Chapter 10

30 4 1
                                    


After having lunch yesterday, we decided to just stay inside the house for the rest of the day. Natulog at nagpahinga na lang muna ako sa kwarto ko, since we agreed to go to different places today.

It's just 5 in the morning. Masyado akong excited kaya gumising talaga ako ng maaga. Lumabas ako at pumunta sa beach, para panoorin ang pagsikat ng araw.

Umupo lang ako sa buhangin.

Huminga ako ng malalim.

I hope everything goes well.

I just really want to be free.

Free from everyone who did nothing but control my life.

Free to choose on my own.

Even if it means I need to leave my family. I don't care of what people might say.

Kung sasabihin nilang selfish, at wala akong utang na loob sa pamilya ko, kaya kong tanggapin kahit anong sasabihin nila. I don't care. It's my life.

And I intend to decide on what kind of life I want to live.

I can change things. I can stand with my own feet. I can, and I will.

Minsan naiisip ko, kung paano nakakayanan ni kuya na akuin yung mga responsibilidad na pinapasa sa kanya. Kung naisip niya rin kaya na iwan na lang lahat at lumayo.

He didn't even had the chance to do what he really wants. Siguro ganun talaga kapag sayo umaasa ang mga tao, na ikaw ang susunod sa yapak ng mga magulang mo.

Maybe he's in pain deep inside too. Baka pinipilit niya lang kumapit kahit pagod na pagod na siya. Kasi kailangan. Kasi iyon ang gusto nila. Kasi wala kaming karapatang mag desisyon para sa sarili namin.

Hanggang kailan ko kakayaning magtago? At hanggang kailan kaya nila ako hindi mahahanap?

Paano kapag hindi ko naman pala talaga kayang panindigan yung mga ginagawa ko ngayon? Babalik ako sa buhay ko noon?

Breathe in. Breathe out. Relax!

I hate overthinking! But how can I stop myself from the overflowing thoughts inside my head?

Kailangan kong maging positive! Kaya mo to Cha! Masasanay din ako. Hindi ako pwedeng maging mahina! I will overcome this.

Tumayo ako at pinagmasdan ang bawat pag-alon ng tubig sa dagat.

I saw the sun rising, and smiled.

A new day begins.

A chance to change the future.

I felt happy with the peaceful ocean.

Nanatili ako hanggang sa tuluyang pagsikat ng araw sa aking mga paa.

Sa pagbalik ko may nakahanda nang pagkain sa mesa.

"Good morning!" Bati ko kay August na naglalagay na ng mga plato namin.

"Hey. Good morning, nakatulog ka ba ng maayos?"

"Yup. Thanks for cooking, susubukan kong pag-aralan magluto sa mga susunod na araw," sabi ko at umupo na.

"Go eat, we've got a lot of places to go," he said.

Hindi na ako nagsalita, nagdasal na ako at sinimulang kainin ang niluto niya. Madami ang pagkain na inihanda niya, eh kaming dalawa lang naman ang kakain nito. May eggs, gnocchi, steak, kare-kare, tapos may barbeque at salad pa. Para akong nasa fiesta, iniiwasan ko na nga tumaba pero ang hirap naman magpigil sa mga ganitong luto!

Detaching One's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon