revelation

5.9K 163 4
                                    

Chapter 30

"Callia wake up" napakalambing ng boses na iyon. Mas lalo pa niyang binaon ang sarili sa malambot na unan. Ayaw pa niyang bumangon.

"Hoy babae!" Napabalikwas siya sa malakas na sigaw nito. Napaupo siya at tiningnan yon ng masama.

"Ano ba—". napatigil siya at nanlalaki mata na tiningnan'yon "visca?"

"The one and only" umikot ikot pa ito para ipalandakdakan ang mamahalin nitong damit

"Bruha" nawala ang kaniyang antok at walang pasabi na tinalon ang gawi nito. Mabuti nasalo siya nito at hindi natumba. Ito ang kahanga hanga kay Visca ang lakas nito.

"Jusko Callia yung baby mo" napuno ng pag-aalala ang boses nito. Maski siya ay biglang nataranta.

Nanginginig na sinapo niya ang kaniyang tiyan "sorry baby" hinaplos niya iyon.

"Tara na sa baba gutom nako"

"Maliligo lang ako" tumango ito. Humiga ito sa kama niya at pumikit. Pumasok nalang siya doon. Napakalaki ng bahay ng mga Pavios. Para na siyang prinsesa sa ganda ng kwarto niya. Napakalaki ng espasyo  ng kaniyang bathroom. May tatlong sliding door doon. Para sa bathtub na nakalagay sa may tabi ng tinted na bintana,yung isa ay shower room,at yung isa kung nasan ang toilet bowl. Ang walk-in closet niya ay nakaconnect din sa cr na ito. May pinto para dun. Sa labas meron din yun ang pinaka main door para sa walk in closet niya.  May napakalaking salamin sa loob ng bathroom niya. Tuluyan niyang nahubad ang kaniyang damit at pinagmasdan ang baby bumb niya. Hindi pa ito masydong kita pero meron na. She gently caressed it. Pumasok siya sa loob ng shower room. At sinimulan ang pakay na paliligo.

Naglakad rin siya ng nakahubad sa walk in closet niya. Tinuyo lang niya ang kaniyang buhok at katawan para hindi mabasa ang carpet pagpasok niya sa loob ng walk in closet. Simula ng manirahan siya dito nasanay siya sa tuwing papasok dun ay laging walang damit. Napaka aliwalas kase sa pakiramdam.

Isang simpleng dress ang sinuot niya. Ang kaniyang pink na tsinelas na may balahibo sa unahan at napalambot sa tuwing iaapak. Bigay lang 'yon sa kaniya ni Almira. Nang malaman nito na mahilig siya sa pink. Pagkatapos daw kase ng photoshoot nito pumunta daw ito ng Pavios Pavilion saka  iyon nakita.

Madalang lang ito umuwi sa palasyo ni Lolo Azul kase napakalayo para sa workplace ni Almira kaya na stay lang ito sa penthouse. During weekdays dumadalaw ito sabi pa nila dati hindi ito umuuwi pero nung dumating siya uwing uwi na ito. Almira love to spoil me and my unborn baby.

"Why you took so long?" Nakasimangot na ito ng makita siya. 

"You look sleepy and tired,kailan ka dumating?"

"Hmm kanina"

"What wala ka pang tulog?"

"Meron sa plane pero hindi maayos" she yawned tumayo ito saka hinala siya palabas.

Nasa kalagitnaan palang sila ng hagdan tatlong boses ang umalingawngaw sa may ibaba. Napakaingay ng mga'yon akala mo ay bingi ang mga kausap.

"Good morning lolo Can" pagbati niya napunta ang atensyon nito sa kaniya.

"Good morning" ngumiti ito at nang-aasar na tumingin kay Lolo Azul.

"Where's my good morning , darling?" nagtatampo na wika nito.

"Good morning tanda" nakangisi na sagot niya. Tiningnan niya ang isa pang matanda na kasama nito nakatingin lang rin ito sa kaniya.

