chapter 45 (My Dream)

1.3K 32 2
                                    


Tapos na siyang nag impake ng gamit. Ihajatid sana siya ni Apollo sa airport kaso biglang nagka emergency sa Hotel Villa

Naintindihan naman iyon ni Val kaya okay lang.

Si Cheska at Arriette ang nqghatid sa kanya sa airport

"Uy, huwag ka makakalimot, alam namin na mananalo ka diyan kaya ngayon pa lang pa autograph na" ani Arriette inilahad niya yung chef hat niya na nasa bag at may panulat siyang dala

"True? Girl scout ah" ani Val

"Naku syempre naman no" ani Arriette

"ako rin baka mamaya sikat ka na wala man lang kami maipakita na signature mo sa photogram" ani Cheska

"Sige na nga" aniya at kinuha ang mga chef hat nila. Pagkatapos lirmahan iyon ni Val ay may grupo ng mga babaeng edad 15 pataas ang lumalit sa kanila

"Ahm excuse me po, kayo po ba si Ms. Arriette?" tanong nung isa

"aah ako nga" sagot ni Arriete

Sabay abot ng mga magazine na hawak nila. "Pwede po ma autograph, mga culinary student's po kami" pagpapakilala ng isa

Pinagbigyan niya ang mga ito. Nagpapicture na rin sila sa kanya.

"anong kaguluhan ito?" ani Lucas

Nang malingonan ng mga bata ito ay sabay napatili sila. "Si papa Lucas!!!

"anong nangyayari?" ani Sage

May mga lumapit pang iba pa. "Omg si Sage my love!!!" tili ng isang grupo, may napapalundag pa sa saya

"Ooh may artista ba?" ani Apollo

Times 4 na ang mga tili ng mga tao. Nagkakagulo ngayon sa airport dahil sa tatlong Marianos. Pinalibutan agad sila ng mga body guards ni Apollo.

"Akala ko ba busy ka" ani Val

"Pwede ba yung aalis ka mag-isa, mamaya may umaligid sayong porenger diyan makalimutan mo ako, alalahanin mo engage na tayo, ano mang oras pwede na kitang pakasalan" pagbibiro ni Apollo.

"Puro ka biro, noong nawala ka nga ng isang taon sa dami ng umalig, walang panama sayo, ngayon pa na andito ka na. Iaip mo ha linisan mo yan" ani Val na nginisihan niya ito

"Naniniguro lang kaya heto oh" ani Apollo at itinaas ang ticket nito

Si Val ngayon ang napatili sabay yakap sa kanya.

"oooooh you're so sweet, honey" ani Val

"babe, kainggit sila oh" ani Arriette na nag pout at itinuro niya yung dalawa.

Umakbay si Lucas kay Arriette. "Yung pagmamahal ko sayo walang makakapantay nun, baka nga ako pa ang nagturo sa mga iyan ng technique kung paano manligaw" ani Lucas na kumindat sa asawa

"Tse, di ka nga nanligaw eh...yabang nito" ani Arriette na kinurot sa tagiliran si Lucas.

"Hindi na kayo nahiya, talagang dito pa kayo sa public place kayo maghaharotan. Humanap na lang kayo ng room diyan sa tabi tabi" ani Sage

Natawa naman sila sa tinuran niya.

Pagdating nila sa America ay nanginginig ang katawan nito, hindi dahil sa lamig ng snow kung hindi dahil sa kaba. Kung dati kinakabahan siya sa pagsabi sa minor competition, ngayon ay international na ang labanan.

Hinawakan ni Apollo ang kamay niya at nirubbed niya iyon para uminit.

"andito lang ako, manalo matalo, ngayon pa lang I am so proud of you, I am your fan" ani Apollo. Binuksan nito ang bag niya at mayroon siyan inilabas na puting papel.

The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now