Chapter 28

1.9K 69 35
                                    


Chapter 28


"Tsk tsk, Diandra." Pinapagalitan na ako ni Chad. Habang si Josh at Gail nakatingin lang. Yes, they know about Calvin. The Past.

"Stop! Too much for your pagalit." Kinunot ko ang noo ko. Habang pinapanood ang news kung saan naroroon ako at si Calvin.

Kanina pa 'to balita. Simula nung kay Pat. Hanggang ngayon na naka punta na sila Gail dito.

Nagpuntahan kasi sila dito sa condo ko. Kasi napanood daw nila yung news. Baka daw sumugod agad mga reporters dito kaya nauna na sila.

"Oh! Our baby, is being a freaking conyo na. That's eww." Nandidiring tumingin sa'kin si Gail.

Kahit kailan talaga 'di nila ako binayby. Si Chad lang minsan.

Natawa si Josh at Chad sa pangaasar ni Gail sa'kin. Nagring naman ang cellphone ko. Kaya nag excuse muna ako sakanila.

Pumunta ako sa balcony para sagutin yung tawag.

"Yes tita?" napapikit ako, sermon nanaman.

"May mga reporters pa ba d'yan? Wag ka muna lalabas."

"Opo-"

"Ikaw naman kasi. Bakit hinahayaan mo na mag ganon ka? Ayan laman ka ng balita ngayon. Kayo ni Calvin." Andami nanaman sinabi.

"Lasing po ako. Saktong si Calvin lang ang natawag ng friend ko. Kakilala po kasi namin siya." ilang beses na ganito ang paliwanag ko.

"O,s'ya! tumawag na pala si Direk Lee. May Flight Schedule na tayo patungong Japan. Mga two days lang ako do'n ha? andami ko kasi kailangan asikasuhin."

"Sige po," nakaramdam ako ng excite sa balita na tita. Parang pambawi sa stress

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ni tita. Sakto na tumawag na rin si Mommy.

Kinamusta niya lang ako and all. At sinabihang wag na muna lalabas.

Besides malapit na rin naman ang flight namin. Next week na, kaya huhupa din ang issue.

Nagulat ako nang marinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Gail.

Agad akong tumakbo patungo kung nasaan sila. Lahat sila tutok sa kanya kanyang cellphone, si Josh pinapakalma si Gail pero nakatutok ang mata sa cellphone.

Agad ko rin binuksan ang cellphone ko. At nagbukas ng twitter.

Top trending sa philippines ang issue ko.

1 #Calvin&Andra

2 #PROTECTANDRAATALLCOST

3 #CalvinNalia4ever

May mga post do'n ng mga fans nila Calvin at Nalia. May nga fans ko din na ipinagtatanggol ako.

@frizeinghot
Malande naman pala. #CalvinNalia4ever

@alluringkim replied to @frizeinghot
manahimik ka kaya? puro ka tahol ghorl? wala ka naman alam.

Nag scroll pa ako. At gano'n na lang ang gulat ko nang nag tweet din si Nalia.

@itsnaliaV
i don't have to say anything, i know what i feel. i just feel betrayed.

Andaming comments, likes at retweet do'n

Napaupo ako sa sofa, habang binabasa ang mga comments. Most mga fans ni Nalia ang mga nagcomments at pinagtatanggol siya and some throwing shame at me. May mga comments din do'n na pinagtatanggol ako.

Your Idol Is My Boyfriend ✓Where stories live. Discover now