Chapter 12

28 1 4
                                    


"Chasity."

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Ginising ako ni August pero tinatamad pa akong bumangon.

Wala pa rin ba akong makukuhang mga sagot sa araw na 'to?

"May kailangan tayong pag-usapan," mahinahon niyang sinabi.

Bakit masyado siyang seryoso? Ano na naman?

"Seriously, we need to talk," sabi niya.

Bumangon ako at umupo. "Okay, fine. Bakit? What should we talk about?" Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"I need your permission for something."

"Para saan?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto mong tumigil na sila sa paghahanap sayo diba?"

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Of course I want them to stop looking for me. Because it would always bother me.

"There's a way to do that."

"Paano?" What is he planning to do?

"A fake corpse of you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Is he serious about this?

Kaya ba ng sikmura kong gawin 'to para lang tigilan na nila ang paghahanap sa akin?

Hindi! Hindi ko kaya ang sinasabi niya. Alam kong sa oras na makita kong pinagluluksaan nila ako, masasaktan lang ako. Pero paano kung ito na lang ang natitirang paraan?

Should I really do this bad thing?

"Seryoso ka ba? Parang hindi ko kakayanin," sabi ko.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Paglabas ko nandito parin siya. Parang hindi niya inaakalang hindi ako papayag sa plano na yun.

Mga ilang minuto pa siyang nanatili nang lumapit siya sa akin.

"Think about it. Hindi ba't titigil na sila kapag nalaman nilang patay ka na?" Sabi niya na para bang sigurado siyang maniniwala sila na patay na ako.

"Gaano ka ba kasiguradong maniniwala sila? At saka saan naman ako kukuha ng corpse? Architecture student lang ako August paano ko gagawin yan?" Ni hindi pa nga ako nakakagraduate. Ano bang tumatakbo sa isip nito?

"Hinihingi ko lang ang permiso mo, dahil alam kong hindi mo kayang gawin."

What? So he's going to do it if I agreed?

Anong klase ba ng pagkain ang nakain nito, kagigising ko lang ginugulat ako sa kung ano-ano. Kagabi lang bigla niya akong niyakap ngayon naman ganito?

"So do you mean ikaw ang gagawa?"

"No. I'm just going to give orders," sagot niya. Ano 'to parang pag order lang ng pagkain? Ganun kabilis? Ganun kadali?

Sino ba siya para gawin 'to? Hindi ko nga siya kaano-ano.

"Sa tingin mo ba talaga papayag ako? Are you kidding me? At isa pa, what's with you? Why did you do that last night? Bakit mo ba 'to ginagawa?" Gusto kong pigilang umiyak, pero tinraydor na ako ng mga mata ko. Hindi ko na kaya, ang dami ko nang iniisip.

Hindi pa ko nagsisimula, nahihirapan na ako.

"Lalabas muna ako," yun lang ang tanging sinabi niya. Sa dinami rami ng gusto kong itanong, mukhang sa lahat ng yun hahanapan niya ng paraan para hindi niya masagot.

May araw ka rin sa akin August.

I'll make sure you won't escape it next time. Be ready.

Di nagtagal ay naramdamn ko na kumukulo ang tiyan ko. Nagugutom na ako. Sana wala sa labas si August, please lang!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Detaching One's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon