Kabanata 48

2.3K 129 71
                                    



Tatlong buwan matapos ang pangyayaring iyon sa hacienda noong 2016, muli kaming nagkita ni Tope sa harap ng isang bookstore.

Napilit ko siya na makipag-usap sa'kin dahil hindi naman ako makakapayag na umalis siya ulit nang walang paliwanag. Sobrang saya ko noong mga sandaling iyon, inisip ko pa nga na baka tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita kami ulit.

Noong nasa viewing deck kami ng kaniyang condo, hindi ko napigilan na halikan siya at aminin ang totoo kong nararamdaman. Natatakot kasi ako na baka kapag hindi ko iyon ginawa ay muli siyang mawala sa akin.

At kahit na alam kong nabigla si Tope, tinugunan na rin niya ang aking halik. Punong-puno iyon ng damdamin at pananabik.

"Christopher, I love you." Saad ko.

"Ano'ng sinabi mo?" tanong niya.

"I said," hinaplos ko siya sa pisngi, "Mahal kita."

Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mga mata ko. "Ikaw Tope, ano'ng nararamdaman mo para sa akin?" punong-puno ako ng pag-asa noong mga sandaling iyon, dahil alam ko na hindi niya ako bibiguin.

Subali't, unti-unting naglaho ang pag-asa na 'yon noong makita ko ang malungkot niyang mata. Ang tanging naitanong ko na lang sa sarili ko ay: bakit hindi niya ako kayang mahalin?

"Hindi mo ako dapat mahalin, Dalia." Mariin niyang sinabi.

At dahil hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya, tumakbo ako palayo sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kuwarto ng kaniyang condo. Kinukuha ko na ang bag ko at handa na akong layasan siya nang dahil sa nalaman.

Napaupo na lang ako sa sahig at lumuhod siya sa harapan ko. "Tahan na, huwag ka nang umiyak," panunuyo niya sa akin. Sobra akong nadadala sa malumanay niyang boses.

"Alam mo, Tope? Ikaw ang unang lalaking inibig ko. Ikaw ang una kong minahal."

Ang sumunod niyang sasabihin ay sapat para magwala ang puso ko noon.

"Mahal din kita, Dalia. Higit pa sa iniisip mo." Aniya.

Pilit kong inintindi ang emosyon na nakalahad sa mga mata ni Tope. "Kung gano'n, bakit pilit kang lumalayo?" tanong ko.

"Oras na ipaglaban ko 'to, Dalia, ikaw ang mawawala."

"Paano? Paanong mawawala ako?"

Hindi na sumagot si Tope at sa halip ay niyakap niya na lang ako nang mahigpit. "Te amo, mahal ko." Bulong niya sa akin.

Nangungusap ang mga mata ko nang harapin ko siya. Handa ko nang isugal ang lahat para sa kaniya at alam ko na hinding-hindi ko iyon pagsisisihan.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga at bawat paghinga ko ay hinahabol ko na. Napakapit ako sa bisig ni Tope. Narinig ko pa ang paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Noong nagising ako, masaya akong binati nina Daddy, Delilah, at Carlo. Kahit nasa paligid ko na sila, hindi ko magawang ngumiti dahil hinahanap ko siya.

Napatingin ako sa may bintanang gawa sa salamin, doon ay nakita kong tinatanaw ako ni Tope mula sa labas.

"Tope!" Pagtawag ko sa kaniya at saka sumenyas na pumasok siya sa loob ng silid.

Pero hindi iyon ginawa ni Tope. Hindi niya ako tinangkang lapitan o kumustahin man lang, ang tanging ginawa niya ay ang kawayan ako at bigyan ako ng matipid na ngiti.

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon