Chapter 32 ( a Pair of lenses )

897 30 0
                                    

"You've disappeared in that night, I was worried baka kung ano na ang nangyari sayo" ani Clark

"Yun ba, I'm sorry, I am in hurry so I forgot to tell you" pagpapaliwanag niya.

Hindi na inusisa pa ni Clark kung bakit siya nagmamadali, may biglang tumawag sa kanya. Nagpaalam siya kay Val at mabilis na sumakay ng sasakyan.

Naiwan mag isa sa coffee shop si Val, doon lang niya ininom ang inorder na kape. Sasandal na sana siya ng biglang bumaling ang tingin niya sa naglalakd palabas, dumaan ito sa kanyang table.

"Apollo"tanging  bulalas niya ng makita ito, may mga kasama itong mga may edad na. Halatang kakatapos lang ng meeting.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa labasan. Nagmadali siyang lumabas, ang bilis niyang nawala. Parang bola na biglang naglaho. Maglakad pa siya kunti,  wala talaga siyang makita. Sumakay na lang siya sa sasakyan, paalis na ito ng biglang may nag over take na sasakyan sa kanyang harapan.

Nakita niya sa passenger seat na nakaupo si Apollo. Walang ano ano ay sinundan niya ang sasakyan.

"Sir may sumusunod sa atin"

"Hayaan mo lang"

Kumaliwa ang sasakyan at pumasok sa makipot na daan. Sinundan niya pa rin ito, pqglabas niya doon ay  nakita niya itong nakahinto, huminto rin siya at lumabas ng sasakyan. Agad niyang nilapitan ang nasa harapan na sasakyan at kinatok ang pinto sa passenger seat. Pagbukas ng bintana ay ibang lalaki ang nakita, gulat na gulat utong nagtatakang tinignan niya ulit ang plate number.

"Hindi ako pwedeng magkamali, ito yung sasakyan kanina na sinunudan ko, bakit ibang lalaki ang nakaupo?" tanong niya sa sarili

Napasapo siya sa noo na hindi maipaliwanag ang nakita o sadyang namalikmata siya na sa paghahangad niyang makita ulit si Apollo ay kung sino sino na ang napagkakamalan niya, hallucination lang ba iyon o totoong si Apollo ang nakita niya.

"ang sabi mo ilang beses mo nang nakita si Apollo ito eh noon right after the hotel incident, baka naka drugs ka?" ani Cheska

Inirapan niya ito "Akala ko kung ano na sasabihin mo, talaga ikaw? Aakusahan mo akong nag drugs? Cheska magkalimutan na lang tayo kung ganyan mo ako pag isipan" pagtataray ni Val

"Nagtatanong lang diba, gravey naman ng reaction" ani Cheska na

Napabuntong hininga na lang si Val.

For the first time ay magiging Resouce speaker siya sa isang seminar na si Clark ang nag organized.

"Clark sigurado ka ba, I don't have experiences and achievements to share with, what will I tell them?"

"You don't need many experiences and achievements to be one of the speakers. Movitations comes from the heart, from the life you've been through" ani Clark

Sa bagay may point si Clark kaya hindi na umangal si Val.

"Identify and overcome self- destructive" ang kanyang lesson sa mga future graduates.

Tamang tama ang tema na tulad niyang kulang sa confindence to prove herself that can do even more without fear and hesitation.

Naging smooth ang lecture niya sa mga in coming new chefs,  it's a two way learning process ang naging outcome, both learnt from it. 

"I didn't expect this, I thought I can't but because you believe in me  everything went well. You made me believe too, I made myself believe and confident." ani Val kay Clark

" Because you can, may be hindi mo iyon nakikita but you are talented like everyone else"

"Yeah and thanks to you, I can't do this alone without you" ani Val na nakangiti ito habang tinitignan ang mga empty chairs.

"It's a calling, you are in the path now. " ani Clark

"Seems right" ani Val

Nagpunta sila ng parking lot, sasakay na sana si Val sa sasakyan ni Clark ng may pakiramdam siya na may nakatingin sa kanya. Nagpagala gala ang mga tingin niya sa paligid, napa kunot noo ito bago siya sumakay.

Lumingon siya sa likuran, hindi siya mapakali, para talagang may nakatingin sa kanya.

Nagbukas ang bintana sa likuran ng sasakyan.

Sinundan lang niya ng tingin ang sasakyan.

"Alis na tayo"

Habang nakatutok siya sa power point ay hindi maalis sa isipan niya ang kanina, malakas ang kutob niya na amy tumitingin sa kanya. Bigla siyang tinaasan ng balahibo at humangin sa  labas ng nakabukas na bintana. Isasara niya sana ng makitang may sasakyan sa ibaba ng hotel, kahit nasa 45 floor siya ay kitang kita niya na si Apollo ang nasa sasakyan.

Nagmadali itong nagsuot ng coat at sumakay sa elevator. Ilang minuto rin iyon dahil sa mga sumasakay at pahinto hinto sa mga bumababa.

Paglapag nila sa ground floor ay nagmadali ito sa may lobby at lumabas ng main door.

Wala na yung sasakyan doon, nahuli siya ng dating.
Napahawak siya sa kanyang mga tuhod. Hingal na hingal siya dahil sa pagtakbo niya.

Bumalik siya sa hotel room niya at isinalpak ang katawan sa kama. Niglang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at sa ganoong ayos na siya nakatulog.

The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now