The truth

6.1K 161 9
                                    

Chapter 41

Pinauwi na rin niya kanina si Alexus at Raven. Hindi pa sana ito papayag ngunit naging mapilit siya. Mukhang nakuha naman nito ang gusto niyang mangyari. Simula ng mapagtanto niya ang ugnayan nilang dalawa ni Darius. Gusto niyang punan ang nawala niyang alaala at bigyan linaw ang nangyari sa kanilang dalawa. Bakit sa ganon sila nagtapos?.

As soon as possible kailangan niyang malinawan. Tahimik ang buong byahe hindi siya nagsalita at hindi rin ito nagsalita. Ngunit nakikita niya ang panaka-naka nitong tingin sa kaniya.

Nang makarating sila sa isang bahay. Hindi ito familiar sa kaniya kaya naman mukhang hindi niya pa ito napuntahan noon. Marahil ay bagong gawa pa lamang iyon. Binuhat ni Darius si Cold habang siya ang kaniyang buhat ay si Abby. Dahil mas magaan ito kaysa kay Cold.

Inihiga nila ito sa isang kwarto marahil ay yun ang kwarto ni Abby. Magkatabi ang dalawa at hindi parin naalis sa mahimbing na pagkakatulog.

"Let's talk" mahinahon na wika niya. Tiningnan niya ang kabuoan nito. Kahit hindi niya aminin alam ng puso at isip niya na hindi nawala ang pagmamahal niya sa lalaking ito.

Kahit parati silang napagtritripan ni Raven. At marami rin ang may gustong sila ang magkatuluyan. Kahit gusto niya itong bigyan ng chance nakakaramdam siya ng guilt at parati niya napapanaginipan ang lalaking 'yon. Kahit nawala ang kaniyang memorya hindi nawala ang feelings niya para dito.

Pumasok sila sa master bedroom. Hindi narin naman siya umangal. Pumunta sila sa may balcony nun. Kitang kita niya ang ganda ng garden sa may ibaba kahit gabi na. Ang pool na may iba't ibang kulay dahil sa ilaw na nakalagay doon. Kumapit siya sa railing at dinama ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang pisnge

"Who am i to you?" lakas loob na tanong niya.

"You?" sinulyapan niya ito. Nahuli niyang nakatitig ito sa kaniya hindi man lang umiwas ng tingin "You are the woman i love the most"

"Liar" asik niya.

"Before" malumanay parin na sagot nito. Hindi siya nagpatalo sa titig nito.

"Lahat nalang ba ng sasabihin mo kasinungalingan? Ha! Darius?"

Umiling ito sa kaniya saka ngumiti na alam niyang pilit.
"Nothing will change, anyway"

" Fine" nawawalang pag-asa na wika niya. Hindi man lang ito gagawa ng paraan para magkaayos sila? Hindi man lang ba ito magpapaliwanag? Kase ako? Handa na akong makinig at handa na rin akong makalimot.
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa railings saka pumuhit patalikod. Bubuksan na sana niya ang sliding door nito ng magsalita ito

" Stop" pagpigil nito sa kaniya. Kusang tumigil ang kaniyang kamay at ang kaniyang paa. Hinihintay niya ang susunod na sasabihin nito.

"Don't leave me,again" nakikiusap na wika nito. Huminga siya ng malalim ngunit hindi parin tumitingin dito. "Seven years Callia sapat na siguro yun para patawarin ako at dinggin ang paliwanag ko diba?"

Nakagat niya ang ibabang labi niya habang nakatingin sa may itaas. No... Hindi muna siya iiyak. Gusto niya marinig lahat. Wala siyang narinig na paggalaw nito sa may likuran niya. Siya ay nanatili parin nakatalikod para hindi nito makita ang ginagawa niyang pagpigil ng luha.

"I miss you Callia. Let me explain please...." mahina na wika nito ngunit sapat na para marinig niya. "Huwag na kayo lumayo sakin ng anak natin Callia. Ilang taon ko rin tiniis na hindi kayo lapitan dahil sa banta ni LoLo. Callia nandon ako habang inilalabas mo ang anak natin. Wala ka pang malay non ngunit hindi kita nagawang lapitan ang daming nagbabantay sayo. Hindi ko alam na naaksidente ka. Hindi naman nila sakin ang tanging alam ko lang ay manganganak ka na. Hindi rin ako nagtagal dahil may inaalagaan pa ako dito. Kailangan kong umuwi sa pilipinas dahil naiwan mag-isa si Abby" malungkot na kwento nito. Nagitla nalang siya ng may yumakap sa may likuran niya. Hindi siya nagpumiglas at mas dinama pa ang init nito.

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Where stories live. Discover now