Chapter 10 (Hide and Seek)

1.1K 36 0
                                    



Dahil sa nangyari sa kanila ay hindi niya ito magawang tignan ulit o makausap. Hindi niya alam kung papano nito nakuha ang cellphone number niya, everyday itong may missed calls mula rito. Nag iba na rin ito ng bar na pinupuntahan.

"Bakit kailangan mong lumipat ng bar, ang ganda ganda na doom sa huli eh" ani Wayne

"sinabi ko ba sumunod sa akin? Hindi naman di ba tyaka ayoko na doon. Pagsisinunggaling niya. Ayaw niyang sabihin kay Wayne ang dahilan dahil lalaking tsismosa ito, hindi siya mapakali hanggat hindi niya nasasabi ang mga nalalamang sekreto. Mahirap na baka may ibang makaalam lalo pa at mainit ang dugo sa kanya ni Jenny na gagawin talaga ang lahat mapahiya lang ako sa maraming tao at ipamukha na ito ang pinili at hindi siya.

Umupo siya sa isang stool at umorder ng margarita as usual. Pinakiramdaman niya muna ang bagong hangouts place niya. Habang sinasabayan ng kanyang ulo ang tugtog ay may mga babaeng dinumog ang paparating, nang lingunin niya ay halos lumuwa ang mata ng makita si Apollo, tumalikod ito at kiniha ang baso sabay lagok ng laan niyon. Nagtakip siya ng mukha gamit ang isang kamay nito.

"Shit, bakit siya nandito...nakakainis, ang hirap hirap naamng pagtaguan ang lalaking ito!" bulong niya sa sarili

"Kamusta kana?" sambit niya sa mahinang boses.

Mahina lang iyon pero malinaw at rinig ni Val ang boses nito, para siyang nag echo sa kanyamg tenga.

Nahihiya itong tumingin kay Apollo. "Okay lang" tipid niyang sabi

"You've been missing since that night, you're avoiding me, do you?"tanong nito habang umiinom ng wine

"Naku hindi ah, tyaka masyado akong busy, ngayon na nga lang ako ulit naka pag night out" aniya

Halatang defenssive ito sa sagot niya. Tuloy tuloy niyang ininom ang wine, naka apat na baso siyang straight bottom up.

"Then why you didn't pick my calls?" tanong ulit niya

"I told you, busy ako kaya wala akong time para sagutin iyon. " pagdadahilan niga na hindi makatingin dito

Saktong may tumatawag sa phone niya. Napatingin siya dito habang kinakapa ang cellphone sa bag. Lumingon siya sa kabila bago niya ito sagutin.

"Where are you, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko... You need to come home!"

Inilayo niya ang phone sa tenga niya sa lakas ng boses ng nasa linya.

"I need to go!" aniya dito.. Naglabas siya ng pera ay inilapag sa mesa tyaka siya tumayo at nagmadaling umalis.

Napailing at ngumisi na lang si Apollo, sumandal siya sa still habang pinapanood ang mga nagsasayawan sa dance floor.

May mga babaeng nagpapacute sa kanya habang sumasayaw sila. Akala nila ay nakatingin ito sa kanila, kahit nakatingin siya ay iba ang nasa isip nito. Bumalik sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ilang araw na ang nakalipas. Napahawak ito sa kanyang labi at inalala kung gaano kalambot at tamis ang labi niya, napapangiti ito habang binabalikan ang bawat sandali nang kanilang pag niig.

"Hi handsome" aniya ng seksing babae na hinaplos ang kanyang braso.

Naputol ang pagdi-daydream niya nang maramdaman niyang may humahaplos sa kanuang braso, bumaliknito sa kanyang huwesyo, pinaningkitan niya ang kamay ng banae sa kanyang braso at unti unti itong nag angat ng tingin sa babae. Binigyan niya ito ng  "stop touching me" na tingin dito. Napapitlag ang babae at inalis niya ang kamay.

"Gwapo nga, ang sungit nanman" ani ng babae na inirapan niya si Apollo bago ito umalis

Hindi niya alam kung kailan siya nawalan ng ganang makipaglaro sa mga babae, hindi na siya natutuwa kapag may mga lumalapit sa kanya.

Nakahawak ang isang kamay niya sa kanyang sintido  habang umiinom ng wine

"Ang aga aga naglalasing?" ani Sage

Itinaas niya ang baso, alok niya dito

"Pass, may meeting ako" ani Sage

Tumango siya at nilagok ang alak.

Nakailang buntong hininga ito, napapahimas ito sa bagong ahit na bigote. Nagugulo ang utak niya dahil kay Valerie.

"bwesit, aaaayst pinapasakit ang ulo ko" nagkamot ito ng ulo

"Oh ganyan na ba bago mong hair style?" pamumina ni Hunter

"dagdag ka pang bwesit ka!" ani Apollo kay Hunter na tumatawa sa itshura niya.

"Babae? Hay, naku kayong tatlo nababaliw! Tignan niyo ako, no girls no worries!" pagmamalaki ni Hunter

"Tignan lang natin kapag nahanap mo na yang the one mo, huwag kang lalapit at iiyak sa akin!" ani Apollo na inirapan siya bago umalis

"ooh bakit ako, kalalaking tao may irap irap pa, mga baliw na talaga kayo." aniya sa hangin

Nakita niya si Val sa mall, dahil mailap ito ay nawala sa paningin niya.

Mabilis na bumili ng ticket sa sinihan si Val para makapagtago.

Umupo siya sa pinakadulo sa taas. Habang nanonood ay naiiyak ito sa dialog ni John lloyd at Bea bilang Popoy and Basha

⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️
"Sana ako pa rin, sana ako, ako na alng ulit."

"she loved me at my worst. You had me at my best at binalewala mo lang lahat iyon, mahal ko si Trisha"

"Popoy, yun lang ba talaga ang tingin mo, I just made a choice?"

"And you chose to break my heart"

"Alam ko yun"
⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️⭕️

May naka hood ang nag abot ng panyo sa kanya, maya maya ay inabutan ulit siya, tubig naman, tapos popcorn habang humihikbi ito na damang dama ang pinapanood.

Ang bigat bigat ng pakiramdaman niya pagkatalos niyang manood, feeling niya siya si Basha, magkaiba man ng sitwasyon pero pareho silang iniwan.

Kunti na lang ang tao sa loob ng sinehan, nakaupo pa rin ito habang nakikikain sa katabing upuan. Maya maya ay nagtaka ito bakit hindi pa rin imaalis ang katabi, tyaka may papanyo at patubig ito may pa popcorn pa. Hindi niya makita ang mukha dahil nakahood ito at nakatakip ang kamay. Nsgkibit balikat na lang ito at tyaka tumayo. "Salamt sa panyo sa tubig at popcorn, ako yata nakaubos ng popcorn" nahihiyang sabi nito sa nakaupo

Tumango lang ito sa kanya na hindi tumitingin

Naglakad na ito palabas. Tumayo naman si Apollo na kanina pa ihing ihi, pinipigilan lang niya baka mahalata siya ni Val at bigla na alng aiyang umalis. Atleast nakasama niya ito kahit ilang minuto lang. Sapat na iyon.

The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now