Chapter 16 ( black Market )

1K 30 0
                                    

May malaking transaction. 30million pesos kapalit ng mga mamahaling iba't ibang klase ng baril, nasa daan sila Apollo kasunod ang dalawang track. Nakalagay doon ang mga baril na ibibinta sa isang grupo.

Nakahanda ang mga tauhan kung sakaling mabulilyaso ang transaction.

Pagkarating nila sa daongan ng mga barko ay nag aabang na sila sa paparating na grupo, nakasakay sila sa speed boat.

Mga ilang minuto lang silang late sa napag usapan na oras. Naka full white tux ang leader ng grupo.

Naka mask si Apollo na nakasakay sa itik na kotse sa di kalayuan. Ang pinaharap niya ay ang kanyang kanang kamay na si Ronaldo.

"Finally meet you Night owl" ani ng lalaking naka full white tux

"likewise Mr. Chan"

"I have the money with me what we converse in our deal. Lemme see the orders!" ani ng chikwa na baluktot ang dila nito sa Ingles.

"Ipakita niyo ng bahagya ang laman isang truck" ani Apollo, narinig iyon ni Ronaldo sa pamamagitan ng wireless earphone na nasa loob ng tenga niya.

Tumingin siya sa mga tauhan at naintindihan agad nila ito. Sinamahan nila ang isa sa mga tauhan ng kabilang kampo sa isang truck, nang makita ang laman ay bumalik sila sa kinaroroonan nila. Limapit ito sa leader nila at may binulong

"We don't monkey business, we are show our money. Be sure that those are real not fake"

Binuksan ng mga tauhan nito ang laman ng dalawang suitcase.

"Aigo" bulong ni Ronaldo. Code na ibig sabihin sa grupo nila ay tama. 

Inilipat na ng kabilang kampo ang laman ng truck samantalang ang dalawang suitcase ay nakuha na nila.

Nagkatitigan lang ang mga leader ng grupo habang hinihintay na matapos ang paglilipat. Mapayapang natapos ang transaction. Buo silang umuwi ng Hotel Villa. Sa parking lot ng hotel ay may biglang tumawag. Isang transaction ang pumalpak, sampo sa mga tauhan niya ang namatay ay tinangay ng kalabam ang kanilang baril. Galit itong pumanhil sa penthouse.

Nakita niyang may mga itim sa mga mukha ng mga tauhan. Agad siyang lumapit at tinanong ang mga ito.

"Anong nangyari sa inyo?" seryoso ang mukhang nagtanong si Apollo

"Teka, hindi pa tayo tapos" ani Val na may hawak na make up. Nang mag angat ito ng tingin ay nakita niya si apollo. Muntik na niyang mahulog ang hawak sa gulat.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Apollo

"Ayaw mo akong umalis, so heto para malibang sila ang model ko" ani Val.

Bumaling ulit ang tingin ni Apollo sa mga itshura ng mfa tauhan, halos lahat sila ay may make up, malula ang bibig sa lipstick.

Nagpipigil na tawa ang mga kasama niya pero siya seryoso ang mukha.

Hinawakan niya ito sa braso ay kinaladkad sa itaas.

"Hey, ano ba.. Nasasaktan ako bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas nito

Binuksan niya ang pinto, pagsara niya nito ay isinandal siya sa likod ng pintuan.

"They are my men not your toys. Hindi sila nagtatrabaho para pwglaruan mo" nagngingitngit ang mga ngipin nito ng sabihin niya iyon

"Bakit ka ba nagagalit, eh naboboring ako dito sa pesteng lugar na ito. Tyaka ang oa mo, I am just putting a make up on them toy na agad! Gross!!!" pagtataray ni Val dito

"Don't ever do this again, dahil kapag ginawa mo ulit yan-" hindi na niya naituloy

"Ano, sasaktan mo ako ha?" ani Val, she is provoking him to hia limit

Inihilamos niya ang kamay nito sa kanyang mukha sa inis. Hinawakan niya ito sa braso at marahas na itinulak sa kama.

Nagmadali itong nagtungo sa walk in closet ay may binuksang drawer. Iba't ibang tali ang nandoon. Ponili niya ang itim na may chin sa dulo, bumalik siya sa kinaroroonan ni Val. Hinawakan niya ito sa kamay at itinali iyon sa gilid ng kama, isinunod niya ang isa.

"Kalagan mo ako rito, Apollo this is not a good thing. Alisin mo 'to!" sigaw niya

"Magtanda ka!" aniya at tyaka na lumabas ng kwarto

"Maghilamos kayong lahat" utos niya sa mga may make up at ipit sa buhok.

Sumunod namam sila sa kanya. Umupo siya sa couch at sumimsim ng wine. Dahil sa nangyari, ang napagbuntunan niya ng galit ay si Val. Nagdilim ang paningin nito.

Sa galit ay iniyak na lang ni Val. Wala siyang magawa, kahit magsisisigaw siya ay hindi naman siya maririnig sa ibaba. Nakatulog ito sa kakaiyak na ganoon ang lagay, dalawang kamay niya ang nakatali sa magkabilaan.


The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now