Calvin:
I miss you, already

Agad namang nag init ang pisngi ko.

Calvin:
Wyd?

Ako:
Nothing much, walang pang prof

"May meeting mga prof. Magsiuwian na daw, hanggang mamaya pa 'yon." Pag announce sa harap.

Calvin:
Ala daw prof? Meeting? Sunduin na kita

Ako:
I'll meet you at cafeteria, gonna buy food I'm hungry

Calvin:
May demonyo sa tyan mo, kakakain lang natin

Ako:
STFU

Calvin:
Oooo-okayy, I'm with the boys, okay lang?

Ako:
Yeah, text ko lang sila Keyn

Calvin:
Hmm, okay ingat, madapa ka

Muntik na akong madapa habang binabasa yung text niya. Anong klase instinct meron ang lalakeng 'to?!

ChingCutie:
Hoy, meet me at the cafeteria. Pupunta din don sila Calvin, with his friends.

Keynfokfok:
Papable?

JilliaPinakaCute:
Mga foge?

ChingCutie:
Oo

Keynfokfok:
OTW!

JilliaPinakaCute:
Malapit na 'ko

ChingCutie:
Malande

Keynfokfok:
palibhasa may Calvin

JilliaPinakaCute:
Uu nga, sana all

ChingCutie:
Shut up

Inis kong tinago ang cellphone sa bulsa ng hoodie na suot ko at pumunta na sa cafeteria.

Halos magkakasabay lang ang dating naming tatlo.

Umupo kami sa medyo mahabang lamesa.

"Bakit nga ba tayo nandito? Kakatapos lang ng lunch." Sambit ni Keyn.

"Ayan oh, kakain nanaman." Turo sakin ni Jills.

"Ang takaw talaga." Irap sakin ni Keyn.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz