Chapter 13

1.6K 69 2
                                    


Chapter 13



"Kuya Damien!" Inis na sabi ko sakanya. Tinawanan niya lang ako.

"It's not true, Calv." Sambit ko habang nakatingin sakanya. Mukha talaga siyang iritado, kasi hindi na siya nakangiti.

I can tell...

"Epal." Irap ko pa kay Kuya.

"It's not true Calvin, baliw lang 'yan si kuya." iling iling ni ate, unti unti namang tumango si Calvin. "Kung sasagutin ka niya, you will be her first ever boyfriend." Dagdag pa ni ate.

"And last," pansin kong bulong ni Calvin. Kaya lihim akong napangiti.

"Sasagutin niya 'yan." Sabat ni Dad at nakangiti pa. Tinignan ko si Calvin at nakita ko ang bahagyang pag iling niya at napapangiti.

Nangangamoy marupok.

"Ikaw ba Ianne may boyfriend ka na diba?" Biglaang tanong ni Mom kay Ate.

"Mom, alam mo naman lagi silang nag b-break." Tawa tawang sagot ni kuya.

"Sino 'yon bat di ako updated?" Kunot noong tanong ko sakanila.

"Si—" di na natapos ni kuya ang sasabihin niya kasi tinakpan na ni ate ang bibig niya. Lalo namang napakunot ang noo ko.

"Wala sis, kumain na kayo." Irap ni ate kay kuya.



Simpleng dinner lang naman ang nangyari kasama sa Calvin, matapos non at saglit na pakikipag kwentuhan niya kila Mom umalis na rin siya.

Agad akong humiga sa kama ko nang matapos kong maligo at mag skin care.

Dito na lang ako matutulog. Magpapahatid na lang ako kay Kuya bukas.


From: Calvin
Babe!


Agad napakunot ang noo ko sa text ni Calvin.


To: Calvin
Wrong send ka

From: Calvin
E bakit ba? Babe kita e

To: Calvin
Sige na lang

From: Calvin
Ewan ko sayo!

To: Calvin
nagta-tantrums nanaman ang bata

From: Calvin
Wyd?


Bigla akong nakaisip ng masamang plano para inisin siya lalo. Napangisi ako sa naisip ko.


To: Calvin
Nakahiga, katext ikaw saka si Cain


Hindi siya nag reply, pero bigla na lang siya tumawag. Napatawa ako at sinagot yon.


"Oh, why?" Tawa tawang sagot ko sa tawag niya.

"You're two timing!" Parang inis na inis na sambit niya.

"I'm not! Masama bang makipag text sa friend?" Pinigilan ko ang tawa ko.

"Stop messaging him. You know i easily get jealous." Medyo mahinang sambit niya, napirap na lang ako at bumalik sa pagkakahiga.

"I'm just kidding." Pagamin ko kasi mukhang iiyak na.

"Hay nako! Bye na matutulog na ako, ikaw din. Goodnight." Masamang loob na sambit niya.

"Goodnight," Sagot ko rin bago ko pinatay ang tawag.



Mabilis lumipas ang mga araw diko namalayan 2nd sem na.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Where stories live. Discover now