Kabanata 6

3.7K 163 83
                                    


Amoy na amoy ko sa kuwarto ang mga iniluluto nila sa ibaba. Bigla tuloy kumulo ang tiyan ko. Humarap ako sa salamin at isinuot ang pulang Filipiñiana ni Rosenda. Maghanda raw ako dahil may special announcement si Don Fabio. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang 'ama'. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at napalingon ako sa may cabinet na kung saan naroon ang diary ni Rosenda.

Umupo ako sa kama at ibinuklat iyon sa random na page. Napansin ko na ang mga pahina sa bandang dulo ay punit na. Bakit kaya?

Gusto kong makakuha ng clue kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya dahil malakas ang kutob ko na nanggaling sa iisang lahi ang pumatay sa amin at matindi ang galit nito, kung kaya't umabot hanggang sa modern day.

Maaaring hindi ko pa nakikilala ang táong ito, but I am sure na malapit lang siya rito. But, where shall I start? Napahinga na lang ako nang malalim. Ano naman ang nagawa ni Rosenda para patayin siya at kailangan kong sapitin ang nangyari sa kaniya? Sinabi naman niya sa letter niya na naparusahan siya sa kasalanang hindi niya nagawa.

Bigla akong nawala sa focus nang marinig ko si kuya Antonio na kumakatok.

"Rosenda? Tinatawag ka na ni Ama sa ibaba."

"Wait... Sandali lang, kuya Antonio. May gusto sana ako itanong sa 'yo."

"O, siya! Pero, huwag magtatagal. Hahanapin na tayo nila Ama. Kilala mo naman 'yon kung magalit."

Napaupo siya sa tabi ko sa kama at tinignan ako. "May kilala ka ba na may galit sa pamilya n'yo? Este, pamilya natin?" tanong ko.

"Rosenda, alam mo naman na parte si Ama bilang opisyales dito sa bayan. Hindi maiiwasan ang mga matang mapanghusga sa ating pamilya."

"Pero, Kuya, 'yong talagang may galit. Galit na kayang humantong sa kamatayan. Galit na maaaring umabot hanggang sa isandaang taon."

"A-Ano? Umaabot ba ang galit ng isang siglo?" Napailing na lang ako. Hindi naman niya ako naiintindihan. "Kung may alam ako na galit sa pamilya natin, iyon ang mga rebelde," sagot niya.

Then, I realized 'yong mga sinabi ni Manuel. Posible kaya na siya ang pumatay kay Rosenda at naipasa ang sama ng loob nila hanggang sa umabot ito sa kalahi nila sa panahon ko?

At nang dahil doon, mayroon na akong first suspect, si Manuel Ballesteros. Pero kailangan ko ng proof dahil kung papaslang ako ng tao nang walang pruweba, kamatayan o kulungan ang bagsak ko. March 15 na ngayon at mayroon pa akong 9 months para malaman ang sagot sa mga tanong ko.

"Wala ka na bang katanungan?" tanong ni kuya Antonio.

Nawala ako bigla sa iniisip ko. "Ha?" tanong ko.

"Sabi ko, wala ka na bang katanungan?"

"M-meron pa," hirit ko. "Hindi ba't pinsan natin ang mga Montemayor? Kung ganoon, bakit iba ang apelyido nila sa atin?"

"Dahil magkapatid lang si Ama at si Don Jaime sa ina. Hindi ko naman maintindihan kung bakit nagtatanong ka pa ng mga bagay na alam mo naman." Reklamo pa niya. "Wala ka na bang katanungan?"

Magkapatid sa ina..posible rin na may hidwaan ang pamilyang Montemayor at Lafuente.

"Halina't tumayo ka na r'yan. Maya-maya lang ay darating na ang mga heneral." Nauna nang bumaba si kuya Antonio at napa-buntonghininga na lang ako. Sana naman, hindi ako mapahiya, this time, kina Vicente.

Huwag kang tanga-tanga, Dalia, a! Huwag mong ipahiya si Rosenda, okay? You can do this. Ikaw si Maria Clara—mahinhin at dalagang Filipina.

Bumaba na ako at lahat sila ay nakaupo na sa hapagkainan. Katabi ko ulit si kuya Antonio, at si Doña Macaria naman ay katabi ni Kuya. Si Don Fabio ay kausap si Heneral Lucio sa may labas ng pintuan. Nagtatawanan sila habang humihithit ng tobacco. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

131 Years (PUBLISHED)Where stories live. Discover now