Excited

8.7K 200 2
                                    

Chapter 11

She's happy and at the same time nervous. New environment,new professor and new classmates. Sana makasundo niya ang magiging kaklase niya ngayong school year.

"You ready?" saad ni Darius pagkapasok sa room niya. Nginitian niya ito at kinuha ang bag.

"Yeap" she wink. Sumunod siya palabas dito siya narin ang nagsara ng pinto. Ihahatid siya nito dahil nga first day of school . Kahit ayaw niya marami naman itong dahilan at paliwanag para mapapayag siya. Kaya sa huli siya parin ang talo at pinabayaan ito. Pabor din naman ito sa kaniya . Bawas sa pamasahe at less hassle sa pagsakay.

"Wala ka bang trabaho?" she asked. Inayos nito ang seatbelt niya. 

"Meron"

"Anong trabaho mo?"

"Simple lang"

"Ano nga?"

"Kahit ano"

"May trabaho ba na kahit ano?"

"Meron" wala pa rin siyang nakuhang matinong sagot dito.

"Ewan ko sayo" inirapan niya ito kunot noo na tumingin sa unahan. She even pout her lips.

"you will know soon" sagot lang nito na ikinainis niya lalo. Girlfriend siya nito pero wala itong tiwala. Trabaho lang ang tinatanong niya pero kung makalihim sa kaniya wagas.

Bumaba agad siya ng makarating sila sa school niya. Hindi siya nag-abala na lingunin ito.

Darius keep on calling her name pero wala itong epekto sa kaniya. Pumasok nalang siya sa loob ng may tampo dito.


Pumunta siya sa auditorium para sa welcome remark sa kanila at para na rin sa orientation. Wala pang maraming tao kaya nakuha niya ang nasa may gitnang upuan. Wala man lang siya kakilala rito.

Kaya mo yan Callia....


Nilingon lingon lang niya ang kaniyang tingin. Pinagmasdan ang mga tao sa loob. Lahat ito ay tahimik at mga may sariling mundo.

/Pag-ibig ko sayo ay hindi magbabago,kahit na anong bagyo ika'y masusundo .
Ganito lang ako,simpleng tao.../

Bigla siyang nagpanic ng biglang mag ring ang phone niya. Lahat ay napatingin sa gawi niya kaya wala siyang nagawa kundi i-end ang tawag. Si Darius iyon .

Heh!neknek mo ang dami mo na kasalanan sakin...

Binigyan niya ito ng ngiwing ngiti saka nagpa umanhin. Pinagdaop pa niya ang kaniyang palad at tumango tango.

Bumalik naman sa kaniya kaniya ang ginagawa at wala na naman pumansin sa kaniya.

"Hi! May nakaupo na ba dito?" tumingala siya muntik pa siyang mapanganga sa ganda nito.

"W-wala...sige..upo ka" utal na wika niya. Ngumiti ulit ito kaya ngayon kitang kita ang maganda nitong ngipin. Lumabas rin ang biloy sa dalawa nitong pisngi. Nahiya namam siya dito. Ang ganda ganda nito tapos siya .

"Sorry"

"Bakit?"

"Ang rude ko di man lang ako nagpakilala. Btw I'm Javisca but you can call me Jav or Visca. Wag mo lang banggitin yung Javisca"  napangiti siya sa ginawa nitong pagtirik ng mata. Hindi naman mukha itong nandidiri . Mukhang hate lang talaga nito ang pangalan niya kaya ganon.

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Where stories live. Discover now