Job

20.3K 308 3
                                    

Chapter 1

Callia

Napahawak si Callia sa kaniyang dibdib dahil sa galit. Galit na galit siya sa kaniyang ina na walang ginawa kundi ang magwaldas ng pera pinaghirapan niyang ipunin para sa pambayad sa kaniyang matrikula. Simula kasi ng iwan siya ng kaniyang ama naging ganito na ito. Hindi sanay sa hirap ng buhay. Isa na rin ito sa naging dahilan ng foreigner niyang ama inuubos kase ng mama niya ang lahat ng pera nito.

"Stop wasting my money, ma. We're not rich anymore. Maawa naman kayo sakin" halos sumabog ang kaniyang dibdib sa galit. Napaiyak na rin siya sa sobrang inis na nararamdaman para dito.

"Huwag mo akong iyakan dyan. Nasan pa ang iba mong pera?Kulang ito para sa gastusin ko"

"Gastusin mo ma? Ako ang naghirap magtrabaho para lang may pera tayo pang kain at pambayad ng tubig ay kuryente sa bahay na ito. Bakit hindi pa kase natin ibenta 'to. Wala na tayong pera Ma!" galit niyang pagsigaw pabalik dito. Isang malakas na sampal ang dumako sa pisngi niya

At the age of seventeen natuto siyang magtrabaho kahit nabuhay siyang may katulong. Nung una hirap siya dahil hindi naman siya sanay sa kahit anong trabaho pero ngayon halos mabatak na ang kaniyang katawan sa kung ano-anong trabahong pinapasukan niya.

Sa umaga nag-aaral siya bilang grade 12 student at sa susunod na pasukan college na siya. Medyo magastos ang kursong kukunin niya. Kaya nga nagtratrabaho siya sa isang cafe. Minsan siya ang naatasang mag bake ng mga cake dun. Hindi naman niya tinatanggihan kase extra money din 'yon.

"Magtrabaho ka anong silbe niyang katawan mo ha. Gamitin mo nga yang ganda mo punyeta ka" galit na sigaw nito.

Ina ko ba talaga ito?bakit pati katawan ko gusto na niyang ibenta para lang magkapera siya?

Tiningnan niya ito ng masama bago tahimik na umalis. Ayaw na niyang pahabain pa ang pagtatalo sa mama niya. Puro masasakit na salita lang ang matatanggap niya dito.

Life is so unfair. Gusto lang naman niya mapunta sa pamilya na walang away at masaya. Yung buo at hindi ganito ang pagtrato. Naghahanap siya ng pamilya na tatanggap sa kaniya ng buong buo.

Sa sobrang pag-iyak niya nanlalabo na rin ang kaniyang mata. Napatingin siya sa kanilang kapitbahay. Naawa ang mga itong nakatingin sa kaniya . Puro nalang awa hindi niya kailangan ng awa ngayon. Ang kailangan niya trabaho.

"Callia" napalingon siya ng may tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita niya si Carmen kasama ang nobyo nito. Malapit na silang ikasal. Limang taon ang tanda sa kaniya ni Carmen pero hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan sila

"Ate Carmen" naiiyak na tawag niya sa pangalan nito.

"Anong nangyari sayo? Jusmiyo Callia may sugat ka" hinawakan nito ang kaniyang pisngi. Ngayon lang niya naramdaman ang sakit nito. Gawa siguro ito sa pagsampal sa kaniya ng kaniyang mama. May suot itong singsing at malamang napatama sa pisngi niya ang matilos na bahagi ng singsing.

"Sabi sayo layasan mo na 'yang nanay mo. Wala naman itong mabuting naitutulong. Bukod sa kinukuha nito ang pera mo sinasaktan ka pa. Nako ang mabuti ay ipakulong na ito" halata ang pagkainis sa boses nito.

"Ayos lang yun ate. May alam ka po ba na trabaho?kailangan ko po kase ng bagong trabaho kulang yung sahod ng cafe para mabalik 'yong pang matrikula ko"

Naawa itong tumingin sa kaniya. Napapalakpak ito "Meron at sigurado kaya mo ito"

Nagdiwang ang loob niya at nagkaroon ng pag-asa. "Talaga po ate?"

"Oo. Dahil nag resign nako sa dati kong amo naghahanap ito ng panibago. Pwede ikaw na ang pumalit sakin. Dahil sa ikakasal na kami nito ni Kuya Mark mo hindi na ako magtratrabaho dun"

Nagningning ang kaniyang mata sa narinig. Malaki kase ang sahod sa pinagtratrabahunan nito. Kahit katulong lang sila maraming benepisyo ang nakukuha.

