Kabanata 42

2.2K 115 136
                                    



"Magandang umaga," pagbati sa akin ni Vicente nang ako ay magising. Naabutan ko siyang nagtutupi ng banig na pinagtulugan niya kagabi. Nandito pa rin pala ako sa tagong bahay ni padre Alvaro sa kabundukan. "Pasensiya ka na kagabi at ako ay nakatulog sa iyong himig," aniya.

Saka ko naalala ang nangyari kagabi. Na nakatulog si Vicente sa binti ko habang kinakantahan ko siya. Pero paano ako nakarating dito?

"Paumanhin na rin sa aking nagawa ngunit noong ako ay magising kagabi ay napansin kong ikaw ay nahihimbing na rin kaya naman binuhat na kita pabalik dito." Paliwanag niya.

Ang aga-aga ay kinikilig ako sa na-imagine ko na pagbuhat sa akin ni Vicente papunta sa kama.

"Oo nga, e. Para kang baby na natulog kagabi." Tugon ko.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Baybi? Beybi?"

"Baby—sanggol. Baby ang ingles ng sanggol." Paliwanag ko.

Napatango si Vicente. "Beybi..." paulit-ulit niyang binulong sa sarili na parang tinatandaan niya ang salitang iyon. Ang cute talaga niya.

Inayos niya 'yung unan sa kama ko at tinupi niya maging ang kumot. Nahiya naman ako bigla. "Senda, kagabi, narinig ko na may binabanggit kang pangalan," aniya.

"Ha? Sino naman?"

"Tope. Ang ngalan nito ay Tope." Sagot niya.

Tope—isang pangalan na hindi ko maintindihan kung bakit nagdulot sa'kin ng labis na kalungkutan.

"Hindi ko siya kilala," tugon ko.

Napansin ko ang lungkot sa mata ni Vicente. "Ano'ng iniisip mo?" tanong ko.

Umupo siya sa gilid ng kama at umiling. "Wala," sagot niya.

"Ano nga?" malambing ang tono ng boses ko para hindi siya mainis.

"Siya ba ay kakilala mo o kaya naman minahal mo no'n sa iyong nakaraan?" usisa niya. "Hindi mo naman nasabi sa'kin iyan kahit minsan." Dagdag pa niya.

Natawa ako sa pinagsasabi ni Vicente. Pinisil ko ang dalawa niyang pisngi at hinarap ang mukha niya sa magkabilang gilid. Nakanguso siya ngayon dahil sa ginagawa ko. "Ano bang sinasabi mo, ha? Ikaw lang ang iniibig ko. Bago ako matulog ikaw ang mahal ko, pag gising ko ikaw pa rin."

Inalis niya ang kamay ko at bigla na lang siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Hahanapin ko si Tope, nang ikaw ay sumaya." Sabi niya.

Iniwan niya ako sa silid. Lintik, nagseselos nga talaga siya!

"Huy! Teka!" kumaripas ako ng takbo at muntikan pa akong madapa dahil sumabit 'yung kobre-kama sa paanan ko. "Inte!" pagtawag ko sa kaniya.

Naabutan ko siya sa labas na nagsasampay ng damit. Nagulat ako nang makita ko na nilabhan niya pati ang puting bestida na suot ko noong dalhin niya ako rito. "Oy, baby! Wag ka nang mainis," niyakap ko siya mula sa likuran.

"Do'n ka," hiniwalay niya 'yung kamay ko na nakayakap sa kaniya. "Beybi ka r'yan. Hindi naman ako sanggol." Tudyo nito.

Napasampal na lang ako sa noo. Hindi niya kasi maiintindihan na ang 'baby' ay endearment sa mag-jowa. Hay!

"Hoy, Inte, nagugutom na ako," pag-arte ko sa kaniya habang abala siya sa pagsasampay. Hindi talaga ako marunong pano manuyo kasi hindi ako nanunuyo ng lalaki.

"May inihaw na tilapia sa loob ng kubo," malamig niyang sagot nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Hala! Paano ba 'to?

131 Years (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon