I know him but im afraid

6K 183 25
                                    

Chapter 40

Sa isang linggo na nakalipas. Palagi niyang tinatanong sa lahat ang mga alaala na hindi niya matandaan. She badly want to know everything dahil feeling niya may kulang parin.

"Baby" malambing na sambit niya. Niyakap niya ito at mahinang tinapik tapik para magising.

"Hmm" pag-ungol nito at hindi parin minumulat ang mata.

"Wake up" pagsabi parin niya.

"Why po?" nakamulat ang isa nitong mata habang ang isa ay nakapikit parin

"Pupunta tayong park ni Papa Alexus at Raven mo"

"Park po?" inaantok parin na tanong nito sa kaniya.

"Yes"

Napabangon ito bigla sa tuwa. Niyakap siya nito at binigyan ng dalawang halik sa may pisnge. Natatawang sinundan niya ito sa loob ng banyo. Naliligo na ito mag-isa ng makita siya nito lumabas ang mapuputi nitong ngipin.

"Kaya mo na?" namamangha na tanong niya. Parang kailan lang siya pa nagpapaligo dito

"Yes po mommy sabi ni papa Alexus big boy na ako kaya dapat kaya ko na maligo mag-isa" may pagmamayabang sa boses nito.

"Very good" papuri niya.

"Mommy labas na po ikaw im naked po" nahihiya na sabi nito.

"Alright... Alright" tumatawang sagot niya. Hindi na talaga niya mapipigilan ang paglaki nito. Baka magmalay nalang siya may girlfriend na ito.

Kanina pa sila naka ready mula sa pagkain na dadalhin nila. Binihisan lang niya si Cold at sabay silang bumaba. Nang makita silang dalawa ni Alexus tumayo na rin ito sa pagkakaupo sa sofa.

Nagpabuhat agad si Cold dito nang makapasok sila sa loob ng Van nandon na si Raven dahil ito ang mag da'drive.

May pagkamadaldal talaga si Cold pag sila ang kasama pero pag iba ni hindi mo ito mapasalita at susungitan ang mga ito. Bagay na bagay nga daw ang pangalan nito sa personality ni Cold.

Ang park na iyon ay malapit sa isang private school. Madami dami rin ang naroon may mga pamilya at may mga magkasintahan na doon napili mag date. Siya lang ang pumili ng pwesto nila. Pinili niya yung malapit sa puno. At hindi rin nalalayo ito sa palaruan na panigurado pupuntahan ni Cold. Pagkadating pa lang nila inaya na nito yung dalawa sa paglalaro kaya siya ang naiwan mag-isa para ayusin ang kanilang pwesto. Inayos niya yung picnic blanket at pagkain. Naupo lang siya doon habang nakatanaw kay Cold na masayang naglalaro .

Napalingon siya ng maramdaman niyang may kumakalabit na maliit na kamay sa likod niya.

Nakasuot ito ng yellow shirt na may tatak ng school with printed name at Family day text.

"Hi?" patanong na tanong niya.

"Mommy Callia" sabi nito.

"You know me?" nagugulat na tanong niya. Pinipilit alalahanin ang batang ito.

"Opo sa hospital po" magalang na sagot nito. Saka lang nag recall sa kaniya ang nangyari nung nakaraan. Nahimatay nga pala siya non at tanda niya na tinatawag siya nitong 'mommy' diba anak ito ni Darius?Kay Amanda?

"Uh why are you here?" tiningnan niya ang damit na suot nito "Family day nyo yata"

Ngayon lang niya napansin na namumula ang mata nito. "Tumakas po ako kay manong guard. Ayaw ko po dun kulang naman kami ni Daddy" sagot nito pinaupo niya ito sa tabi niya.

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon