chapter 43 (Parenting)

1K 27 1
                                    

Pagkatapos ng kasal nila Arriette at Lucas ay tumuloy sila sa kanilang honeymoon. Samantalang ang kanilang kambal ay naiwan,may hiling sa magkasintahang sina Apollo at Valerie.

"Gusto ko sana na kayo na muna ang mag-alaga sa kambal habang nasa honeymoon ang mga magulang nila. Meron kaming pupuntahan ni Sage at walang maiiwan dito. I am expecting you both to taking good care of them while everyone's away for a while." ani Mamita

Nagkatinginan sila, parehong walang alam sa pag-aalaga ng bata ang dalawa.

Dahil si mamita ang humiling, tatanggi pa ba sila?

Tumango sila kay mamita, halata sa mga ngiti nila na napipilitan lamang ang dalawa.

Pagka alis ng ginang ay hinampas ni Val si Apollo sa braso.

"Bakit hindi ka tumanggi!" reklamo ni Val

"Sino sa atin ngayon ang sadista? Ikaw... Alam mo naman na hindi ako makakatanggi doon, diba?" ani Apollo

"Alam mo rin ma wala akong alam sa pag-aalaga ng bata tapos kambal pa!" angil ni Val

"Madali lang naman yan, ano pa at nag alaga ako kabayo at baka sa Rancho Verde?" ani Apollo

" Hayop po yun, tao po aalagaan natin po" sarkastikong sagot ni Val na inirapan niya si Apollo

"pareho lang yan kapag inalagaan, tender with care?" confident niyang sabi

"Ewan ko sayo, ako magpapakain ikaw ang mahuhugas sa kanila" ani Val

"Andyan naman si Herrero eh siya ang maghuhugas sa kanila" ani Apollo

"Eh anong alam ng matandang yun?" ani Val na nag rolled ng eyes.

"ehhm" tumikhim si Herrero sa kanilang likuran

Nagulat sila sa pagtikhim nito

"May sulat po Ms. Valerie" ani Herrero

Inabit iyon ni Val. Nagtatakang binasa ang address sa labas ng envelop.

"International Chef Arizona"

Napatakip siya sa kanyang bibig. Agad niyang binuksan iyon.

Nilakasannniya ang pagbasa nito sa pinaka importante sa sulat. "You are inviting to compete the International Annual Chep competition,...(tumingin siya kay Apollo na hindi makapaniwala ang expression ng itshura nito) You hear that, makakapag compete na ako international honey"  she is gracefully said

Niyakap niya ng mahigpit si Apollo.

"I am proud of you honeybunch, ikaw ang mananalo doon" ani Apollo na confident sa kanyang sinabi

"Ikaw naman, huwag tayo mag expect ng mataas baka mamaya maudlot masakit umasa" ani Val

Napabungisngis sila pareho sa mga sinabi nila

"Kanina nag aaway ngayon nagtatawanan, ang gulo ng love birds na ito" bulong ni Herrero

Nagising na ang Kambal. Nag umpisa na ang kalbaryo ng dalawa.

Umiiyak si Asya dahil nagugutom ito. Dahil hindi pa nakakapagsalita ay hirap na hirap silang intindihan ang gusto nito.

Binuhat aiya ni Apollo at isinayaw. Mas lalong lumakas ang iyak nito

(naalala nyo sa book1 ayaw sa kanya ni Asya pati ni baby Sabrina sa book2)

"ooh bakit lumakas ang iyak ni Asya, kinurot mo yata eh, baka natakot itahura mo" ani Val..." amin na nga siya" kinarga siya nito

"Lakas maka bintang, tignan natin sayo" ani Apollo

Huminto si Asya. " oh see!" pag yayabang ni Val, pero maya maya ay umiyak ulit si Asya.

"Ang galing mo nga mag alaga. Baka gusto niya ng spiderman flying" ani Apollo

"Anong sliderman flying ka diyan, baka mamaya matakot tong bata sayo" ani Val

"ehhhm, ay excuse me lang po, baka nagugutom na si Asya, gusto niya ng gatas" samabt ni Herrero

Nagkatinginan si Val at Apollo, tyaka tumingin kay Herrero ng malapad.

Napakurap kurap si Herrero na nag clear ng throat.

Ibinigay ni Val si Asya kay Herrero. "Matagal ka nang naninilniham sa Pamilya at nakita na namin ang loyalty mo at ang maayos na trabaho mo, sana ay ipagpatuloy mo yan, aking kaibigan" ani Apollo na pinisil pisil ang balikat ni Herrero.

Namumuo ang pawis sa noo ni Herrero sa tensyon na pinaparamdam sa kanya ni Apollo

"Ipagluluto kita ng Banana loaves" ani Val na malapad ang ngiti dito

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya ha, Honey tara na sa kwarto at gagawa tayo ng kalaro ni Asya" pagbibiro ni Apollo tapos umakbay kay Val

Na siko siya sa tikmura ni Val. "Anong gagawa, kasal muna no!!" aniya at tyaka inerapan niya

"Eh di withdrawal muna tayo" dagdag ni Apollo ma kumindat

"Hirit ka pa" pagtataray ni Val.

Nang makalayo ay agad na nag apir sila sa kanilang pag iwan kay Asya kay Herrero

"Nakita mo yung reaksyon ni Herrero, para siyang naji-jives nang iwan natin si Asya sa kanya" ani Apollo

Tawa sila ng tawa ng walang ano mang sounds. Naka hawak na sa tyan si Val sa pamimilipit nito kakatawa.

Nakatulog ulit si Asya pagkatapos mag didi ng gatas, inaalo siya ni Herrero habang tulog ito sa may couch sa sala. Maya maya ay umiiyak ito, inaalo lang niya ito sa pwet at bumabalik sa pagkakahimbing.

"hay, naisahan ako doon ah, mas mahirap ang magbantay ng batang tulog kaysa mag mando. Kailan kaya babalik sin Ms. Valerie at sir Apollo.?" bulong niya sa sarili

Habang ang dalawa ay nakatulog sa kwarto ni Apollo.

Malalakas na katok ang sumambulat sa dalawa. Naalimpungatan sila at nagmadaling binuksan ang pintuan.

"Sir Ma'am nasa video call si Madam Felomina, hinahanap niya kayo" ani Fe ang sunod kay Herrero, ang ang taga pamahala sa mga babaing maid.

Nagmadaling bumama ang mga ito at nagtungo sa sala.

Nadatnan nilang kausap sni Herrero si Mamita

Umulo sa tabi ni Asya ang dalawa at suminyas si Apollo kay Herrero.

"Narito po sila" ani Herrero.

Pagkaharap ni Herrero ng screen ay nagulat sila sa itsura ni mamita, nakakatakot na tigre ang awra nito.

"Kamusta ang mga bata, maayos ba sila?"

"opo mamita medyo nakakangalay lang sa pagbubuhat" ani Apollo na hinihimas ang braso.

Pasimpleng siniko siya ni Val.

"totoo ba iyon Herrero?" ibinaling ang screen kay Herrero. Nakatingin ng malapad si Apollo dito

"Aah eehh opo madam" nauutal na sabi nito.

"kailangan kita rito Herrero, mag impake ka at babyahe ka ngayon din, may tiwala ako sa dalawa na maaalagaan nila ng husto ang kambal kahit wala ka diyan" ani Mamita

"aah ooo opo madam, masusunod" ani Herrero

Namatay na ang call.

"Ano, aalis ka, paano ang mga bata? teka, hindi ba pwedeng si Fe na lang?" tarantang tanong ni Apollo

"Iyon po ang utos ni madam, walang makabali kahit sino man, kung inyong mamarapatin ay aalis na po ako" pagpapaalam ni Herrero sa dalawa

Aburido ang mga mukha nilang dalawa ng iwan sila ni Herrero.

"Paano na ngayon iyan?" tanong ni Val

"Hindi ko rin alam" ani Apollo na itinungkod ang siko sa tuhod nito.








The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now