The truth

6.7K 211 40
                                    

Chapter 20

"Ang aga mo naman iha magising" salubong agad sa kaniya ng mama ni Visca.

Tipid siyang ngumiti dito "May pupuntahan po kasi ako tita"

"Oh! siya kumain ka muna bago ka pumunta sa pupuntahan mo" mabait na wika nito. Hindi pa gising si Visca,si tita at tito lang ang kasama niya kumain ng umagahan. Ngumiti lang sakin si tito saka pinagpatuloy ang pagbabasa sa dyaryo.

"I'm full tita,tito. Mauna na po ako" paalam niya.

"Okay take care" hinalikan niya ito sa pisnge bago umalis.

Hindi na siya nagpahatid sa driver ng mga ito. Naglakad siya palabas ng village nila Visca. Good thing malapit lang ang bahay nito sa may gate kaya hindi siya natagalan paglalakad..

May padaan na Cab pagkalabas niya kaya nakasakay agad siya. Malapit na mag 9 siguro naman gising na si Darius.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya. Nagpasalamat siya sa driver at nagbayad. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Dahil kilala naman siya sa bahay ni Darius nakapasok agad siya.

Isang magandang ngiti ang binigay sa kaniya ni Manang Sale. "Callia"

"Manang nandyan po ba si Darius?" tanong niya habang sumusulyap sa taas.

Unti unting nawala ang ngiti nito "Iha" may bahid ng lungkot ang boses nito.

Pinagsawalang bahala niya ang naging kilos ni Manang Sale "Punta lang ho ako sa taas"

Naglakad siya ng mabilis dahil pipigilan siya ni Manang Sale. Walang lingon siyang pumunta sa taas. Ni hindi siya kumatok binuksan nalang niya ang pinto. Bumungad sa kaniya ang katawan ng dalawa habang natutulog sa iisang kama.

Dahil naging maingay ang pagbukas niya ng pinto nagising si Darius. Nagulat pa ito ng makita siya. Nagulat rin siya ng makita ang katayuan ng dalawang ito.

"Callia" pagtawag nito at mukhang hindi inaasahan ang pagdating niya.

"Ito pala ang dahilan kaya hindi mo sinasagot ang tawag ko" pinilit niyang patibayin ang kaniyang boses. Iniiwasan maiyak sa harap nito.

Hindi ito sumagot kaya mas lalo siyang nasaktan. Hindi man lang ba ito tatanggi?magpapaliwanag? sasabihin na mali lang ang nakita niya. Kase kung tatanggi ito maniniwala siya. Pipilitin niyang maniwala.

"So totoo nga?" tanong muli niya habang nakatingin sa babaeng katabi nito.  "Hindi mo man lang sinabi na fiance mo pala siya matagal na"

Hindi ito muli nagsalita. Nakatingin lang ito sa kaniya gamit ang malalamig na titig. Nasan na yung titig niya na ikatutunaw ko? Nasan na yung titig na mahal na mahal siya?

"Bakit?" Sigaw niya at binasag ang nakuhang gamit sa tabi niya. Nagulat ang babaeng katabi nito at nagising.

Tumingin ito sa kaniya "Bitch you're so noisy. Can't you see..."

I cut her words "shut up" sigaw muli niya.

"Hindi mo man lang ako hiniwalayan bago ko malaman ang meron sa inyong dalawa"

Galit at lungkot niya itong tiningnan "masaya ba na paglaruan mo ako?. "

"Yes." walang alinlangan na sagot nito

"You deserve...." pagsingit na naman ni Amanda.

"I said shut up. Bobo ka ba?" galit na singhal niya. "Wag ka mangialam dito ang ganda mo sana istupida ka lang"

"How dare...." pinutol niya muli ang sasabihin ni Amanda.

"Ang bobo mo talaga" gigil na sigaw niya. Tiningnan niya si Darius "Yung ginawa natin?yung sinabi mo,y-yung memories natin. Lahat ba ng iyon kasinungalingan?"

"Yes" nasaktan muli siya sa sinagot. Pwede bang magsinungaling ka kahit masakit na?

"Wow. I can't believe na mahuhulog ako sa gagong katulad mo" sabi niya. Gustong gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at paalisin ang babaeng nakayakap sa mga braso nito.

"Minahal mo ba ako?" biglang tanong niya. Napansin niya ang pagkagulat ni Darius sa tanong niya pero muling bumalik sa dati na walang emosyon.

"Hindi kita minahal" walang gatol na wika nito hindi man lang kumurap at nakatitig sa kaniya.

That words hurt me million times.  Yun nalang ang inaasahan ko. Yung sasabihin niya na minahal niya ko. Handa kong kalimutan ang ginawa niya,handa kong isugal ang lahat kahit makalaban ko pa ang pamilya niya.

"Nagsisisi ka ba na n-nakilala mo ako?" her voice crack.

"Yes" tuluyan na siyang naiyak. Ang luha na kanina pa niya pinipigilan ay kusang tumulo.

"Kase ako hindi ,Darius. Meeting you wasn't the mistake but believing you love me was.. you are so special to me,ikaw lang yung kasiyahan ko nawala pa. Ikaw lang yung taong inaakala ko na mahal ako,hindi pala."

Pinunasan niya ang kaniyang luha saka tumingin dito ng may ngiti.
"Ang sakit mong mahalin"

Huminga siya ng malalim "kung yan ang ikasasaya mo. Sige pinapalaya na kita wish you all the best. Sana wag mo gawin sa kaniya yung ginawa mo sakin."

Hinubad niya yung kwintas na binigay nito sa kaniya. "At eto nga pala. Keep it or throw it depends on you. Ayaw kong itago pa ang bagay na galing sayo."

"I hate you to death but i love you i really do.... I will love you until it kills me" huling wika niya bago itinapon sa sahig ang kwintas na iyon at naglakad palabas.

Sa sobrang sakit hindi na niya narinig ang meron sa paligid niya. Ang pagtawag sa pangalan niya ni Manang Sale. Ay hindi na niya pinansin pa.

Hindi nga niya alam kung bakit nakauwi siya sa bahay niya ng ligtas. Lalo na wala siya sa katinuan. Mabuti hindi mapamagsamantala ang driver na nasakyan niya at hinatid parin siya ng ligtas.

Halos ayaw na niyang tumingin sa parte ng bahay niya na nagpapaalala kay Darius. Naiiyak siya sa tuwing iisipin na sa ganon nalang magtatapos ang meron sa kanilang dalawa.

"Thank you sa panandaliang saya, kahit na hindi totoo" aniya. Nahiga siya sa sahig ng kaniyang kwarto habang yakap yakap ang hello kitty toy niya.

"It hurts so bad" aniya kasabay ng hikbi. Napahawak siya sa may bandang puso pinakiramdaman iyon. Halos hindi niya kayanin sa sobrang sakit.  "Mas masakit pa yung pinaramdam mo kaysa sa ginawa ni Papa."

________

Bawi ko lang sa araw na walang update huhu malapit na siyang matapos na decide ko na siya HAHA konti nalang keri naa.....

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Where stories live. Discover now