May kinuha ito sa bag nito at iniabot sa kaniya "Yan ang address ng bahay ng amo ko. Pumunta ka nalang dun bukas ipapaalam ko na rin sa mayordoma dun ang pagdating mo."

Niyakap niya ito dahil sa tuwa "Thank you ate."

"Oh siya alis na kami may pupuntahan pa kami nito e." tinuro nito si Kuya Mark. Mabait din ito at talaga namang bagay na bagay sila.

Tumango siya she wave her hand. Naglakad na siya paalis. Pupunta siya ngayon sa cafe na pinagtratrabahunan niya. May trabaho pa siy ngayon. Dahil summer ito ang kaniyang pinagkakaabalahan. Ang pagtratrabaho. Kung dati tuwing summer nasa outing sila ng kaniyang ama . Pero ngayon nasanay na siya na tuwing summer vacation magtratrabaho lang siya.

Nakasara pa 'yong cafe pagdating niya. Pumasok siya dun at nadatnan ang ilang katrabaho na nag-aayos na. Ngumiti siya dito at bumati. Dahil sa siya ang pinakabata dito tinuturing siya ditong bunsong kapatid .

"Goodmorning sunshine" lumapit sa kaniya si Vince . May hawak itong rosas at binigay sa kaniya.

Si Vince ay isa niyang katrabaho at manliligaw niya. Kahit sinabi niyang kapatid lang ang turing niya dito hindi parin ito tumitigil.

Napuno ng kantyawan ang buong cafe. Nailing nalang siya at kinuha ang rosas nito. Pumunta siya sa may locker nila at nagpalit ng damit.

9 to 6 pm ang schedule niya. 24/7 ang cafe na to dahil malapit ito sa may hospital. Doon tumatambay at kumakain ang mga doctor at nurse pati na rin ang mga nagbabantay sa pasyente.

Dahil magkakaroon siya ng panibagong trabaho mababago ang schedule niya. Titingnan niya kung anong oras ang maisisingit niya ngayon.

Tiga punas lang siya ng table at tiga kuha ng pinagkainan nito. Tatlo ang rule niya dito. Minsan dishwasher, cooker,at yun nga tiga ligpit ng kalat.

Wala pa gaanong tao dito dahil umaga palang mga tanghali at hapon dinadagsa ang cafe na ito.

Nagtataka na sinulyapan niya ng tingin si tine kanina pa siya nito sinisiko .  "Bakit?" she asked.

Ngumuso ito sinundan naman niya kung saan nakaturo ang nguso nito halos mapangiwi siya ng makita si Vince nakafinger heart ito sa kaniya.

"Patay na patay sayo si Vince ah. Ang haba ng hair" tumatawa nitong asar.

"Tse. Wag mo nalang pansinin yan" iling na pinagpatuloy nalang niya ang kaniyang trabaho. Sanay na siya kay Vince at sa kalokohan nito.

Nang sumapit ang gabi lahat sila ay pinatawag ng owner ng cafe na ito. Isa itong matandang dalaga at mabait rin ito.

Heto na ang pinakahihintay ng lahat ang bigayan ng sweldo. Kahit kakarampot na kita ay mahalaga na sa kanila.

"Gamitin nyo yan ng maayos ha. Dahil masipag kayo maaga tayong magsasara. Magpahinga muna kayo" naghiyawan naman lahat at kaniya kaniyang plano para mamaya.

Hinintay niya munang makaalis ang mga kasamahan niya. Si Maam Nova at siya nalang ang naiwan sa loob ng opisina

"Ahm maam" kinakabahan na panimula niya

"Yes?"

"Pwede po ba nailagay nyo ako sa night shift? May trabaho pa po kase akong iba at 4 pm po ang out ko"

"Yeah sure okay lang sakin. Maayos naman ang trabaho mo. And I can't stop you naman alam kong kailangan mo ng pera kaya dalawang trabaho ang pinasok mo"

"Salamat po." nagdaop ang kaniyang palad sa sobrang saya. Nakangiti siyang lumabas ng opisina nito.

Nilapitan agad ako ni Tine at iba pang kasamahan niya.

"Bar daw tayo mamaya" gumiling pa ito

"Ako?kasama nyo?"

"Oo naman why not coconut? Malapit ka naman na maging legal iyong age mo"

"Kung pwede,edi itry ko."

"Ayon" hiyawan nilang lahat. Natatawang umiling siya at pinagpatuloy ang pagliligpit.

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Where stories live. Discover now