Chapter 8 (Night gown)

1.2K 32 0
                                    

Ang daming nangyari ng wala ako, arriette is pregnant, nakakabigla man ang nangyayari sa kaibigan ay masaya na si Val dahil masaya na si Arriette sa malungkot na buhay niya kay Greg.

Nakatanggap siya ng tawag at imbetado siya at si Cheska sa Pool party nila because Lucas closed big deal.

Barbecue party sa swimming pool ang theme ng mini celebration. Inimbitahan ni Lucas ang mga kaibigan at girlfriends nila at ang dalawang kaibigan ni Arriette.

Nagpunta sila ng sabay ni Cheska, nang makarating ay may mga bisita na roon.

"Ang tagal niyo naman, kanina pa ako naghihintay akala ko hindi na kayo darating" ani Arriette

"Pwede ba yun, you know naman I like party!!!" ani Val na itinaas pa ang kamay at sumayaw.

Nasa couch sila nakaupo sa gilid ng pool kasama kasama si Arriette at Cheska

"Ganito ba talaga mga mayayaman, laging may paparty?" takang taning ni Val

"Siguro" tipi na sahot ni Arriette

"Anong siguro eh halata naman na mahilig magpa parte si madam Ofelia, eh teka maiba tayo. Nasaan ang mga magulang si Lucas?" nagtatakang tanong ni Val

Napalingin ito ng diretao kay Val sa tanong niya

Napaisip ito bigla. (Oo nga no, bakit kaya wala man lang siyang nababanggit kung nasaan sila, sa kasal namin wala yung mommy niya) tanong niya sa isip

"Ang alam ko namatay na daddy niya pero sa mommy wala akong alam at hindi ko pa siya nakikita.

Nagkibit balikat si Val. "Malay mo may second family na or nakatira abroad."

"Baka nga" ani Arriette

"Hey ladies, bakit nandiyan lang kayo?" ani Lucas

Bungad ni Lucas na hindi nila napansin ang paglapit niya sa kanila

"Ah okay lang kami dito at least nagkaka bonding namin si Arrie, ang tagal mo rin kasi siyang tinanan" pagbibiro ni Val

Natawa si Lucas sa biro ni Val

Hinampas naman siya ni Arriette sa balikat "Hindi niya ako tinanan no!" ani Arriette na pinandilat pa niya si Val

"Eh anong tawag mo doon?" ngumisi si val at tyaka kumindat kay Arriette

"Advance honeymoon yun" sabat ni Cheska

Nagngitngit ang ngipin nito. "Mga kaibigan ko ba kayo?" ani Arriette na umirap sa dalawa

"Emmm parang ganun na nga, tinanan sabay honeymoon" sinakyan niya ang pagbibirobng dalawa

Tumingin si Arriette kay Lucas. Napasinghap ito pinaningkitan si Lucas

"Babe, aminin na natin na doon nabuo si baby" umupo ito sa tabi Arriette at ipinulupot ang kamay sa baywang nito

" Anong amin ka diyan, hay naku wag kayong makinig sa kanya" tumingin siya sa mga kaibigan

Dumating ang tatlong Mariano. Lumapit sila kina Lucas na masayang nagkukwentuhan

"Ehem" tumikhim si Apollo

Lumingon ang mga ito ng marinig ang pag tikhim ni Apollo

Tumayo si Lucas at nakipag fist bump ito sa mga kapatid.

"Binalita samin ni mamita ang bangyaring closed door meeting. Nasungkit mo raw ang pinaka malaking client" ani Hunter

"Congrats bro" ani Apollo nakipag high five ito, bumaling ang tingin sa gawi nila Arriette. Lumapit ito sa kanila "Ilang beses ko na silang nakita pero hindi ko man lang alam ang mga pangalan nila" ani Apollo na nakangiti sa kanila

The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now