Kabanata 17

2.6K 153 96
                                    



"Napansin mo ba ang mga titig ni Señor Vicente kay Immanuel kagabi?" tanong sa akin ni kuya Antonio na pawis na pawis. Nandito kasi kami sa azotea at naisipan kong turuan siya ng mga dance step na kung saan mahuhumaling sa kaniya si Criselda kapag napanood siya.

"Kung tama ang aking kutob ay hindi nais ni Señor Vicente ang presensiya ni Immanuel." Dagdag pa niya.

"Hay, nako, Kuya! Ang dami mong rason. Nasa unang step pa lang tayo. Paano ka manghaharana kay Criselda n'yan?" Naisipan ko kasi na kapag hinarana ni kuya Antonio si Criselda dapat with matching dance steps para naman ay kakaiba.

"Steps?" tanong niya.

"Oo. Mga hakbang. Ganito ang gawin mo mo, o!" saad ko sabay turo sa kaniya ng 'Teach me how to dougie' na steps. Napakamot naman ito sa ulo.

"Saan mo ba natutuhan ang ganiyang mga sayaw? 'Ayan din ang pinasayaw mo sa akin sa mansiyon nina Vicente noon, hindi ba?" Tumango ako. "Noong pista ng ating bayan, gumanda bigla ang iyong boses, at ngayon naman ay mananayaw ka na rin."

"Ganoon talaga, Kuya kapag talented. Basta, gawin mo ito. Uno, dos, tres!" saad ko sabay kumpas ng kamay ko at sumayaw. Tamàng trip lang para naman may magawa ako na nakasanayan ko sa totoong panahon na kinabibilangan ko. May pagka-uto-uto rin kasi itong si kuya Antonio at masaya siyang pagtrip-an.

Sinubukan namang sumayaw ng dougie ni kuya Antonio at halos mamatay ako sa katatawa. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa saya. "'Ayan! Very good! Magaling!" sigaw ko.

"Nako! Kapag nakita ka ni Criselda na ganiyan habang kumakanta ay sigurado akong sa altar ang diretso n'yo," dagdag ko pa.

"Siguraduhin mong totoo ang mga sinasabi mo, Senda, dahil kung hindi ay kalilimutan kong kapatid kita."

"Ay, 'wag naman. Basta, kapag dumating ang araw na gusto mo nang haranahin si Criselda ay sasamahan kita. Ako ang tutugtog at ikaw ang kakanta at sasayaw."

"Tatandaan ko ang sayaw ng teyst mi haw tu dow-gi," tugon ni kuya Antonio. Napatalikod ako sabay takip sa bibig dahil natatawa na naman ako.

Ewan ko ba kung bakit ang benta sa akin ni kuya Antonio. Sigurado ay mami-miss ko siya pagbalik ko sa taóng 2020.

"Susunod na sayaw natin ay ang Nae Nae dance."

"Neyney?" tanong ni Kuya. Pinunasan niya ang pawis sa sentido. Eksakto dahil dayoff nila ni Ama at nasa bahay lang sila pareho.

"Senda, mas nakakapagod pa itong mga itinuturo mo kaysa sa pagsasanay ko bilang sundalo," pagrereklamo niya.

"Last... Ay, este, huli na ito. Itong 'Nae Nae dance', ganito 'yon, o! Para maaliw naman si Criselda, 'di ba? Ang babae kahit hindi kagandahan ang hitsura ng lalaki ay natutuwa sila at napapamahal dito kapag nakakatawa ito kasama," sambit ko.

Napakurap si Kuya nang dalawang beses. "Ibig mo bang sabihin na hindi ako magandang lalaki?"

"Ha? Hindi, a! Guwapo mo nga, Kuya, e! Tingnan mo. Magkamukha tayo. Ilong pa lang, 'di ba?" Kinurot ko pa ang ilong niya.

"O, sige. Paano ba 'yang neyney na 'yan?"

Huminga pa ako nang malalim. Medyo namamawis na ako sa ginagawa ko, pero okey lang para sa ekonomiya.

"Ganito." Ikinumpas ko ang kamay ko pataas at paunti-unting umatras. "Watch me whip, watch me nae nae," sambit ko. Umatras ulit ako kasabay ng galaw ng magkabilang kamay ko. "Watch me whip... whip... Watch me nae nae," dagdag ko pa. Umatras ulit ako sabay kumpas ng kamay ko. Medyo malayo na sa akin si kuya Antonio kasi kasama talaga sa dance steps ng nae nae ang umatras. Pansin ko na nakatingin sa likod ko si kuya Antonio at natatawa siya pero hindi ko na lang ito pinansin.

131 Years (PUBLISHED)Where stories live. Discover now