Chapter 5

43 20 3
                                    


"Really? Do you know this guy?" I asked, pero nagulat ako nang makita ko na bumalik si August.

"Quin? I'll talk to you some other time, I need to go, he's here." I said and our call ended. Hindi niya na ako nasagot.

Umupo siya at hinintay na ibaba ko ang phone. Who is this man?
Can I really trust this man?

"Sorry I left, I called someone so we could rent a boat," he said.

"Can I pay for it? Para at least hindi ako pabigat dito, I have money too, you know," sabi ko.

"I already paid for it, nothing to worry."

"Fine. Just let me pay next time okay?" I told him.

"My answer is no. Let's go."

Meron naman akong pera na pambayad, pero ayaw niya talaga akong hayaan. Sa susunod uunahan ko na siya. Sumakay na kami sa boat na nirent niya. Ngumiti sa amin ang matanda sa bangka.

"Sir Sean, tagal mo bago nakabalik ah," sabi nung may ari ng bangka na medyo matanda na.

"Opo, may mga inasikaso lang po, tatay Leo" sagot naman ni August.

"Kamusta na si Sir Raven? Sino areng kagandang babaeng iyong kasama? Ay siguro kayo ay bagong kasal kaya ikaw ay napabalik dito ano?" tanong nung matanda. Lumaki ang mata ko sa sinabi niya at napatingin kay August.

"Hindi po, she's not my wife -" naputol ang pagsasalita ni August dahil nagsalita ulit si manong.

"Kung ganon magkasintahan kayo at nagbabakasyon lamang dito?" tanong uli ng matanda.

"Hindi po, tinulungan niya lang po ako sa isang kumplikadong bagay," sagot ko sa matanda. "Ako po si Chasity, Cha nalang po," pagpapakilala ko sa kanya.

"Magkaibigan lang kayo? Ay nako, pasensiya na ineng. Ngayon ko lang ulit nakita si sir dito, tapos halos lahat naman ng magkasamang pumupunta dito ay bagong kasal o kaya naman magkasintahan," sabi niya. Si August naman tahimik lang at malayo ang tingin.

"Tawagin mo nalang din akong Tatay Leo, tutal kaibigan ka ni sir." sambit pa niya.

Ngumiti ako kay Tatay Leo. Pinagmasdan ko lang ang mga alon, at ang mga isda na makikita agad sa sobrang linaw ng tubig! Madalas ang mga kaibigan ko lang ang nakakasama ko sa nga ganitong lugar, dahil lagi namang may iba't ibang ginagawa yung pamilya ko. Nakakapunta kami sa ibang bansa pero saglit lang din, hindi kami tumatagal ng limang araw kasi pumupunta lang kami tuwing kailangan kaya hindi ko nasusulit yung mga pagpunta namin.

Umiikot lang kami kung saan-saan habang unti-unti nang bumababa ang araw. It looks amazing. I haven't watched the sunset in the middle of the ocean. Sobrang tahimik lang, at nakakarelax. I really need this break.

We headed back before dinner time comes.

"Thank you po sa pagikot sakin dito, tatay Leo!" masaya kong sabi.

"Walang anuman, tawagan niyo lang ako kapag gusto niyo ulit mag ikot-ikot, at saka marami pa kayong hindi nagagawa dito na tiyak na ikatutuwa ninyo," sabi ni tatay Leo.

"Salamat, tay Leo. Tatawagan ka nalang po namin, baka hinahanap ka na po ni nanay Lena," sambit ni August sa matanda.

"O siya, ako'y mauuna na. Mag-iingat kayong dalawa, sulitin niyo ang pananatili niyo rito ha," sabi ni tatay Leo sa amin.

Nagpaalam na nga si tatay Leo at naglakad na kami sa buhangin.

"Where do you want to have dinner?" tanong ni August sa akin.

"Somewhere na may pasta? Ikaw saan mo ba gusto?" sagot ko sa kanya.

"Wherever you'd like to eat," he said.

Detaching One's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon