bye!

5.9K 155 2
                                    

Chapter 26

Nandito na sila sa airport dala ang kaniya-kaniyang maleta. Nandito rin si Visca kasama si tito at tia para ihatid siya rito. Namumugto ang mga mata ni Visca dahil sa sobrang iyak kanina. Hindi ito matigil kesyo wala na daw ako,sino na daw ang makakasama niya.

Visca support my decision but she can't accept na maiiwan siya dito. Gusto rin nito sumama sa kaniya but her dad didn't let her. Niyakap niya muli ito sa huling pagkakataon "try to convince your father Visca. Try to pleased him baka sa ganon pumayag na rin siya " pasimple niyang bulong habang hinihimas ang buhok nito.

Patuloy parin ito sa pag hikbi at saka gumanti sa yakap niya "Susunod ako sayo basta!"

I pat her head "Hihintayin kita" masayang tugon niya. Kinuha na niya ang kaniyang maleta saka sumunod kay Raven. Kinuha nito ang dala niyang maleta muli siyang lumingon para kumaway ulit kay Visca.  Sa kaniyang pagtalikod nahagip niya ang isang rebolto na hindi niya inaasahan na makita.

Imposible na pumunta si Darius dito e hindi naman nito alam na aalis siya.

"Master" nilingon niya si Raven na sa may katabi lang niya. Siya ang nasa pinakatabi dahil gusti nyang makita ang ulap

"Hmm?" walang gana na sagot niya. Nakatuon parin ang buong atensyon niya sa labas pinagmamasdan ang mga ulap.

"What do you want to eat?" tanong nito.

"Anything" hindi parin niya ito tinitingnan. Naiilang parin siya sa presensya ng lalaking ito.

"Let's go to the comfort room then" walang habas na sagot nito. Doon lang siya napaharap dito at binigyan ito ng matalim na tingin.

"What?"

"I will let you eat me" he said ignoring my death glare.

"Bastos" singhal niya. Kinuha nalang niya ang earphones para hindi ito makita at marinig. Itinuon muli niya ang tingin sa mapayapang ulap.

Bago siya umalis binisita niya ang kaniyang ina sa loob ng kulungan may swero ito at makikita ang pamamayat. Mabutu nakahiwalay ito sa ibang bilanggo. May sarili itong kama at malinis ang buong kwarto. Naiyak siya sa sitwasyon nito hindi man lang siya nito pinansin pero nagpaalam parin siya.

Sinabi niya lahat ng nangyari sa kaniya kahit ganon naman ang naging trato nito sa kaniya she's still my mom. Alam naman niya na may dahilan kung bat ito nagkaganito.

Kahit medyo nawala ang alalahanin niya bago umalis. Nag open up siya sa kaniyang ina gaya dati na ito ang takbuhan niya sa tuwing may umaaway sa kaniya.

Daddy's girl siya pero hindi ibig sabihin hindi siya close sa kaniyang ina. Mas malambing lang talaga siya sa kaniyang ama kaya ganon.

Nang maramdaman niyang bumigat ang talukap ng kaniyang mata walang hiya niyang sinandal ang ulo sa balikat ni Raven. Hindi naman ito nagreklamo sa halip ay inayo pa nito ang pwesto ng kaniyang ulo. Naging comfortable ang kaniyang pwesto saka hinayaan ang sarili na kainin ng antok.

Nagising siya sakto ng stop over nila sa Korea. Five hours iyon at pinayagan silang maglabas at maglibot muna. Basta babalik sa takdang oras at kapag hindi nakabalik ikaw na ang may kasalan hindi sila.

Bumaba kaming tatlo at naglibot muna sa Seoul. Kahit gabi na kita parin ang kagandahan nito dahil sa mga ilaw. Nilabas ni Raven ang camera nito at kinuha siya ng litrato. Silang dalawa ni Leigh ang naging model nito. Pero karamihan ay picture niya at mga building sa Seoul.  They even try yung mga street foods here in Seoul at gustong gusto niya iyon. Nagpapalit sila kanina ng pera kaya may pangkain sila. One hour before ang alis nila pumunta na agad sila sa airport at sumakay ulit. Nabusog siya sa pagkain na binili sa kaniya ni Raven. Gusto niya tuloy dahil iyon sa Canada.

"You happy?" he ask smiling.

I nod "Yeap super"

"Good to hear" kinuha niya ang dala nitong cam.

"May talent ka pala sa photography" biglang wika niya habang tiningnan ang mga kuha nito kanina.

"Depends on my model" ininom nito ang juice na kabibigay lang ng stewardess.

"Well pwede na kong maging model" wika niya habang nakatitig parin sa pictures niya.

"Yeah" pagsang-ayon agad nito. Hindi man lang ito tumanggi. Patay na patay siguro sakin kaya gustong magpalakas.

"Model ng sardines" biro niya. Natawa siya sa sariling biro.

"No"

"K. Whatever" sagot nalang niya. Lahat ng shots nito ay nagustuhan niyan.

Binalik niya muli dito ang canon saka pumikit para matulog ulit. Gusto niya may energy siya para pag dating nila sa Toronto may lakas siya para mamasyal.

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon