Chapter 7

31 18 2
                                    


Nagising ako na mag-isa parin. Kailangan ko rin namang masanay ng ganito. Pinili ko 'to.

Bumangon ako sa kama at naligo na. Ang init ng panahon ngayon kaya pinili ko nalang magsuot ng cropped top at shorts, mula sa closet dito sa kwarto. Paano niya kaya nalaman ang size ko at ang mga gusto kong klase ng damit? Para kasing lahat ng damit sa closet na yun, nilipat lang mula sa bahay namin.

Naghanda na ako ng umagahan ko, I also made a list of the things I'd like to do. Pero siguro gagawin ko nalang kapag nakabalik na si August.

Sa ngayon maglilibot libot na lamang ako, at saka may bago na akong kakilala dito, si Alexis. Susubukan ko ring tawagan si tatay Leo kung pwede ulit umikot dito sakay sa bangka niya. I got my phone and tried to call him again, sumagot siya sa wakas.

(Hello? Sino ga ito?)

Si Chasity po, natatandaan niyo po?

(Ah, yung magandang babae na kasama ni Sir August, napatawag ka?)

Gusto ko lang po itanong kung pwede niyo po ba ulit akong samahan?

(Nako, ngayon na ba? Ay ako'y inarkila pa ng ibang turista. Pero mamayang bandang pahapon ay masasamahan na kita, ayos lang ba?)

Opo, ayos lang po sa akin. Pwede po bang tawagan niyo na lang po ako kapag pwede niyo na po akong samahan?

(Sige, ineng ako'y tatawag na lang ule.)

Binaba niya na ang telepono at nagayos na ako para lumabas. Iniisip kong puntahan si Alexis at isama siya mamaya, sana nasa kwarto lang siya dun sa resort na sinabi niya. I went to the resort, I knocked at the door of her room. And it opened!

"Good morning Cha, bakit ka nandito?" mukhang nagising lang siya dahil sakin.

"Are you going somewhere? Naisip ko lang kasi na imbitahin kang sumama sakin mamaya. Para lang naman maglibot dito sa lugar na 'to," sabi ko.

"G! Game ako diyaan, wait nagbreakfast ka na ba?" tanong niya.

"Oo, kung hindi ka pa nagbebreakfast pwede kitang samahan. Wala pa kasi yung kasama ko bukas pa siya dadating."

Hinintay ko muna siyang makaligo at saka sinamahan ko siyang kumain sa restaurant sa resort na tinutuluyan niya. Since prito lang naman ulit yung naluto ko kanina for breakfast, nagorder na din ako, pero hindi naman heavy meal kasi may laman na rin yung tiyan ko.

Habang kumakain, nagkukwentuhan pa rin kami.

"So, only child ka lang ba kaya nila kinokontrol buhay mo?" tanong niya.

"Nope, I have an older brother."

"Close kayo?"

"Hindi masyado, ikaw may kapatid ka ba?" tanong ko pabalik sa kanya.

Hindi naman talaga kami masyadong close ni kuya, minsan lang din ako mainform ng mga pangyayare sa buhay niya, kasi since sa kanya naman ipapasa yung kompanya, sa kanya mapupunta lahat ng responsibilidad at ibig sabihin nun ay napaka-busy niyang tao.

Ni hindi ko nga alam na dinedate niya yung sino nga uli yun. Yung Erienne na hindi ko alam san nanggaling biglaang arrive sa mundo namin.

"I have three younger brothers. Sumunod sa akin si Alonzo, tapos si Aleaño, then our bunso Albie," sabi niya at kinuha muli ang kutsara niya para kumain. "Close ko sila sobra, to the point na pati mga gusto nilang girls pinapaimbestigahan ko, siyempre gusto ko naman ng sister-in-law na makakabuti sa mga kapatid ko," dagdag niya.

"Lahat kayo nags-start yung name sa letters Al, ah," sabi ko.

"Oo, dahil yun sa surname ng family namin na nage-end sa Al, Madrigal."

Detaching One's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon