Chapter 22( I will save you whatever it takes )

1K 32 0
                                    


Nagpunta uto mag isa sa warehouse kung saan naka lagak ang mga baril na kanilqng binibinta. Isinilid niya ang mga iyon sa bag at inilagay sa truck.

Kaunti na lang ang natira sa mga iyon sa warehouse. Matagal pa bago sila makapag import dahil nagpapalamig pa sila dahil mainit ang mata ng awtoridad sa kanila pagkatapos ng engkwentro.

Apat na truck ang nalagyan niya, pinagdugtong niya ang mga ito gamit ang hook. Bumalik siya sa loob ng warehouse at nagpalit ng damit, naglagay siya ng bulletproof vest sa loob ng damit. May isinuksok ito sa loob ng jacket na iba't ibang dagger at iba pang armas na gagamitin kung sakaling magkaipitan.

Sumakay siya sa nasa unahang truck at binuhay ang makina, madilim pa ang paligid nang mag umlisa itong umalis. Tinatahak niya ang daan patungo sa sinabing lugar kung saan niya dadalhin ang mga kargamento.

Nagtanim siya ng mga bomba sa paligid ng lugar habang wala pa ang mga kalaban. Mag-isa lang siya kaya kailangan niyang utakan ang mga ito.

Isang iras na itong naghihintay,maya maya ay may nakikita na siyang mga sasakyan na paparating sa di kalayuan. Sa palagay niya ay mga kalaban na ito na paparating sa lugar. Nagpunta ito sa loob ng truck at pinagmamasdan niya ang mga ito, binilang niya ang sasakyang parating at ang sakay nito, estimated 50 katao ang humarap sa kanya. Napangisi ito sa dami, kung ganoon kadami at mag-isa lang siya ay halatang may takot sa mga ito. Magsuot na siya ng mask para hindi siya makilala ng mga ito.

Tumunog ang cellphone nito. Alam niyang tatawagan na siya nito. Sinagot niya iyon habang tinitignan ang pababang matabang lalaki na may nakatutok na cellphone sa tenga, tyak na ito na yung kausap kagabi.

"Sumunod ka ba sa kasunduan"

"Wala kang dapat ikatakot, andito na ang mga hinihingi mong kapalit, ipakita mo sa aking buhay at buo si Val.

Tumingin ang mataba sa isang tauhan, tumango ito at inilabas si Val na nakapirong ang mata na may busal sa bibig. Nakatali ang mga kamay nito na hawak hawak siya ng lalaki, nakatutok ang baril sa kanyang ulo.

Lumabas si Apollo. Nasa tabi siya ng truck

"Kumpleto ang laman ng bawat truck, kalagan mo siya at paglakarin papunta rito" ani Apollo

"Hindi ikaw ang magdedecision, kinin ang mga truck, kapag nakuha na namin mga truck tyaka ko pakakawalan"

"Ibigay mo muna siya sa akin, o naduduwag ka kahit alam mong mag isa lang ako"

"Baka ikaw ang naduduwag, hindi mo ba nakikita, mas marami kami kaysa sayo HAHAHAHA" Tumawa ito ng ubod lakas

"Ibigay mo muna siya sa akin at makukuha mo ang gusto mo ng walang dadanak na dugo"

"matigas ka, pero sige pagbibigyan kita! Kalagan yan !" utos nito

Inalis ng lalaki ang tali sa mga kamay niya at piring nito.

Nasilaw siya sa mga ilaw ng sasakyan, napakurap kurap ito at iniharang ang kamay sa noo niya para makita ang daan. Nanginignig at naglalambot ang tuhod.

"Lakad!" ani ng lalaking mataba at itinulak siya nito, muntik na siyang madapa, halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa sa takot, may mga matang nakatingin sa kanya at nakatutok ang mga baril, all went slow motion sa kanyang paningin.

Naninigas ang katawan niya sa kaba dahil sa tensyon, isang maling galaw niya lang ay paniguradong pauulanan siya ng bala at baka mapahamak pa si Apollo, tumutulo ang mga luhang nakatingin kay Apollo, pilit niyang inihahakbang ang mga paa.

Nakalahad ang kamay ni Apollo na inaabot na siya nito habang nakatayo lang sa kinaroroonan. "Val bilisan mo" bulong niya dito, nahahati ang atensyon nito dahil alam niyang hindi tutupad sa usapan ang mga tulad nila, sabay ng paglapit ng mga truck sa kabila, agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay nang maabot ito.

Sa loob ng truck ay lumabas ang mga tauhan ni Apollo na pinangungunahan ni Ronaldo. Tamang labas lang nila dahil naka kasa na ang mga baril ng kalaban. Nakikipag palitan sila ng putok sa kaaway.

Nagtakip ng tenga si Val sa nakakabinging mga putok ng baril, nakapikit ito habang mahigpit na yakap yakap siya ni Apollo. Nakatago sila agad sa isang puno. Ito qng naging pananggalang nila sa mga aasinta sa kanila. Sumilip ito mula roon at nakita niya ang lider nila na patakas. Inasinta niya ito ng kanyang baril, nang makuha ang tamang sentro ay kinalabit na niya ang gatilyo. Natamaan ito sa ulo, agad na dumandusay.

Ang kaninang nakakabinging putok ng baril ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Lumabas sila sa may puno, nakayakap ng mahigpitvsi Val at ayaw magmulat ng mata

Nakita niya ang mga tauhan na nakatayo at nakatingin sa kanila. Hindi niya akalain na sinundan siya ng mga ito.

Lumapit si Ronaldo at ngumiti, hindi namin hahayaan na mag isa ka lang lalaban, ang laban mo ay laban namin lahat." ani Ronaldo

"Tama, hindi kami papayag!" ani ng isa

Natuwa siya sa ipinakitang katapatan, katapangan at ang pagpapahalaga sa kanilang kapatiran.

Hindi makapagsalita sa panginginig at sa takot. Inalalayan siyang sumakay sa sasakyan. Binuhat siya ni Apollo papanhik sa kanilang silid, wala itong imik nang ilapag siya nito sa kama.

Umupo ito sa tabi at hinawakan ang kamay niya. "I will save you whatever it takes, no matter how dangerous the situation is as long as I am breathing, I will go for you to save you." ani Apollo

The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3Where stories live. Discover now