"Lily?" usal nito.

Kumunot ang nuo niya "Who's Lily?"

"She looks like Lily, Cantaloupe" sabi nito hindi parin inaalis ang tingin sakin. "Cantaloupe she's the mini version of your wife. Is she your granddaughter?"

Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. "Hehe i guess not? Wala po akong kilalang Lily"

"Hmm what's your name?"

"Callia po" sagot niya nailang tuloy siya.

"How's the wedding?" Biglang tanong ni Lolo Azul mabuti nalang naiba ang topic nila. Kinakabahan siya masyado.

"Wag mo ipaalala sakin ang batang 'yon."

"Why you look pissed Damian nagmumuka tuloy ikaw matanda" pang-aasar muli ni Lolo Can. Sobrang hilig nito mang-asar at sobrang pikon naman ni Lolo Azul.

"That bastard i cant believe susuwayin niya ko. Ayon hindi ako nag attend sa kasal niya"

"Sino ba ang pinakasalan ng apo mong si Darius, Damian?" curious na tanong ni Lolo Cantaloupe. Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan. Hinawakan ni Visca ang kamay niya para kumalma siya.

Natahimik si Lolo Azul dahil alam nito ang naging relasyon nila ni Darius. "Amanda perhaps? Well I don't care about her" his looks so firm pero may kalokohan na tinatago sa katawan. Parang bomba sa kaniya ang lahat ng iyon.

Nagpakasal na pala siya ang bilis naman niyang mag move on. Hindi na ako magtataka fiance niya yun malamang sa malamang ikakasal talaga 'yon. Tapos ito ang pinakatatakotan niya ikinasal na talaga ito sa babaeng 'yon. Hindi man lang tumangi wala siyang bayag.

"So,Callia dear who's your father?"

"Calixto Miller pero ang gamit ko po na surname ay yung kay mommy. When daddy left us pinabago ni Mom yung surname ko. Hehe ang ingay ko na po yata"

"No.. go on we are listening" may pagkakadiin ang sabi nito .

"Hindi na po namin alam ni mommy kung nasan si Dad. Simula ng mawala si Dad lagi nalang sakin nagagalit si mommy. Kaya at the young age nagtrabaho na po ako"

"You heard that Cantaloupe?"

Natuon ang atensyon namin dito. Tahimik lang ito at natulala. Walang sinabi na kahit ano. "What can you say Cantaloupe?shes your missing heirs"

Nagulat siya sa sinabi nito automatic na bumagsak ang kaniyang kamay sa may lamesa. Nalaglag ang kaniyang gamit na spoon. Nagbigay iyon ng kakaibang ingay.

"Callia patay na ang daddy mo" wika ni Lolo Azul siguro nakita nito ang nagtatanong niyang mukha.

"Namatay siya sa eroplano na sinasakyan niya pabalik ng pilipinas" dagdag pa ni Lolo Damian.

"And she's pregnant Damian. At ang apo mo ang ama" sabi ni Lolo Azul. Lahat kami ay nagulat sa tabil ng dila nito.

Mas lalong nagulat si Lolo Damian doon "The hell"

"Hell talaga lagot ka kay Cantaloupe"

"That bastard,hindi ka man lang pinanindigan" bakas ang gulat sa boses ni Lolo Damian.

"Hindi niya alam po" tumungo siya dahil nahihiya siya dito.

"Let's eat" pagputol ni Lolo Can sa tensyon

Nawalan na siya ng gana pero kumain parin siya kahit konti. Pareho kaming pumunta pabalik sa kwarto ni Visca ng tahimik. Hindi makapaniwala sa rebelasyon na nangyari kanina. Natulog ito habang siya iniisip ang nangyari. Wala rin si Alexus maghapon kaya wala siyang makulit.

TAINTING THE INNOCENT (Obsession Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon