Epilogo

4.3K 229 293
                                    



MANILA, 2092

"Ito ang kuwento naming dalawa. Ang walang hanggan naming pag-iibigan, isang daan at tatlumpu't isang taon man ang aming pagitan..."





Isinara ko ang hawak kong nobela. Buti na lang ay nasa likuran nakapuwesto ang upuan ko ngayon sa klase kaya walang makakapansin sa pagtulo ng luha ko.

131 Years.

Iyon ang pamagat ng binasa kong libro. Ewan ko ba kung bakit sobrang bigat sa dibdib noong mabasa ko ang huling linya roon. Pakiramdam ko ay totoong-totoo sila, na parang nag-exist talaga sila noon.

Kaso, 'di hamak na karakter lamang sila na nabubuhay sa pagitan ng mga pahina.

Hindi sila totoo.

"Bakit kahit alam natin na masakit ang pagwawakas ng isang kuwento, binabasa at tinatapos pa rin natin ito?"

Tanong ng Philippine History professor ko na si sir Paterno. Marami ang nagtaas ng kamay, because I know na madali lang namang sagutin ang question niya, but I remained silent. Pakiramdam ko kasi ay may kulang sa'kin. Eversince na mabasa ko ang libro na 'yon, It felt like I found a piece of myself and at the same time, may nawala.

Nanatili akong nakatingin sa sahig. I was blocked by the hands of my blockmates na pilit na sumasagot for the recitation. Maging ang bestfriend ko na si Sophia na tamad sa History class ay willing din sumagot.

"Miss Lia?" narinig ko ang boses ng professor ko, pero parang sabog pa rin ako.

"Lia, ikaw raw," siniko ako ng kaibigan ko.

"Ha?"

Napasapo siya sa noo. "Sabog ka ba, girl? Tinatawag ka ni sir."

"A-Ako?" itinuro ko ang sarili ko saka, tumayo. Naglaglagan pa ang mga libro ko sa desk dahil sa pagmamadali. Isa-isa ko pa iyong pinulot.

All eyes are on me. Napabuntong-hininga ako. Bahala na.

"Hindi naman po nababase ang ganda ng isang kuwento kung paano ito nagtapos," panimula ko. "For me, sir, it's about the journey of the characters. Kung paano sila nagsimula, kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok, at kung paano nila tatanggapin ang mapait na kapalaran nila sa dulo."

Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "We finish a story kahit pa alam natin na masasaktan tayo sa dulo dahil parte na tayo nito. Gusto nating malaman kung paano magtatapos ang kuwento ng mga karakter na minahal at sinubaybayan natin. We shared laughter, anger, and tears with them as if we were part of their story."

Nakarinig ako ng palakpakan from my blockmates. Natawa na lang ako sa reaksiyon nila.

"Very good, Miss Lia," komento ni sir.

Naupo na ako at kinindatan si Sophia na proud na proud sa naging sagot ko.

"As you all know, nalalapit na ang upcoming Buwan ng Wika dito sa ating university. Kaya naman, you are all required to wear traditional clothes." Sabi ni sir Paterno.

Nagkaroon ng mga bulungan sa klase. Sino ba naman ang magkaka-interes na pumasok sa school nang nakagano'n, 'di ba?

"Exempted na sa Midterms ang mga students na magpa-participate." Dagdag ng professor namin.

Naghiyawan ang mga blockmates ko. All of a sudden, ang pag-aalinlangan nila ay nauwi sa kasiyahan.

"Class, I'm also going to inform you na ito na rin ang last day ko as your professor since effective na ang resignation ko this week. For the meantime, hintayin niyo na lang ang bagong professor niyo for this class."

131 Years (PUBLISHED)Where stories live. Discover now